Kapitulo Kwatro: It's always a World War with You

45 4 2
                                    

Continuation....

MAYMAY'S POV

OMG!!! Can this day be even worst??? Dahil sa sobrang lapit ng mukha ni gwapong syokoy ay napunta lahat ng lumabas na pagkain sa mukha niya pagka-ubo ko. Nanlaki ang mga mata ng lahat sa nangyari pati kaming dalawa.

Kahihiyan at it's finest! Pano to??? Tumayo ako at kinuha ko ang paper towel sa table counter at binigay sa kanya after kumuha ng pampunas sa sarili.

"Oh my gosh! I'm so sorry. I didn't mean it. Ikaw kasi bat kasi ang lapit lapit ng mukha mo sakin. Yan tuloy, natanggap mo lahat." Hiyang- hiya parin talaga ang lola niyo pero ayan na eh. Magdusa ka May!

"It's okay. Thanks! I'll just wash." Tinanggap niya yung paper towel at pumunta sa CR na malapit sa kusina. Nakapoker-face siya kaya di ko alam if galit ba siya or what. Sinundan ko nalang siya ng tingin and went back to my seat.

"Babe, that's front-cheating! You can't look at other guys while I'm here." Damien, playing cute-when-he's-NOT-even-cute, with that googoo eyes and pouting lips. Binelatan ko nga. Bleh!

"You know what Dambo? how about stuffing your face  with Nanay's food all you want and evaporate?", sabi ko naman with my slit-eyes shooting daggers at him while drinking water.

"Oh honey, you are just saying that but the truth is you want me to stay." Di talaga nawawalan ng sagot tong kumag na to eh. Parang si Ian din kasi to, di matapos-tapos ang sagutan namin pag nagumpisa na. Hays... bat mga abnormal ang nabilang sa mundong ginagalawan ko?

🎶...Walang sagot sa tanong....kung bakit ka mahalaga....walang papantay sayo....🎶

Ay Wow!!! Timing yung kanta, galing sa labas. May dumaan kasing tricycle sa harapan ng bahay namin.

Bumalik na si Edward galing sa CR at umupo sa upuan niya. Nahihiya man ako pero sumilip ako sa kaniya kung okay lang ba siya. Ngumiti siya muna kay nanay at nagumpisa na ulit kumain.

"Dude, bist du okay? (Are you okay?)Haha" Damien asked Edward in German. Di ko maintindihan. Parang inaalaska pa nito ang kaibigan dahil sa nangyari kanina.

"Halt die Klappe, Damien. Du nervst mich." Nakapoker-face pa din siya, kaya di ko alam kung galit ba siya sakin.

"Kids, eat quietly. We don't want the rice to run away, do we?" Dahil sa sinabi ng lola ko ay napahinto sa pagkain si  Edward at napatingin kay Nanay.

"What do you mean lola? The rice have feet to run away?" Inosenteng tanong niya kaya napatawa kaming lahat. Napatingin naman siya samin at parang nalilito.

"It's just a superstition, silly. Adults always tell the kids to not fight in front of the food, because the food will run away and we will go hungry for the rest of our lives." Inexplain ko naman sa kaniya, na parang walang nangyari kanina until I remember it now that he's looking at me intently. Kaya napayuko na naman ako. Bat ba ako naduduwag sa mga tingin ng lalaking to.

Damien looked at me and Edward with curiousity while Nanay and Wella are amused with what they are seeing right now. Natapos ang hapunan ng matiwasay, salamat naman kasi di ko na kaya makaranas pa ng more kahihiyan.

Nagmano si Damien kay nanay at nagbeso na rin. "Nay, balik ako ulit dito bukas ha? Dito ulit ako maghapunan ha? Sarap ng libreng pakain eh. Hehehe" Kapal din talaga ng feslak eh!

"Oo naman apo. Punta ka lang dito kahit kelan mo gusto. Di mo na kailangan magtanong pa." Kahit nung bata pa kami, palagi nadayo dito si Damien kasama ang lolo't lola niya kasi malapit na magkaibigan ang mga grandparents namin. Kaya kahit sukang-suka na ako sa pagmumukha ng damuhong ito, ay di ko pa rin sya maerase sa buhay ko dahil dun. NakikiNanay na nga eh, feeler talaga. Baka naitatanong niyo bakit mainit ang dugo ko sa lalaking yan? Sa next chapter ko na iexplain. Hahahaha waitsung mga prends. Di siya bida dito.

Truly, Madly, DeeplyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora