It’s the FATE that leads….
“I need to talk to your parents about your grades Ms. Torres.”
“What’s happening to you Ms. Torres? You’re always absent!”
“Ms. Torres you’re physically present but entirely mentally absent.”
“Anak, what’s wrong? May problema kaba? Talk to me.”
Hindi naman talaga ako dating ganyan eh. Masipag at masumikap akong mag-aral, sa katunayan nga honor student ako nung gradeschool.
Kami nalang ng Mama ko sa bahay pati na rin sa buhay. Iniwan kami ni Papa at sumama sa ibang babae and because of that my whole life was changed and my world fell apart.
Ako nga pala si Nyx Torres,15 years old. Nag aaral ako sa Saint Jude University at kasalukuyang 3rd year high school. Medyo boyish ako pagdating sa pananamit hindi ako nagsusuot ng blouses, dresses at shorts at 80% ng gamit ko sa cabinet ay puro pants at t-shirts. Hindi ako maliit o should I say MATANGKAD ako, medyo blonde ang long hair ko kasi half American ang Mama ko at may freckles ako sa mukha. May bussiness ang Mama ko sa probinsya kaya minsan lang kaming magkita at ako ang palaging naiiwan sa bahay lalo na pagwala si Manag Lucing.
“Anak! I’m very proud of you. Matalino ka talaga!”
“Good Work Mr. Hermoso!”
“Perfect! Excellent!”
“Mr. Hermoso you will be the representative of our school”
Usually ito ang naririnig ko halos araw-araw sa bahay man o sa school. Masaya ako kasi sa pamamagitan nito, napapasaya ko ang parents at mga tao sa paligid ko.
Everything that happened and is happening in my life appears to be PERFECT!
Ako si Zandrean Hermoso, 15 years old at nag aaral sa Saint Paul University, 3rd year high school na. Chinito ako, kayumanggi ang balat ko at matangkad, sabi nga ng iba Mr.Almost Perfect daw ako. Ako ang palaging pambato ng school namin when it comes to brainy contests. May Pharmacy kami at it’s doing well. I have a complete and happy family. I have a sister named Alex na grade 3 na at katulad ko smart kid din.
CHAPTER 1
Nyx’s POV
“Anak siguro kailangan na nating maghanap ng tutor na mag tuturo sa iyo at stay in sa bahay para may makasama ka naman kung wala ako, Okay lang ba?” –sabi sa akin ni Mama, galing sya sa classroom dahil kina-usap sya ng adviser namin.
Nag- nod ako sa kanya as a response.
“Oh, sige. Magpapahanap ako sa Tita Loisa mo.”
Haynako. TUTOR? HINDI NAMAN AKO GANON KA SLOW NOH! TSSS.
Recess Time.
As usual, kami ni Claire Tiu ang magkasama. Best friend, classmate and at the same time neighbor ko rin sya. Hahaha, close namin noh? Ganon talaga.