CHAPTER 9
Nyx’s POV
Monday, Funday ngayon! At birthday ngayon ni Zandrean at dahil sa mga ginawa nya sa akin isusurprise ko sya mamaya pagdating nya sa bahay.
Kaninang umaga hindi ko sya kinibo para magmukhang wala lang ang umaga nya. Sa school nga hindi ko sya pinansin at hindi ko pa sya na binati! hahaha Bawi naman mamaya sa bahay eh! ^____^
Pagkatapos agad ng klase pumunta na ako sa red ribbon at syempre bumili ako ng cake. Nag order narin ako ng spaghetti. Pagkarating ko sa bahay wala pa sya. Nagtext sya na may family dinner sila mga 6pm.
8:30 pm na at hindi pa sya nakakauwi. Okay, I’ll wait~ Kumain nalang muna ako, gutom na kasi.
10:00 pm na at wala pa rin sya. I’ll wait… I’ll wait… I’ll wait…
Zandrean’s POV
Birthday ko ngayon, wohhhhoooo! *____*
6pm nagdinner kami ng family ko at 7:30 na kaming natapos. Nagpaalam na ako sa kanila at baka hinihintay na ako ni Nyx sa bahay wala pa naman si Manang kasi gabi na.
*beeeeeeeeeeeeeeeeep*
From: Janey A.
Message: HAPPY BIRTHDAY! Punta tayo sa starbucks, libre ko! Kita tayo dun.
---
Hindi ko sya pweding tanggihan. Dali dali na akong sumakay papunta don. Hindi ko muna tinext si Nyx busy ako eh, LOL!
Ako na yata ang pinakaswerting birthday boy sa lahat as of now. Nagkwentuhan kami, nagwindow shopping, kumain ng kumain hanggang sa namalayan ko nalang na 11 na! Pagkasama ko si Janey parang humihinto ang orasan ko in slow motion.
Nagmadali akong umuwi ng bahay. Inihatid ko muna si Janey.
Pagkarating ko sa bahay ------ nakita ko si Nyx nasa table sa kusina pero tulog na.
Nakita ko rin ang ang spaghetti at isang cake na may nakalagay “Happy Birthday Monster Teacher! Thank You. –Nyx”.
Parang maluluha ako sa saya ng makita ko na effort ni Nyx. Hindi pa nagagalaw ang spaghetti at ang cake at dahil busog na ako inilagay ko nalang sa refrigerator.
Sinubukan kong gisingin si Nyx pero hindi na sya magising. Halatang pagod sya. Kinarga ko nalang sya patungo sa kwarto nya, ang bigat nya!
Bago ako natulog naisip ko muna ang mga nangyari mula pa sa umaga hanggang sa gabi….
Nakonsensya ako sa ginawa kong pagmamalabis sa oras na ginugol ko kasama si Janey, hindi ko na tuloy nakasama si Nyx….
Pero at the end of the day, masaya ako dahil nakasama ko ang pamilya ko, si Janey of course at sa effort ni Nyx na kaya pala hindi nya ako kinikibo may ganito pala syang plano!
Thank you Lord sa panibagong buhay!