Invertebrates!
Enjoy reading!:)
“Hoy!”
“Ay! Hoy!” Gulat na reaksyon ko. Ang sarap kasi ng pagnguya ko habang kumakain dito sa cafeteria ng may tipaklong na biglang tumapik sa balikat ko.
“Pinabibigay ni Rovic.” Nakasimangot na wika ng tipaklong habang may inaabot sa aking plastic cup.
“Coffee? Para sa’kin?” Abot tenga naman ang ngiti na tanong ko. Sinasabi na nga ba. May crush talaga sa’kin si Bhe!
“Nope juice yan. May nakasulat lang na coffee. Tanga neto.” Saka lumingon sa kasama niyang bubuyog at nagtawanan sila.
“Tanga? At sinong sinasabihan mo ng tanga, ako?” Asar na pinandilatan ko siya ng mata.
“Ay, hindi. Ako ang sinasabihan niya.” Nanlalaki ang butas ng ilong na sagot naman ng kasama niya. Saka may ibinulong ng mahina. Bubuyog talaga!
“Tanga ka nga. Pumapayag kang sabihan niya ng tanga? Kung ako sinabihan niyan makakatikim yan sa’kin.” Saka ipinakita ko ang kamao ko sa kanila. Nagtinginan yung bubuyog at tipaklong at ang ewan ng mga ekspresyon ng mga mukha nila. Natakot ba sila sa’kin.Hihi.. Ang lalaki nila mga duwag naman pala.
“Ibigay mo na nga yan at umalis na tayo. Eh, hindi lang pala tanga to eh, bobo pa!” Sabi naman nung bubuyog.
“At sinong bobo, ha? Ako? Ako?” Pinandilatan ko uli sila ng mata.
“Ay, hindi. Siya!” Turo niya doon sa tipaklong.
“Stop that Nic. Paniniwalaan ng babaeng ito ang sasabihin mo. Tanga nga kasi. Hoy, Conchita, ikaw nga. Ikaw ang sinasabihan naming tanga at bobo!” Sigaw nung tipaklong sa mukha ko bago sila nagtawanan nung bubuyog na Nic at tumalikod na para umalis.
Naningkit ang mga mata ko sa galit. Bobo at tanga pala, ha. Tumingin ako sa ibinigay nila sa’kin na ipinatong lang nila sa table ko. Walang pagdadalawang isip na ibinato ko iyon sa kanila. Sapol sa batok yung tipaklong. Napasigaw siya ng malakas. Nagtinginan yung mga tao sa cafeteria. Nagulat din ako ng makita ko yung tumapon na kape na ibinato ko. Bago pa makalapit sa’kin yung dalawang insekto ay mabilis na akong tumakbo palabas ng cafeteria. My gulay naman! Kasalanan nila iyon. Sabi kasi nila juice yun, coffee pala!
Nakarating ako sa library dahil sa pagtatago. Tsk! May allergy pa naman ako sa mga books. Paano ako makakapasok ngayon? Baka inaabangan na ako ng mga insektong iyon. Bakit nga ba ako matatakot? Kasalanan naman nila iyon, sinabihan nila ako ng kung anu-ano. Tanga raw ako? Ako talaga? Tanga? Ang masaklap sinabihan pa akong bobo. Ang kakapal ng mukha. Kahit may allergy ako sa mga books magaling namang umabsorb ng information ang mind ko. Kaya nga ako nakakapag-aral sa exclusive school na ito kasi scholar ako. Kahit nagtataka si Bincs at lex kung paano ako naging scholar.
BINABASA MO ANG
Aray Ko Bhe!
HumorSiya si Conchita Co, 17 years old. Walang kinalaman ang hitsura niya sa surname niya. Hindi siya mukhang Chinese, Taiwanese o Japanese. lsa lamang siyang pangkaraniwang dalagang Pilipina na nagrereklamo sa binigay sa kanyang pangalan. lsa siyang...