VII.

120 2 0
                                    

“Hindi ba napaka-aga masyado ng iniisip mo? Akala ko ba gusto mo lang makipag-usap?” tanong ni Anna kay Ric.

                “You think sa mga buwan na hindi ko nakasama ang anak ko, sa unang minute niya dito sa mundo na wala ako sa tabi niya, na wala akong alam tungkol sa kanya, sasabihin mo sa akin na masyadong maaga ang iniisip ko?” tanong ni Ric sa kanya. “Ang dami kong na-miss sa buhay ng anak ko and I will miss one more moment with him.”

                Natahimik si Anna.

                Then….

                “Baka di mo rin maabutang gising si Nick. He sleeps most of the time.”

                “It doesn’t matter.”

                “Pero-“

                “Anna, gusto kong makita ang anak ko and that’s final.”

                Hindi na nagsalita si Anna. Tama din naman kasi si Ric. Karapatan niyang makita ang anak niya. Anak nilang dalawa. Walang kwenta na kung itatanggi pa niya ito sa sarili niya. Magsasayang lang siya ng oras. Alam na ni Ric and wala na siyang magagawa tungkol dito.

                “Alam mo ba kung saan ako nakatira?”

                “Of course.”

                Of course. Sino nga ba naman ang makakatakas sa lalaking ito. Walang bagay na hindi niya aalamin kapag siya na ang nagkaroon ng interes dito.

                Hahawakan sana ni Anna ang mga labi niya pero binaba rin niya ang kamay niya midway. Baka makita siya ni Ric at kung ano pa ang isipin niya. Napabuntong-hininga na lang si Anna at napatingin siya sa bintana. Pero hindi siya nakatingin sa nadadaanan nila kundi sa repleksyon ng lalaking nasa tabi niya.

                Hindi pa rin nagbabago si Ric sa tingin ni Anna. Kung meron mas gumwapo ito ngayon. Sure mas maikli na ang buhok niya nawala na rin yung bigote niya and bagay sa kanya. He looked clean and handsome and somehow…

                A lot sexier.

                Uh-oh, Anna.ano bang iniisip ko? Handsome? Sexier? Saan galing yun? Tingin ni Anna sa sarili niya baliw na siya.

                Pero kahit ganun pa man. Hindi mapipigilan ni Anna ang sarili niya. She couldn’t at siguro hindi rin niya pipigilin ang sarili niya kahit na kaya niya. Suddenly, nakatutok na ang mga mata niya sa mga labi ni Ric. Nagflashback agad sa utak niya ang ginawa nila kanina. Mabuti na lang busy si Ric sa kakabasa ng mga messages sa cellphone niya. Dahil kung hindi…

                Biglang lumingon si Ric sa kanya. His reflection looked right back at her.

                “Enjoying the view?”

                Hindi makasagot si Anna. She was caught with her hand in the cookie jar. Napalunok na lang siya at iniwasan niya ang tingin ni Ric sa kanya.

                “Anna?”

                “Hmmm?” di pa rin siya tinitingnan ni Anna.

                “Are you enjoying the view?” di pa rin nakatingin si Anna kaya di niya nakita ang ngiti ni Ric.

                “Ha? Uhh…Oo. Maganda..ma..maganda ang view.”

                Hinawakan ni Ric ang baba ni Anna at hinarap ang mukha nito sa kanya.

                “Gusto mo na ang nakikita mo?”

                Tumango na lang si Anna dahil hindi siya makapagsalita. Unti-unti, inilapit ni Ric ang mukha niya kay Anna. Hindi naman makakilos si Anna at nakatingin lang ito sa mga mata ni Ric. Naamoy na ni Anna ang pabango ni Ric pero hindi pa rin siya gumagalaw.

                “Ako rin, Anna.” Bulong ni Ric sa kanya at halos dumadapat na ang mga labi niya sa labi ni Anna.

                Hindi alam ni Anna kung anong pumasok sa isip niya. Basta na lang siya napapikit at hinintay na halikan siya ulit ni Ric.

                Ilang segundo ang lumipas, wala pa rin ang halik na hinihintay niya. Nakarinig na lang siya ng click at narinig niyang bumukas ang pinto ng sasakyan. Binuksan niya ang mga mata niya at nakita niyang nakatingin lang sa kanya si Ric.

                “Baba na, andito na tayo.”

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon