Clintt's POV
Umuwe na ko pagkatapos kong isurprise si Zia. Namiss ko din yung ganoon kase nung kami pa lagi namin yung ginagawa sa isa't isa. Napahiga ako and I can't control myself na mag reminisce about sa past namin and I take a deep breathe..
Simula noong iniwan ko si Zia nagbago buhay ko, nagbago ikot ng mundo ko. Hindi ako sanay ng wala siya sa tabi ko na hindi ko siya kasama at hindi ko siya nayayakap at nakikita. In short ang lungkot ko bigla.
Kinuha ko ang phone ko at tinext siya agad. I hope di pa siya nagbabago ng number
To Zia:
Goodnight, sweet dreams. I still love you! sorry for everything.
Nag intay ako hanggang sa makatulog ako at pag gising ko late na pala and guess what? Wala pa rin siyang reply. Mejo kinakabahan na ako ah baka talagang ayaw na niya sakin at iniiwasan na niya ako.
Pagka gising ko ay kumain, naligo at nag bihis ako. Pupunta akong basketball court tutal summer naman eenjoyin ko na to at magpapasukan na naman. Para makapag isip isip na rin.
Pag dating ko ng court walang katao tao, okay na rin siguro to..
Bakit ganun? kung kelan wala na sayo yung mahal mo saka mo naman mare realize na mahal at mahalaga talaga siya sayo? saka mo malalaman na hindi masaya kapag may kulang? katulad ngayon wala na kame ni Zia dahil sa kagagawan ko tapos ngayon ko lang mapagtatanto ang lahat. Hayyyy ano ba Clintt! wag kasing padalos dalos mag isip muna ha! Sana lang talaga napasaya ko siya sa surprise ko kagabi at sana lang talaga hindi pa huli ang lahat..
Pa dribble dribble nalang ako ng bolang hawak ko ng biglang may tumawag sa akin
"Clintt!!" Ah si Liam pala
Tumingin naman ako sa kanya habang nagdi dribble pa rin "ohh?"
"Mukang mag isa ka ata ngayon ah, problema mo pre?"
Ka team ko si Liam sa school namin, varsity kami parehas ng basketball kaya ayun magkakilala kami.
"Ah wala naman, palipas oras lang" kahit talagang may iniisip ako
"Ah tara dyan sa labasan may me merienda lang" aya nya
"Libre mo ba?"
"Kkb naman! Ang kuripot mo talaga kahit kelan!"
Agang aga binabara ako ni Liam eh! Parang hindi kaibigan! Naglalakad na kami ng biglang may nahagip na pamilyar na mukha ang mga mata ko. Tekaaaa.. si Zia yon ah.. agad naman siyang nilapitan ni Liam. Uh? Close pala sila? At nagtatawanan pa talaga ha! Alam naman ni Liam na ex at mahal ko pa yun eh tapos ano? Sa harap ko pa talaga. Mukang may gusto ata tong mokong na to ah hindi nya ako pwedeng maunahan ng ganun ganun nalang at lalong hindi naman ako papayag.
"Oh Clintt lapit ka dito" aya ni Liam. Wow ha? ngayon lang nya ko naisipan palapitin sa kanya kung kelan naka alis na si Zia. Di to pwede
Pagkatapos namin kumain ay umuwe na ako at agad na nagpunta sa kwarto para i-check yung phone ko kung nag reply na siya. And as usual wala pa din. Naglaro nalang ako ng nag laro sa iPad ko hanggang di ko na namalayan ang oras.. gabi na pala
"Clintt, baba ka na dyan mag di dinner na tayo" tawag sakin ni mommy mula sa baba
"Opo" I screamed
Pagkatapos kong kumain ay agad akong tumaas at nag reminisce
Bakit ganon? Kung kelan nawala yung taong mahal mo sayo saka mo marerealize na mahalaga pala siya sayo? Na hindi mo pala kaya kapag wala siya? na malungkot ka lagi kapag wala siya sa tabi mo at di mo siya nakakausap o nakakasama?
BINABASA MO ANG
second chance to forever
ActionWould you still believe in destiny even though it's so hard to? Susuko ka nalang ba basta basta sa mga bagay na gusto mo? Will you fight for it or not? And if anyone ask for a second chance to you, will you give him/her a second chance? Many people...