Chapter 2

1.3K 19 2
                                    

Nang matapos na si Celine sa paglilinis sa kanyang unit minabuti nyang magrocery na lang. Nasa ground floor na sya ng building ng kanyang condo nang maalala nya na naiwan nya pala ang kanyang cellphone sa kanyang ate Kakai. Nang pa-ikot na sana sya ay may nakabangga syang lalake. At natapon ang ilang gamit ng lalake sa sahhig malapit lang sa elevator.

“I’m sorry! I’m really really sorry!” paghingi ng patawad ni Celine sa kanyang nakabangga.

“Miss sa susunod tumingin ka naman sa dinadaanan mo para hindi ka naman nakaka-aksidente!” sagot ng lalake sa kanya.

“Kaya nga nagsorry na diba?! At saka technically ikaw ang nakaharang sa daan ko!” mataray na sagot ni Celine.

“Ako pa ngayon ang may kasalanan?! Ang galling mo din ano?” sagot naman ng lalaki.

“Eh kasi naman po mama dapat kasi keep right! Eh ikaw naka keep left kaya kasalanan mo rin!” sagot ni Celine.

“Whatever miss.!”

“Whatever you face! Bwesit!”

Sabay silang pumasok sa elevator.

“Ikaw miss anong floor ka?” malumanay na tanong ng lalaki

Hindi sumagot si Celine. Hindi na rin umimik ang lalaki. Pinindot ng lalaki ang number 22 ibig sabihin sa 22nd floor sya.

‘Ba’t nya alam kung saan floor ako? Teka, aba! At mukhang ito ang bagong may-ari ng unit na bakante katabi ng unit ko! Pagminalas kanga naman!’ sabi ni Celine sa kanyang sarili.

‘Pero infairness gwapo huh! At matangkad, maputi, lalaking lalake ang boses at mabango, magaspang nga lang ang ugali!’ dagdag pa nya.

Paglabas nila ng elevator ay tiningnan sya ng lalaki at ningitian. Itinaas naman ni Celine ang kanyang kanang kilay. Sinundan nya pa rin ng matalas ng tingin ang lalaki.

“Hoy! Ano yan? Ba’t naka high alert yang kilay mo?” tanong ng kanyang ate Kakai.

“Eh kasi yung lalaking yun nakakainis!” sagot ni Celine.

“yung gwapong lalaki na nakasalubong ko?”

“Gwapo?! yun?!”

“Oo gwapo. Aminin mo, gwapo naman talaga”

“Ewan ko sayo. Gwapo ka dyan!”

“Celine kung di lang kita kaibigan, inupakan na kita. Ito o cellphone mo naiwan mo. Pumunta ako sa unit mo pero wala ka na.”

“eto nga yung binalik ko. Naiwan ko pala sayo. Salamat ate ha?”

“o sige. Sa’n k aba pupunta?” tanong ni Kakai

“Mago-grocery sana ako eh” sagot naman ni celine

“Hey sama ako, wala na rin akong pagkain eh.”

“O sige!”

***

 "Bro, balita ko naglipat ka na raw?" tanong ni Mat kay Liam.

"Oo bro, kailangan ko ng space away from my parents, masyado akong nasasakal dun." sagot ni Liam.

"Bro yang building mo, dyan din nakatira ang friends ko, well friends ng girlfriend ko. Pakilala kita sa kanila soon para may kakilala ka naman dyan" aniya ni Matt

"Sige sige thanks bro ha."

"Anything bro, dapat pala magparty tayo pangwelcome namin sayo." 

"Sige bro. Pagkatapos kong mag-ayos, magpapahouse party ako." pagsang-ayon ni Liam kay Matt.

"Woooh! yeah bro! may ipapakilala ako sayo bukas! mag-ayos kang mabuti first day mo."

"Effortless to bro." 

"Mahangin ka talaga bro. Sige gotta go na , may date pa ako." pamamaalam ni matt.

"Sige bro. Seryoso ka na talaga dyan ha" panunukso nito kay matt

"Oo naman bro. Eto na to, seryosohan na to. pagnaramdaman mo to aayos ka rin." sabi ni matt

"Not so soon bro"

 "We'll never know. Sige na baka malate na naman ako. mag-away pa ulit kami" sabi ni Matt.

"Sige ingat bro!.

Baby, You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon