KABANATA 2- THE WEIRD GUY

0 0 0
                                    


Saan na ba kasi yun? Dahan- dahan kong inihakbang yung mga paa ko para walang maka rinig at walang maka pansin sa akin dahil ayuko na makita nila akong nakatuwalya lang, diba ang tanga ki naligo na ako tapos yung maleta ko pala wala sa kwarto ko, so balak ko ngang hanapin si manong, hindi ko kasi matawagan ee wala na ako load.

Lingon kaliwa kanan, takbo at tago, para lang akong tanga diba? Mahirap nito wala pa akong panty at biglang malaglag ang saplot ko.

Ayon si manong nagkakape sa garden. Lumingon ako ulit kaliwa kanan upang masiguradong walang ibang tao nung na check kong wala nga komaripas ako takbo papunta kay manong.

Hinawakan ko sa kaliwang balikat si manong habang hingal na hingal, huminga ako ng malalim.

"Manong san mo po ba nilagay yung maleta ko? Kanina pa ako palibot-libot ee"

Nakatalikod si manong sa akin at hindi ako nito nilingon, oh no don't tell me...hinawakan ni manong ang kamay ko, at kung may anong malamig na hangin ang dumampi sa pangitan ng aking dalawang hita, dahilan upang ako ay kilabotan baka kasi maulit na naman yung nangyari kanina.

"Manong bitawan mo nga kamay ko" Mariin kong sabi habang dama ang lamig ng kanyang mga palad tila ba para syang isang patay.

"Ma'am ano pong ginagawa nyo dito? Gabi na po at malamig pa" Dahan- dahan akong Lumingon upang tukoyin kung kanino galing ang boses na iyon. Nanlaki ang mga ko ng lingonin ko ulit yung kinausap ko kanina na bigla na lang naglaho. Nagtitili akong umakyat ng kwarto, agad kong nilock yung kwarto at tumalokbong ng kumot at ipinikit ang aking mga mata, nagdadasal na ako sa mga oras na iyon na sana hindi totoo lahat ng mga nakikita ko, hindi kaya isa itong babala sa akin? Bakit parang ako lang ata ang nagkakaganito, pero bakit ako pa, pwede namang si Andrew.

Iminulat ko na ulit ang aking mga mata upang tignan kung hindi ba ako sinundan ng lalake kanina. Tahimik ang paligid ng kwarto ang tanging naririnig ko lamang ay ang aking paghinga at bilis ng pintig ng puso ko. Nakaramdam ako ng takot at kilabot ng biglang may sumasabay sa akin sa pag hinga dahilan upang ako ay mapaluha, lumingon ako pero hindi ko masyadong maaninag dahil sa madilim ang kwarto ultimo liwanag lang sa labas ang nagbibigay liwanag dito.

Nakita kong gumalaw ang katawan nito at dahil sa takot ako sinipa ko, dahilan upang mahulog ito at lumagapak sa sahig. Tumalon ako sa kama at nagtitiling pumunta ng pinto ng biglang bumukas ang ilaw at saktong nahulog ang aking sapin sa katawan. Nanigas ako mula sa pagkakatayo at napatulala, nagtitili ako sa hiya dahil ibang kwarto pala ang pinasukan ko at totoong tao pala ang sinipa ko. Nakita kong kumunot ang nuo ng lalaking kaharap ko at tumakip ito bigla ng mga mata. Narealize ko na isa pala akong hubad, mabilis kong pinulot ang tuwalya at tumakbo palabas ng kwarto.

Napaisip ako bigla, who's that weird guy
Nakakahiya naman yun, nakita nya yung perlas ng silangan ko na matagal ko ng itinatago- tago maaahh gaaad! Kailangan pakasalan ako ng lalaking yun hindi pwede to ipanangako na ang magiging asawa ko lang ang pweding makakita nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang babae sa BINTANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon