VI.

123 4 0
                                    

                Hindi alam ni Ric kung saan mas nagulat. Sa galit ni Anna o sa dalawang sampal na ibinigay ni Anna sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinuputok ng butsi ni Anna. Hindi naman si Ric ang nakipaghiwalay kundi siya. Hindi naman siya ang klase ng lalaki na tatakbo sa responsibilidad niya. Oo, siya ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Anna sa kanya dahil sa sinabi ni Ric sa kanya pero hindi ibig sabihin nun na may karapatan na si Anna na ipagdamot kay Ric ang anak niya.

                Lumabas si Ric sa opisina niya at sinundan si Anna. Naabutan niya ito sa may entrance ng building at nagbabantay ng taxi na masasakyan pauwi.

                “Anna.” Tinawag ni Ric si Anna pero tila hindi siya narinig ni Anna o sadyang nagbibingi-bingian lang si Anna.

                “Anna.” Tinawag niya ito ulit and this time malapit-lapit na siya kay Anna. Lumingon si Anna sa kanya pero agad ding tumalikod at patuloy sa pag-aabang ng masasakyan pauwi.

                “Anna, ano ba? Mag-usap muna tayo!”

                Hindi pa rin siya pinansin ni Anna. At napipikon na naman si Ric. Anna was the most difficult woman he has ever met. Tumigil siya sa likod mismo ni Anna pero hindi siya hinawakan ni Ric. Hindi niya alam kung anong magagawa niya kapag hinawakan niya si Anna.

                “Anna, last warning na ‘to. Umakyat muna tayo sa opisina at mag-usap.”

                “Ayoko.” Yung lang ang sinagot ni Anna sa kanya.

                “Anna..” winarningan ni Ric si Anna dahil hindi na niya mapipigilan ang inis niya.

                Hinarap siya ni Anna dahil maging siya ay nanggigigil na rin sa inis kay Ric.

                “Ano ba ang hindi mo maintindihan sa salitang ayoko? A-Y-O-K-O! Ha? Ganyan na ba talaga kalaki katok mo sa ulo kahit simpleng salita di mo naiintindihan?”

                “Anna, huwag ka ngang umastang parang bata, may problema-“

                “Ah, ako pa ngayon ang astang bata? Akala ko kanina sa office, yun yung pinakamataas na level ng pagiging jerk mo. Mali pala ako, Ric. May itataas pa! At para sabihin ko sa’yo, kailanman, hindi ko itinuring na problema ang anak ko!”

                “Hindi yung ang ibig kong sabi-“

                “Get lost, Ric!”

                “Anna, you’re leaving me no choice-“

                “The way you left me no choice to have your child? Huh, tough!”

                Talak lang ng talak si Anna kaya hindi niya napansin na may tumigil na pala na sasakyan sa harap nilang dalawa.

                “Tough, Anna? I’ll show you tough!” hinawakan ni Ric ang braaso ni Anna at halos kaladkarin niya ito papunta sa sasakyan.

                “Ric! Anong..” sinubukan niyang oumiglas pero mahigpit ang hawak ni Ric sa kanya.

                “Ric, bitiwan mo nga ako! Ano ba?!”

                Binuksan lang ni Ric ang pinto ng kotse at pilit na pinapapasok si Anna sa loob.

                “Ayoko nga sabi! Bitiwan mo nga ako!” 

                Naubusan na ng pasensya si Ric kaya tinulak niya na lang si Anna sa loob ng kotse.

                “Aray!” reklamo ni Anna pero di sya pinansin ni Ric na agad naming sumunod sa kanya at isinara agad ang pinto.

                “Drive!” utos niya sa driver niya.

                “Hibang ka na ba? Itigil mo an sasakyan at bababa ako!”

                “Ayoko.”

                “Bababa na sabi ako!” sigaw sa kanya ni Anna.

                “Ano ba ang hindi mo maintindihan sa salitang ayoko? Ganyan na ba talaga kalaki katok mo sa ulo na kahit simpleng salita di mo naiintindihan?” binalik ni Rick ay Anna ang sinabi niya kay Ric kanina.

                “Ric, ano ba? Kailangan ko nang umuwi!”

                “Hindi. Ang sabi ko mag-uusap tayo kaya mag-uusap tayo sa ayaw mo at sa gusto.”

                “Kailangan ko ng umuwi Ric.” Nag-iba ang tono ng boses ni Anna. May halo ng pag-aalala. “Kailangan ako ng anak ko!”

                “Tough.” Yung lang ang sagot ni Ric sa kanya.

                Na siya naming kinagalit lalo ni Anna.

                “Tarantado ka talaga! Kidnapping ang ginagawa mo!”

                “At sinong maniniwala sa’yo? Utot mo?” tanong ni Ric bago tumwa ng malakas. “Tsk, huwag masyadong mataas ang tingin sa sarili, Anna. Hindi ka ganun kaganda.”

                Boom! Abot langit na ang galit ni Anna kaya imbes na awayin niya si Ric sa salita ay naging pisikal na si Anna. Pinagsususuntok at pinaghahampas niya si Ric.

                “Anna, ano ba?” pero tuloy pa rin ang paghampas ni Anna kay Ric. Hinawakan ni Ric ang mga kamay ni Anna at hinila niya si Anna. Biglaan ang lahat ng nangyari. Nakakandong na sa kanya si Anna, the next naghahalikan na sila. Yung hindi lang halik, yung naglalapaan na sila.

                Mabuti na lang at tinted ang sasakyan ni Ric dahil kung hindi, parang nakapanood ng libreng sine ang mga nakakita sa kanila. Maging ang driver ni Ric hindi maiwasang mapanganga sa kanila. Sa tingin niya ng tingin sa kanila ni Ric, huli na ng makita niyang red na pala ang traffic light at bigla na lang siyang nagpreno.

                Dahil sa biglang pagtigil ng sasakyan, mas lalong nagkalapit ang mga katawan nila dahil napayakap sila sa isa’t isa. Naputol ang halik at nagkatinginan sila.

                “Having fun?” tanong ni Ric sa kanya.

                She smiled smugly. “Sa palagay ko, ikaw ang mas nag-eenjoy sa ating dalawa.” Sabay tingin sa may zipper ng pantaloon ni Ric dahil ramdam na ramdam ni Anna ang arousal ni Ric.

                It was Ric’s turn to smile seductively.

                “You wanna do something about it?” tanong sa kanya ni Ric.

                Natauhan si Anna bigla. She removed herself kay Ric at umupo ng maayos sa pinakadulo ng upuan. Nilagyan niya ng distansya ang pagitan nila dahil ayaw niyang maulit ang nangyari. Hindi nga niya alam kung bakit hinayaan niya ang sarili na halikan si Ric. Tuwing naiisip niya ang nangyari kanina hindi niya mapigilang mag-blush at gusto niyang iuntog ang sarili niya sa pader dahil ang hina niya.

                “Saan mo ba ako dadalhin?”

                “Saan pa edi sa bahay ninyo. Don’t you think it’s time I meet my son?”

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon