CHAPTER 3
Zandrean’s POV
Naiintindihan ko na si Nyx ngayon. Alam ko namang hindi sya ganun ka bobo. Masaya ako at nag open up sya sa akin kahit na hindi pa kami ganun ka close. Magaan ang loob ko sa kanya kasi alam ko mabait sya at may katangian na hindi mo makita sa iba.
Proud nga ako sa kanya kasi hindi nauwi sa wala ang pagod naming dalawa noong saturday kasi according to her nakasagot sya sa tanong na binigay sa kanya. She thanked me and I thanked her too because I know we did our very best naman para makamit ang inaasam namin.
Tapos na ang exam namin sa Saint Paul University, as expected malaki na naman ang kuha ko sa exam. May 2 subjects pa akong excepted. Naging masaya ang pamilya ko sa nalaman nila, kaya masaya na rin ako. ^_____^
3 days nalang at exam na nina Nyx kaya sisimulan ko na ang trabaho ko habang maaga pa. Fast learner si Nyx kaya hindi ako mahihirapan, konting review lang ayos na! Proud ako sa kanya kasi unti-unti ng tumataas ang mga grades nya.
“Sir, magstudy na po tayo ngayon, Pleaseeeeeeeeeeee.” nasa labas si Nyx ng kwarto ko at nasa pinto sya panay katok. Napangiti ako sa sinabi nya kasi 2 months na ako dito sa bahay nila tapos every time na mag aaral kami ako ang yumayaya pero ngayon sya na at atat na atat pa!
“Okay mauna kana sa kwarto mo, susunod na ako.” tumayo na ako at lumabas na sa kwarto ko at pumunta na sa kwarto ni Nyx.
For today’s lesson, minor subjects muna then the next day will be the major subjects.
11 pm na kaming natapos sa pagrereview ng mga lessons nila. Okay naman syang estudyante, nahahalata ko sumisipag na sya.
“Hayyyyyyyyyyyyyyyyy~ Minor Subject Doneeeee! SALAMAT LORD at Zandrean” sigaw nya habang may stretching pa! Hahaha
Ngumiti lang ako.
“So ganun lang yun? Ngiti kalang dyan? Palagi kang ganyan, urghhh!”
“You’re welcome and I’m proud of you!Sige, late na good night!” ngumiti ulit ako tsaka lumabas na sa kwarto.
“GOOD NIGHT SIR!” pasigaw nyang sabi sa akin. Ang kulit.
Nyx’s POV
Last night was great, nabalik ang pagkamatalino ko! Hahaha. Naipasok ko lahat sa utak ko ang pinag aralan namin kagabie, kaya minor subject humanda kayo. *evil laugh*
Masaya ako kasi naging masaya na si Mama sa aking changes lalo na pagdating sa school. Eh ikaw ba naman ang everyday nag aaral sino ba ang hindi makakasagot sa tanong ng mga teachers? (yabang mode)
Kagabi, narinig ko mismo kay Zandrean na proud daw sya sa akin. Nakakagaan ng feeling. Walang paglagyan ang kasayahan ko ngayon. Woooohoooo ^^
Ngayon kami mag aaral para sa major subjects. Excited na akooooooo~
8am kaming nagsimula, 2 subjects to go nalang at matatapos na talaga ‘to! Exam I’m coming! LOL.
Tinapunan ako ng plastic cellophane ni Zandrean, ewan ko kung anong laman nito.
“Ano ‘to?” nagtatakang tanong ko.
“Ba’t di mo buksan para malaman mo!” sarcastic nyang sagot.
At tinignan ko na, yung laman pala ay mga chocolates. Napangiti ako at tumingin sa kanya at hindi ko napigilan ang i-hug sya.
“Akala mo sayo lang ‘yan, hati tayo hoy!” nabasag nya ako dun ah. Pero atleast marami to akin yung kalahati HAHAHAHA
Natapos namin ang lahat ng subjects around 11 o’clock. Pagod na pagod na ako at ganun na rin si Zandrean. Kinain namin yung chocolates at naku yari ang diabetes namin hahaha.
Nasa carpet ng kwarto ko sya nakahiga at tulog na, nahihiya naman kung gigisingin ko pa sya, so kinumutan ko nalang sya. Lakas pala ng hilik nito. Lol Nahiya ako dun ah!Hindi ako nakapasalamat sa kanya, nakatulog na kasi.
Wohooooooooo ^__^ Handa na ako para sa examination sa susunod na araw!
Pagod na ako kaya humiga na rin ako. Me is going to bed~ ZzzzzZzzzzZzzzzZzzz~