XXIV.

105 2 0
                                    

Pinagtitimpla ni Anna si Nick ng gatas nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito habang karga-karga si Nick. Napangiti si Anna pagkakita niya na kay Ric galing ang message.

                “Hi. Medyo magaan ang trabaho sa office ngayon. Kamusta ka na diyan? Ayos lang ba kayo ni Nick? Sana di mo na lang pinagday off ang yaya ni Nick para may katulong ka sa pag-aalaga sa kanya. Give Nick a kiss for me okay?”

                Abot langit ang ngit ni Anna habang pinapakain si Nick. Concerned si Ric sa kanya…yun lang ang paulit-ulit na pumapasok sa utak ni Anna.

                “Concerned sa akin ang Papa mo, Nick.” Sinabi niya kay Nick habang nakatingin lang ang anak niya sa kanya at dumdede. “Syempre concerned din siya sa’yo pero concerned din siya sa akin.”

                Hinintay na muna ni Anna na matapos si Nick bago niya ito ibinaba sa kuna at nagreply kay Ric.

                “Sagutin ko lang Papa mo ha?”

                “We’re okay. Kaya ko naman alagaan mag-isa si Nick. Nagawa ko na rin naman dati. We’re okay, Ric. Ikaw? Kumain ka na ban g tanghalian? Huwag ka magpalipas ng gutom. Ayokong mukhang sakitin ang groom ko sa wedding pictures. Ano na lang sasabihin natin kay Nick paglaki niya? Hehehe.”

                Naglalaro lang sila ni Nick sa kama habang naghihintay ng sagot mula kay Ric. Maya-maya pa’y tumunog ulit ang cellphone ni Anna. Nakahawak lang ng mahigpit si Nick sa hintuturo ni Anna habang nasa isang kamay naman ang cellphone niya at binabasa ang message ni Ric.

                “I’m always hungry but not for food. Libre ka ba mamaya? Let’s have dinner as a family later?”

                Napakagat ng labi si Anna habang nagrereply.

                “Sure. Gusto mo huwag na lang tayong lumabas? I can prepare dinner for us. Yung paborito mo.”

                Tinabi niya ang cellphone niya at pinagtuonan ng pansin si Nick. “Miss mo na Papa mo, no?” hinalikan ni Anna si Nick sa noo. “Ako rin miss ko na rin siya. Pero huwag ka mag-alala, solo natin siya mamaya. Ipagluluto natin siya ng pinakapaborito niyang pagkain. Alam mo ba kung ano yun? Adobong manok!” tumawa lang si Anna habang unti-unting sumasara ang mga mata ni Nick. Tumunog ulit ang phone niya kaya kinuha niya ito agad. Excited sa isasagot ni Ric.

                “Sigurado ka ba? Baka naman mahirapan ka niyan? Wala pa naman diyan ang yaya ni Nick. May ipapakilala pala ako sa’yo mamaya. He’s excited to meet you.”

                May gustong makilala si Anna? Nagtaka siya kung sino yun. Nakakunot ang noo niya habang nagrereply.

                “May gustong makilala ako? Sino? Okay lang na ipagluto kita. Hindi naman mahirap gawin kasi natutulog din naman palagi si Nick.”

                Agad namang nakasagot si Nick.

                “Biglang dumating ang Papa. Di ba sabi mo noon maganda na makadalo ang pamilya natin sa kasal. Nandito ang Papa ko para dun at excited na siya na makilala ka at ang apo niya. Okay lang sa’yo di ba?”

                Tatlong beses na paulit-ulit na binasa ni Anna ang message nay un. Nandito ang Papa ni Ric at gusto niyang makilala si Anna at Nick mamayang abi. Nagulat at nabigla si Anna. Paano kunghindi siya magugustuhan ng tatay ni Ric? Paano kung hindi siya pumayag sa kasal? Papaano kung kukumbinsihin niya si Ric na huwag na lang magpakasal at kunin sa kanya si Nick? Huminga siya ng malalim. “Relax ka lang, Anna. Wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Hindi mo pa nakikilala ang Papa ni Ric. At alam mong hindi ka pababayaan ni Ric. Nangako siya.” Sinabi niya ng malakas sa sarili niya. Napatingin siya sa natutulog niyang anak at napangiti. “Magiging pamilya tayo, Nick. Magiging pamily tayo ng Papa mo.”

                Nagreply siya kay Ric.

                “Masaya ako nandito ang Papa mo para sa kasal. Pero okay lang bas a kanya? Okay lang sa kanya na magpakasal tayo?” pinindot niya ang send at nilagay sa kuna si Nick. Nilagay niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya at lumabas ng kwarto at iniwang bukas ang pinto. Binuksan niya ang ref at kumuha ng tubig. Umiinom siya ng tumunog ulit ang cellphone niya. Agad niyang kinuha at binasa ang message ni Ric.

                “Oo naman. Hindi naman ganun klase ang Papa. He wants to meet her future daughter-in-law. Masaya siya na magpapaksal na ako. At syempre gusto na rin niyang makita si Nick. Sa condo na tayo mag dinner. Kung hindi ka talaga mahihirapan, I’d like you to cook the adobo. Na miss ko na ang luto mo. But the rest, leave everything to me. Susunduin ka ng driver mamaya, okay?”

                Kakatapos lang niya basahin ang message ni Ric ng biglang tumawag ito sa kanya.

                “Ric?” “Anna? Okay ka lang?” tanong ni Ric sa kanya.

                “Oo.okay lang.” napakagat siya ng labi.

                “Anna, are you scared to meet my father?”

                Hindi sumagot si Anna.

                “Anna, it’s okay. Nag-usap na kami kanina and he was only surprised na may apo na pala siya. May tampo lang sa akin dahil hindi ko daw nasabi agad sa kanya na may apo na pala siya. He’s glad I’m getting married, Anna.”         

                “Sigurado ka? Maiintindihan ko naman kung tutol siya…”

                “Huwag kang ganyan…hindi nakakatakot si Papa. Promise. Nasa tabi mo lang ako. Everything’s gonna be fine.”

                She sighed silently. “Okay, sinabi mo eh.” May tiwala siya kay Ric. Yun ang walang duda.

                “It’s a good thing you’re cooking adobo.” Ramdam ni Anna ang ngiti sa boses ni Ric.

                “Adobo? Bakit?”

                “Kasi paborito din yun ni Papa.”

                “Ahh…ganun ba? Kailangan ko pa talaga sarapan ang lulutuin ko.” ngumiti  si Anna at napasandal sa ref.

                “Are you sure na kaya mo?”

                Tumawa na si Anna. “Ric ano ka ba? Kaya ko nga, promise.”

                “Sige, si Nick? Pinapahirapan ka ba niya?”

                “Hindi naman. Natutulog na nga ngayon. Kita na lang tayo mamaya?”

                “Okay..Anna?”

                “Ano yun?”

                “I..um..take care.”

                “Ikaw din..take care, Ric.”

                “Bye.” Sinabi ni Ric.

                “Bye, Ric.” Narinig ni Anna ang click at nadisconnect na ang tawag. “I love you..”

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon