Fail 01: The Poster That Ruined The Day

186 3 0
                                    

SCARLET’S POV          

“Scarlet, ano nangyari sa mukha mo?!” sigaw ni Candice nang pumunta ako sa locker.

“Huh? Puyat gawa ng accounting.”

“Sus, kala mo ikaw lang?” sabi ni Althea, “Ako nga puro eyebags na eh!”

“Hahahahahahaha!!” tawa ni Ebony, “Shift na tayo?”

“Wag naman, di pa nga tapos ang first sem, shift agad?” angal ni Lazuli habang naglalagay ng gamit sa locker.

Ganito kami araw-araw, piliin ba naman namin ang hardest, meanest at bloodiest course ever?

Hay naku, trip talaga namin eh...

“Psst, Scarlet may dala ka food?”

“Di ka na naman nag-almusal, baka antukin ka mamaya nyan sa accounting, Ebony.”

“Hehe, maglulunch naman ako eh.”

Habang naglalakad, may nalagpasan kaming poster sa may Central Lobby.

“Girls, look at this.”

We all stopped at tumingin sa tinuro ni Thea.

“Ano yan?” tanong ko.

(?_?)

“Poster ng Dengeki.”

( '- _ - )

I looked at Lazuli nang sinabi niya yun.

“Eewww....” I murmured.

( * _ * ")

Dengeki, yan ang name ng namumukod tanging dislike namin.

“Bakit ba sikat ang mga yan??! Eh, nakakabwisit naman yang mga yan!”  tanong ni Candice.

“Malay at pakialam ko!”

“Maybe because of our looks?”

“Yucks.” sagot ko dun sa nagsalita, grabe ang kapal nun.

But Lazuli tapped me at napatingin ako sa may hagdan.

Speaking of the devil.

“Hi babes.”

“Mukha mo!” sagot ni Althea.

Limang lalaki ang nakatayo sa may hagdanan.

“Ano ba yan, nakaharang ka.”

I shot a look dun sa nagsalita.

Azure Robbins, ang pinaka aloof at cold sa grupo nila, as in cold siya, para bang nasa Arctic ka if katabi ka niya. Napaka indifferent niya sa ibang tao, at never in my life nakita ko siyang ngumiti.

“Hey, ang rude naman nito sa mga girls.”

Tinaasan ni Thea ng kilay ang nagsalita.

Epic Fail!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon