Hello everyone!:))))
Enjoy reading!;)
Yes, I’m going to die dahil pag-kaalis ni Bincs ay agad akong itinulak ni Rovic. Napaupo nga ako dahil doon. Walang hiya talaga si Bhe! Napasimangot ako sa kanya.
“Tuwang tuwa ka naman sa yakap ko.” Nakasinghal na naman siya. At iyon na naman ang mga pag-ismid ismid nya.Tsk! Ang gwapo pa rin eh. Pero dahil masakit ang pwet ko dahil sa pagkakatulak niya, deadma muna sa’kin ang kagwapuhan niya.
“Ang bastos mo talaga! Basta ka na lang nanunulak. Paano kong mamatay ako, ha?!” sigaw ko sa kanya habang tumatayo. Tinawanan lang niya ako ng malakas.
“Don’t overreact. Well, kung sakaling mangyari man, I’ll take care of your burial.”
“Ang sama mo!”
“Gwapo ako, alam ko.”
“Huh? Sinong may sabi?”
“Ikaw.”
“Lastweek and then, kahapon sinabi ko yun pero wala pa akong sinasabi ngayon, ah!”
“So, may balak ka ngang sabihin?”
“Oo!” napakagat labi ako matapos kong sabihin iyon. Arrrgghh! Ano bang lumalabas dito sa bibig ko? Bakit hindi ko mapigilan? Ayan, nakangiti na naman siya sa’kin! Buti sana kung yung ngiti na nakakakilig. Hindi,eh! Yung ngiti niya yung mayabang na ngiti.
“Wala pala! I changed my beautiful mind. Bakit mo ba ako pinapunta rito? Nag-utos ka pa sa dalawang insekto. Alam mo kung namimiss mo na talaga ako, pwede ka namang pumunta sa room ko para silipin ako, eh. O kaya, why not get my number para you can text me whenever you missed me, wherever you are, or pwede rin namang__”
“Enough!” Napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng sigaw niya. Nakasimangot na naman ang gwapo niyang mukha.Hihi.. pansin ko lang tuwing sinasabi kong may gusto siya sa akin nagagalit siya. Okay lang. Sa ngayon, ganun ang reaksyon niya pero sa tamang panahon, kikiligin na rin siya sa mga sinasabi ko.Hihi..
“Ano ba?! Bakit ba kailangan mong sumigaw?!” Sigaw ko rin.
“Daldal mo!” Sigaw nya rin.
“Masama bang gamitin ang freedom of expression?! Masama ba, ha?! Palibhasa ikaw___”
BINABASA MO ANG
Aray Ko Bhe!
HumorSiya si Conchita Co, 17 years old. Walang kinalaman ang hitsura niya sa surname niya. Hindi siya mukhang Chinese, Taiwanese o Japanese. lsa lamang siyang pangkaraniwang dalagang Pilipina na nagrereklamo sa binigay sa kanyang pangalan. lsa siyang...