XXIII.

103 2 0
                                    

Nagmeryenda si Anna kasama ang pinsan niyang si Claire habang natutulog si Nick. Nakaupo sila sa sofa na nasa sala pero nakabukas pa rin ang pinto ng kwarto kung saan natutulog si Nick.

                “Kamusta na ang pamangkin ko?” tanong ni Anna kay Claire.

                “Ayun, medyo pilyo pa rin. Pano kasi nagmana sa tatay niya.”

                “Eh nain-love ka din naman kasi sa kapilyohan ng tatay niya.” Biro ni Anna.

                Tumawa si Claire. “Hindi ah. Sa lahat ng katangian ni Bryan, hindi ang pagiging pilyo niya ang tumulak sa akin na pakasalan siya. Minsan nga hindi ko na alam kung si Ben ba o si Bryan ang mas pilyo sa kanilang dalawa. They just drive me insane sometimes.”

                Ngumiti si Anna at kumain ng cake.

                “Eh ikaw?” tanong ni Claire sa kanya.

                “Anong ako?”

                “Ikaw? Kamusta ka na?”

                “Eto, kinakabahan. Sa makalawa na ang kasal. Ikaw nung kinasal ka di ba ganito ka rin naman? Kinakabahan na hindi mapakali.”

                “Oo pero yun lang ba talaga?”

                Umiwas ng tingin si Anna. “Hindi kita maintindihan, Claire.”

                Hindi nagsalita si Claire. Hinintay lang niya na tumingin ulit si Anna sa kanya bago soua nagpatuloy.

                “Anna, sigurado ka na bas a gagawin mong pagpapakasal sa lalaking yun?” she carefully asked.

                Napalunok si Anna. Sinubukan niyang ngumiti pero pilit at hinala ni Anna, nakikita yun ni Claire. “Saan naman nanggaling ang tanong mo?”

                Hinawakan ni Claire ang kamay ni Anna. “Pinsan kita. Natural lang na magtanong ako ng ganito. Sinaktan ka na niya minsan, Anna. Sigurado ka ban a hindi ka na niya iiwan kapag kailangan mo siya?”

                “Mahal ko siya.” Bulong niya sa pinsan niya na para bang natatakot na marinig siya ni Ric kahit wala siya doon.

                “Hindi ako bulag para hindi yon makita. Ang tanong, mahal ka ba niya?”

                “Tapatin mo ako, Anna. Mahal ka ban g lalaking mahal mo?”

                Hindi. Oo. Hindi niya alam. Sa pinapakita ni Ric sa kanya, pwede na niyang paniwalain ang sarili niya na mahal siya ni Ric. O baka panahon lang ang kailangan para maamin ni Ric sa sarili niya kung ano talaga ang nararamdaman niya para kay Anna. “Hindi na mahalaga yon. Magpapakasal kami at palalakihin naming si Nick na magkasama. Bibigyan namin ang anak namin ng isang kumpletong pamilya. Wala na akong mahihiling pa.”

                Napakasinungaling mo, Anna. Sinabi niya sa sarili niya.

                “Anna, hindi masamang humiling minsan sa sarili. Kumpleto nga ang pamilya pero masaya ba ang klase ng pamilya na ibibigay mo sa anak mo? Handa ka bang maghintay habangbuhay hanggang sa mahalin ka ni Ric?”

                Inalis ni Anna ang kamay niya na hawak-hawak ni Claire at tumayo. “Siguro nga nagpapakatanga ako. Siguro walang magndang maidudulot ang desisyon ko para sa sarili ko pero mahal ko si Nick. Ayoko din naman na lumaki siya na dalawng bahay ang tinitirhan. Ayokong sabihin sa akin ng anak ko baling araw na hindi naming sinubukan ang tatay niya na gawin ang lahat para sa kanya. Mahal ko rin ang tatay niya. Tanga na kung tanga pero simula nung bumalik si Ric sa buhay ko, mas lalo ko lang siyang minahal. At sigurado ako na mas pipiliin ko na makasama siya kahit na hindi niya ako mahal kaysa sa buhay na wala siya.”

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon