After the graduation nagkaroon kami ng simple dinner with my family and friends para mag celebrate
Pag pasok ko may banner silang hawak hawak "CONGRATULATIONS ZIA!" ang sweet naman talaga nila hindi ko to ineexpect eh
At nakita ko naman ang madaming gifts sa isang table. "Woahh!! Sobrang dami naman non" hangang hanga na sabi ko sa sarili ko. Teka di ko naman birthday ah? Pero nung nilapitan ko na yun natuwa ako dahil akin nga talaga.
Bigla namang lumapit sa akin si mama ng nakangiti "oh Zia nagustuhan mo ba lahat ng yan?"
"Ma? Ibig sabihih akin lahat ng to? Pero graduation ko lang naman di ko birthday ah?" Nagtatakang tanong ko
"Nabalitaan kase ng mga ninong at ninang mo sa ibang bansa na valedictorian ang inaanak nila kaya ayan nagpadala sila ng mga gifts para sayo"
"Sige anak pasok muna ako sa loob ha" dugtong ni mama
I didn't expect that I received all of this.. Like woaahh! Thank you Lord! :)
naisipan kong kumain muna dahil gutom na din naman ako. Nakakapagod kaya ang nangyare sa maghapon ko ngayon kaya enjoy lang muna ng biglang lumapit si tita Lilia sa akin at umupo sa tabi ko "Congrats again Zia, bukas nalang yung gift ko ha" tumatawa tawang sabe ni tita
kamusta po?" Pag tatanong ko
"Eto okay lang naman teka nga.. kamusta na kayo ni Clintt?" Hayyy tita ano ba yang tanung na yan!!
Napailing naman ako sa tanong na yon "ah eh tita wala na naman po yun eeh, matagal na"
Bigla namang napatawa si tita ng alanganin "ah eh onga hehe nasanay lang kasi ako na tuwing may celebrations e nandito yun" onga naman tama si tita. Oo ganun si Clintt tapos may mga pasabog effects pa yun kapag dadating ahm may sariling surprise kumbaga kase gusto non bawat occasions sobrang special at unforgettable para sa lahat especially para sa akin. Ayan na nga ba sinasabi ko eh! Nag re reminisce na naman ako dito mag isa tapos mamaya iiyak iyak naman
"Onga po tita e" sagot ko
Pumunta ako sa mga nakahandang pagkain na malapit sa gate namin palabas ng may mapansin akong pamilyar na mukha na kahit kailan e hinding hindi ko makakalimutan "speaking of the devil este Clintt" sabi ko sa sarili ko at kumuha na uli ng pagkain
Teka...... Tama ba ako? CLINTT JEROME TAN?! Nandito sya?! Agad namang napatingin ang mga mata ko sa kanya na nakatingin lang sa akin na may dala dala pang bouquet of flowers and gift. Lumapit ako sa kanya at tatanungin ko siya kung bakit.. Ugh
"Uhm hi! pasok ka" bati ko sa kanya, shempre hindi naman ako bitter kaya ayun pinansin ko siya
Umupo kaming dalawa sa upuan na una kong nakita. Kumain din naman siya at ganun din ako. Silence.. Silence.. Silence.. "so bakit parang naligaw ka ata?" Pag basak ko ng katahimikan
He smile at me "I'm here to congratulate you, you're the Finwest valedictorian right?"
Wow naman inalam pa talaga nya yun ha, may halaga parin pala ako sa mokong na to kahit papaano kasi ay naalala pa niya ako na graduation ko ngayon
"Ah thank you" at nag smile din ako sa kanya nang bigla nya sakin inabot ang hawak nyang flowers at gift
"Ah sa akin ba yan? Thank you ha nag abala ka pa"
"Wala yun, friends naman tayo diba?" Sabi nya habang tumutusok ng chicken roll
Yes friends, friends nalang kami ngayon pero ewan ko ba bigla akong nalungkot nung sinabi nya yon. Kase nung kame pa sinabi nya at nag promise sya sa akin na wala daw iwanan at forever daw kami tapos sya naman pala tong mang iiwan. Kaya minsan napapaisip ako na nag e-exist ba talaga ang forever or forever is just a word. Pero diba pag nagmamahal nasasaktan? Kase di mo matatawag na love yun Kung di ka magsasacrifice
Nag nod nalang ako ng bigla siyang nagsalita uli
"Ahmm Zia.. C-an I.. still have a.. a second chance? Ah kase.. I realize na ma-hal parin talaga kita" Uutal utal na sabi nya na halatang kinakabahan sya
"Whaaaat? Pero....." Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang umiyak
"Oo nagkamali ako Zia.. inaamin ko naman yon pinairal ko kase selos ko nung time na yon eh. Sorry Zia, please forgive me? I know hindi ito madali para sayo pero can I have second chance?"
Si Clintt? Oo iniwan ako niyan noon at nasaktan ako pero mahal na mahal ko parin ang loko na yan kahit ganun ang nangyare sa relationship namin. At doon nagstart ang pagkahilig ko sa pagbabasa ng books about love and other kaya nga book lovers club ang sinalihan ko sa school namin eh. Akala ko kasi makakalimutan ko siya kapag nagpakabusy ako pero mali eh ang dami dami ko ng nabasa di ko parin makalimutan si Clintt.. siya kasi yung first love ko and shempre first heartbreak na din. Pero hindi ko alam na may ganitong eksena pala sa buhay ko na babalik siya..
"Ahm what do you mean?" Naguguluhang tanong ko sa kanya
Hinawakan niya ang mga kamay ko at kitang Kita ko ang mga namumuong luha sa mga mata nya "Zia.. I love you and that's true kaya naman please hayaan mo kong ligawan kita uli. Hindi na kita sasaktan at magiging masaya uli tayo. Hayaan mong itama ko ang pagkakamali ko please just give me another chance" seryoso sya sa pagkakasabi non
Nagpaprocess pa sa utak ko lahat "Hayaan mo muna akong mag isip.. Hindi ito madali para sa akin" totoo naman eh nasaktan na kasi ako kaya mahirap ng magtiwala uli
Ganun naman talaga diba? Lahat naman nagtitiwala diba? Tapos madalas nasasaktan at nabibigo pa. Kapag nasaktan ka na mahirap ng mag tiwala uli lalo na at sa pare hong tao pa. Sabi nga nila mahirap mabuo yung tiwala at mabilis lang mawasak sa isang pagkakamali lang. Dapat kasi once na binigay mo yung tiwala mo sa isang tao sure ka na talaga na hindi niya yung sisirain at hindi ka niya bibiguin.
Nakatulog na pala ako at pag gising ko umaga na. Mejo late narin kasi ako nakatulog kaya ayan! Late rin nagising.. Hayyy.. Pero okay lang vacation naman susulitin ko na to at hindi to pwede kapag may pasok na lalo na't college na ko
BINABASA MO ANG
second chance to forever
ActionWould you still believe in destiny even though it's so hard to? Susuko ka nalang ba basta basta sa mga bagay na gusto mo? Will you fight for it or not? And if anyone ask for a second chance to you, will you give him/her a second chance? Many people...