Chapter 3 - Liam's POV

30 0 0
                                    

Liam's point of view

Stalk.. Stalk.. Stalk.. scroll.. scroll.. scroll.. Tapos mapapangiti nalang ako bigla kapag makakakita ako ng picture nya. Oo ni Zia :) yan ang gawain ko eh kase gusto ko kasi palagi ko syang nakikita kahit hindi sa personal. Ang ganda talaga nya kahit may glasses syang suot ang sarap lang nyang isipin kahit araw araw pa.. Nakahiga ako ngayon habang hawak hawak ang iPad ko

*flashback*

kami nalang ni Zia ang walang partners nun para sa gagawin naming project sa club subject namin

"Okay so si Liam at Zia nalang ang walang partner sa inyong lahat kaya it means kayong dalawa ang magkasamang gagawa ng research project niyo" sabay tingin sa aming dalawa ng moderator namin at tumango nalang kami

Bigla naman akong tinawag ni Zia at lumapit sya sa akin "hoyy! Saan ba tayo gagawa? Sainyo ba o sa amin?" pag tatanong nya sa akin and yes masungit sya sa akin at magkaclub kami. Book lovers club ang club namin. Alam ko kasing dun sya pupunta eh basta about books ang usapan go lang yan.

Tumingin naman ako sa kanya "ah sa inyo nalang, makalat sa amin eh" pero ang totoo ayaw ko lang talaga sa amin kase alam ni mommy na siya ang crush ko sa school at alam nya din na magkaclub kami kaya mahirap na baka mabuko nya pa ako nakakahiya naman

"Ah okay sige, see you! Text mo nalang ako pag papunta ka na bukas na tayo magsimulang gumawa ha" at inilagay nya naman ang number nya sa phone ko at pagkatapos ay umalis na sya sa tabi ko

Tapos ay nagbell na at hudyat na tapos na ang club day at uwian na kami

"Goodbye book lovers!" sabi ni mrs. Forteza

tumayo naman kaming lahat "Goodbye mrs. Forteza!"

***

Kinabukasan maaga akong nagising at nag ayos. Ngayon kasi ang araw na gagawa kami ni Zia ng research project para sa club namin. I'm wearing v-neck tshirt, brown shorts at black chucks

Nagtext na ako sa kanya na papunta na ako at sumalubong sa akin ang napakagandang si Zia. Naka pink tank top, maong shorts at slippers sya at shempre may hawak na naman na libro

"Andyan ka na pala, pasok ka ng makapag start na tayo" sabi nya habang nakatingin sa akin na papunta sa pinto nila

Andaming pagtatalo at pag uusap ang naganap at sa wakas tapos na din. Dahil nga book lover kami parehas e maayos naman yung nagawa namin research project. Pagkatapos nun ay umuwe na ako

Pagkahiga ko sa kama "crush ko na si Zia.. Hayyyy maganda na matalino pa" sabi ko sa sarili ko at natulog na

*end of flashback*

Hayyy.. Next week na ang graduation namin at shempre valedictorian ang ultimate crush ko na ako lang ang nakakaalam. Pero sana crush nya din ako no? Pero malabo naman yata yon kase naman eh books nalang sya ng books kaya ayun nasa isip ko malabo maging kame baka pagselosan ko pa yang books nya na yan

Naggm yung classmate ko na si James kasama nya daw si Zia sa munchiezey café "good aft @munchiezey café with Zia, Tin and Lea"

agad naman akong pumunta don para makita sya tutal malapit lang naman bahay ko don. Mga walking distance lang naman at booooooom andun nga sya. "Kahit saang anggulo ang ganda talaga nya sobrang nakakainlove naman tong babaeng to" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin lang sa kanya

Nga pala si James? Full name nya James Carl Villamonte at classmates kame. Akala ko nga nung una lalaki talaga yan at close na close sila ni Zia kaya nga naiinis ako dyan palagi kase nagseselos ako at tapos nung na laman kong bisexual pala natawa nalang ako sa sarili ko. Pero ayos na din may kakilala akong pwedeng makakatulong sa akin kay Zia

"Hahahha.. Ano ba!! Hahahaha... Grabe naman hahaha" rinig na rinig ko yung tawa nya simula dito. Grabe kinikilig ako sa boses nya. Ano kaya ang nakakatawa at mukang masayang masaya sya?

Napapangiti ako ngayon dito mag isa. Pumasok ako umorder ng isang milk tea at red velvet cake at sa malayo nila ako umupo para hindi nila ako mapansin baka sabihin iniistalk ko sya. Pero hindi nga ba? Yun naman ang ginagawa ko eh hahahaha pero gusto ko din naman malaman na kung okay ba sya

Ang sarap ng foods sa munchiezey café ha kaya pala gusto dun ni Zia. May isa na naman akong alam tungkol sa kanya

***

Umuwe na ako agad kase madami pa din naman akong requirments na dapat ipass sa monday para makagraduate ako, Saturday kasi ngayon. At tinapos ko na yon lahat para bukas wala na akong gagawin at poproblemahin

Biglang pasok ni mommy sa bedroom ko "Keil o mag merienda ka muna dyan" inabutan nya ko ng French toast and lemonade. At napansin nyang nagfefacebook at twitter nalang ako

Ah Keil ang tawag sa akin dito sa bahay tapos Liam naman sa Finwest colleges

Ngumiti ako kay mommy "thank you po mommy" sabay kagat ko ng french toast

Tila nagtataka si mommy "ohh Keil tapos mo na ba lahat ng projects and performance task mo? Mukang pa easy easy ka na eh"

"Ah opo tinapos ko na po lahat kanina para relax na ako bukas" masiglang sagot ko

"Ah mabuti naman kung ganon.. Mukang masipag ka na ngayon ah sige mauna na muna ako sayo ha" at nag paalam na si mommy at nagpunta sa baba

Ayan na naman ako sa gawain ko. Stalk here, stalk there, stalk everywhere. Ang ganda nga naman talaga si Crizia Gail Larzala kaya crush na crush ko yan eh

Maaga akong nagising ngayon kase di naman ako puyat kagabi eeh

"Keil, the breakfast is ready" at bumaba na ako papuntang kusina

*Cliiiiingggg* nag bell na..

"Good morning class" masayang bati sa amin ni mrs. Ruperez

Tumayo kaming lahat "good morning ma'am" sagot namin ng sabay sabay

"Okay you may now take your seat"

Nag recess ako kasama sila Ethan at nakita ko na naman siya hayyy ano ba naman yan agang aga nabuo na agad araw ko. Lakas talaga ng tama ko eh

At ayan tapos na ang graduation namin and guess what? valedictorian si Zia. I'm so proud of her pero wala parin kaming picture kahit isa manlang at ayun sakto! Natanaw ko siya di kalayuan sa kinatatayuan ko ngayon at aktong lalapitan ko na siya.. Di ko alam pero kapag ngumingiti sya kinikilig na agad ako. Ng makalapit ako sa kanya "ahm tutal graduation naman, pwde papicture?" Tanong ko na mejo kinakabahan pa

"Ahh eh sige :)" sagot nya then click. Okay na! Yes! Sa wakas

"Ah thank you bye, congrats nga pala" at umalis na ako kaagad

Thankyou ng marami hahahhaa ginawa ko agad syang screen lock at home screen. Ang saya naman ng araw na to

second chance to foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon