KABANATA 1-BANGUNGOT

1 0 0
                                    


    "Zoe bilisan mo nga aalis na yung van!"
    Nagmamadali kong kinuha ang maletang nakalagay sa ibabaw ng aking kama, lalabas na sana ako ng makita ko yung picture sa lamesa, napangiti ako at napaisip ng

hindi ko to pweding iwan ito na lang natatangi nating alaala

Kinuha ko to at nilagay sa bulsa ng pantalon ko. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina, akala mo siguro lalabas na ako nuh, shempre babyahe ba akong walang baon. Binuksan ko ang refrigerator nagulat ako ng wala na dun yung mga pinamili ko kahapun. Sinara ko yung ref ng may pagtataka baka naman nilagay na ni mama sa van.

Laking gulat ko ng bumolagta sa harap ko ang isang nakakatakot na nilalang, wala syang leeg, mukha syang baboy na walang ligo, teka kapatid ko to ah

"Naku Andrew! Papatayin mo ko sa gulat! Teka teka! Akin yang kinakain mo ah"

Nakangiti syang iniabot sa akin ang isang plastic na puro balat ng kinainan nya. Nagsimulang nagdilim ang paningin ko, tingin ko ngayung araw ako makakakatay ng baboy. Susunggaban ko na sana sya pero naunahan nya ako nakatakbo na ito ng mabilis at nagsisigaw.

"Kakatayin kitang baboy ka!"

Mabilis ko syang hinabol pero bigo ako dahil naunahan nya na ako sa van at nakakapit pa to sa balikat ni mama. Tinitigan ko sya ng masama at Dinilaan nya ako, hinaplos nya yung braso ni mama at idinikdik yung ulo nya parang sinasabi nyang  hawak nya ang alas hahampasin ko na sana sya ng biglang...

"Zoe! Ano ba yan! Ang tanda- tanda mo na nakikipag-away ka pa din sa kapatid mo, kelan pa ba kayo magkakasundo."

Never kaming magkakasundo ng bakolaw na yan.

"Maaa! Kinuha nya kasi yung baon ko! Akin yun ee. Inubos ko pera ko para lang dun tapos sya din makikinabang nagugutom na ako at nangangayayat na oh"

Nakabusangot kong sambit. Tinignan ko si mama baka sakaling maawa sya at kurotin nya si Andrew pero tila wala syang reaksyon. Aish ampon lang ata talaga ako ee.

"Isara mo na nga yang pinto aalis na tayo" Sambit ni mama habang nakapikit

Yes! This is my chance yari ka saking baboy ka! Dahan- dahan akong lumapit para kurotin yung pisnge ni Andrew ng biglang.

"Ang sabi ko isara mo na yung pinto!"

Aish! Panira tong si mama! Sinara ko yung pinto ng padabog, dahilan upang magulat si lola.

"Ay juice ko ginoo! Inaataki na ako sa puso"

Hinampas ako ni mama gamit yung panyong hawak nya.

"Galit ka ba? Bakit nagdadabog ka, papatayin mo pa sa gulat ang lola mo."

Tinignan ko si Andrew at tawang-tawa ito.

Sa front seat ako nakaupo kaya walang isturbo kinuha ko yung phone at sinalpak ang earphone sa tenga ko. At pinikit ang aking mga mata. Dinamdam ang ganda ng musika, hanggang sa mahimbing na nga akong nakatulog.

"Tulong, tulongan mo ako"

Isang nakakakilabot na tinig ang aking narinig mula sa earphone ko, ging next ko ito ngunit ayaw gumana.

"Wag na kayong tumuloy, wag na kayong pumunta dito! Wag nyo kaming gambalain" Isang nakakapanindig balahibo ang tinig nitong mala demonyo.

Sa takot ko ay naitapon ko ng malakas ang cellphone ko. Bumulagta ito sa paahan ko, tinapak-tapakan ko ito. Ngunit kahit anong gawin ko naririnig ko pa din ang boses sa cellphone.

"Mama..."

Lumingon ako upang lumipat sa upoan nila mama, pero akmang tatayo na ako napatigil ako bigla, nanginig ako sa takot dahil wala na dun sila mama. Pinagmasdan ko si manong driver, mukhang normal naman sya kaya nawala ang aking pangamba, baka kasi nauna ng bumaba sila mama sa bahay nila lolo at hindi pa ako ginising dahil sa  mahibing pa ang aking tulog.

"Manong san tayo pupunta, at sila mama saan na?" Walang pangamba kong sambit, ngunit hindi ako nito kinibo, mukhang puyat ata at hindi lang ako narinig, malalim siguro ang iniisip.

"Manoooong!" Sinigawan ko sya malapit sa tenga nya dahilan para lumingon sya, laking gulat ko ng wala itong mga mata, napaatras ako sa takot pilit na binubuksan ang pinto ng sasakyan ngunit ayaw nito bumokas.

Ngumiti ito abot tenga habang umaagos sa bibig nito ang mga malalapot na dugo, nagtitili ako sa takot ng biglang may kung anong malamig na dumaloy sa aking katawan dahilan upang ako ay magising!

"Hoy! Anong arte yan, mala best actress ah" Sabay ngisi ng baboy kong kapatid, hinablot ko yung buhok nya ng malakas.

"Bakit mo ko binuhosan ng tubig ah!" Hawak-hawak ko pa din yung buhok nya at nang-gigigil ako sa galit, wala talaga akong balak bitawan to.

"Araaaaay! Mamaaaaaa si ate ooohhh!" Bumokas bigla ang pinto at pinagkukurot kaming dalawa pababa ng van.

"Aray ah 18 years old na ako pero kung tratohin parang 8 years old." Sabi ko habang hawak ang tagiliran ko.

"Aba speaking of 18 years old, wow hindi ka nahiyang sambitin yan Zoe? Matanda ka na nga pero isip bata ka pa din. Wag nyo painitin ulo ko ah kanina pa kayo, ayosin nyo yang sarili nyo, ayuko na haharap kayo sa lolo nyo ng ganyang itsura nyo." Napatingin sa akin si mama mula ulo hanggang paa.

"Ang tanda mo na pero umiihi ka pa din sa salawal mo" Tumingin ako sa pantalon ko at basa nga ito. Hinanap ko yung driver namin at dahan- dahan ko syang tinignan sa mata at ang mga bibig nya. Normal naman, haaays panaginip lang nga yun kanina.

"Ahh ma'am Zoe, ok lang po ba kayo?"

"Oo naman manong hehe, btw, paki kuha nga po yung maleta ko at pakidala na din sa magiging kwarto ko" Tumango ito sinyalis na sangayon sya.

"Salamat manong" Sa mga oras na yun nagmasid ako sa buong paligid, mukha namang payapa't tahimik, actually hindi ito ang unang punta ko dito dinala na daw ako nila mama dito since bata pa ako pero d ko na maalala, akma na sanang papasok na ako ng biglang may sumitsit sa akin, binaliwala ko iyon pero tinawag nito ang aking pangalan.

"Zoe!" Tinig iyon ng isang dalagang babae. Lumingon ako ngunit wala akong nakitang ni isang tao sa kalsada, nagkibit balikat na lang ako, baka guni-guni ko na naman yun. Huminto ako sandali baka sakaling tawagin ako nito muli, ngunit nabigo lang ako. Haaay guni-guni lang talaga yun.

Ang babae sa BINTANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon