**5 years later**
CHAPTER 13
Nyx’s POV
Marami ng nangyari at nabago sa nakalipas na 5 taon.
Tapos na akong mag-college at isa ng registered nurse sa Fords Family Hospital, isang private na hospital. Mag dadalawang taon na nga ako dito eh.
Nurse rin dito si Kyle at Claire, magiiisang taon pa sila dito. Biruin nyo pati course nila parehong pareho talaga! Pati pinagtatrabahuan! Haynako “Love birds” <3
Wala na kaming communication ni Zandrean since noong pumunta kami dito sa Manila.
Hindi parin nawawala ang nararamdaman ko kay Zandrean kahit wala na akong alam kung nasaan sya o kung ano na ang kalagayan nya. Hindi na ako nakabalik sa lugar namin as in blank talaga walang informations pati sina Kyle at Claire wala na ring balita.
“Nyx, pinapatawag ka ni Dr. Roxas. Uyyyyy, kayo na ba?” pangungulit na sabi ni Claire.
Nanliligaw si Dr. Simon Roxas sa akin unang taon palang ako dito sa hospital. Gwapo sya, matangkad, matalino at caring pero may anak na at mas matanda sa akin ng 6 years. May sabit na kaya hindi ko siniseryoso!
Iba kaya ang gusto ko noh! Si Zandrean langggggggggggggggg! *evil laugh*
“Tanga! Hindi noh! Bakit daw?” sagot ko naman.
Umiling lang sya. Pupuntahan ko na si Simon baka importante ang kailangan nya sa akin.
“Dr.?” binuksan ko ang pintuan at pumasok.
“Mon na nga lang kasi!” nakangiti nyang sagot.
“Bakit Simon? May importante kang kailangan?” sabi ko naman.
“Wala lang gusto ko lang makita ang maganda mong mukha.” he smirk. Jusko nakakatakot ~_____~
“Simon, may kailangan pa akong tapusin at kailangan rin ako sa station.” tumatakbo ako palabas ng room ni Simon. As in EWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW!
Papunta na ako sa station sa 3rd floor. Ayaw kung mag elevator kasi matatakutin ako masikip na lugar.
“Nyx Torres? Is that you?” hindi ko maaninag kung kanino ang boses. Parang kinda familiar.
Lumingon muna ako sa left at right side ko pero wala naman akong makita. Nagpatuloy ako sa paglalakad…..
“Nyx!”
“Nyx!”
“Porket nurse kana!”
Lumingon ako and this time sa likuran ko naman at … at … at nakita ko si… si… si Janey..
“Janey?” sabi ko sa kanya.
“Oh yes yes! Present!” tuwang tuwa nyang sabi. Maganda pa rin sya at parang naging chubby sya ng kaunti.