Julia's POV
"Maghihiwalay yan bukas" sabi ko sa bestfriend ko habang nakatingin sa mga mag jowa na nag p-PDA sa harap namin.
"Best, bitter mo naman. Kawawa naman sila last na nila yan." Sabi niya. She knows that kahit anong sasabihin ko matutupad. She thought I have special powers or something but dzuh it's analysis. That's all.
Behind sa lahat ng sinasabi ko there's something more beyond. Nasabi ko na maghihiwalay sila because I know there's something wrong. Infidelity? or something? Their eyes speaks lust not love.
I was on my way sa classroom but suddenly----
" Your love is like the sun the lights up my whole world I feel the warmth inside🎶" Si Owy. Ilang buwan na siyang nanliligaw pero hindi ko siya sinasagot because it's just that saan naman papunta yun? sa hiwalayan din naman. So, why waste time?
"Juls, I'm afraid I'll be asking you this question again, mahal mo ba ako?" Sa harap talaga ng maraming tao? Seriously Owy Agoncillo? Before, he's courting me discreetly that's why I can dump him in any ways. But this is different I can't say no, mapapahiya ang isang Carmelo Owy Agoncillo, the hearthrob, topnotcher and the king of the University.
Unexpectedly I said "Oo, mahal din kita Owy" ayoko siyang mapahiya, not now.
He hugged me tight and uttered the words "I love you so much" that cause my heart beat skipped for a second. I responded and smiled, just faking it.
Maggagabi na rin nang matapos kaming mag-usap ni Owy, hindi ko sinabi sa kanya na hindi totoo, that I don't love him but I'm trying to be sensitive. Ayokong makasakit sa iba, I can see many people hurt because of love. I'm just observant I dont want that to happen to me or vice versa.
Hinatid niya ako sa bahay, the usual we can see in the couples nowadays, and I've expected it, who is Julia Clarisse Gonzaga if she can't predict anything? And I know tomorrow maghihintay siya sa gate at susunduin niya ako. Hmm
But now, I'll just taste the consequences.
Patulog na ako nang nag ring ang phone ko.
Owy: Sweet dreams my love, magkikita pa tayo sa panaginip ko😘
Ang cringey pala. Sorry na first time ko magkajowa noh.
Me: Good night see you in my dreams😘
Artistahin ako kaya I can fake it noh.
*Kinabukasan
"Juls, andyan daw asawa mo. " bungad sa akin ng ate Cathy ko. My only sister.
"Anong asawa?!" galit kung sabi I was sleeping tapos gigisingin niya ako para sabihin andyan ang asawa ko! wait lang, asawa?
"Asawa?! Ate?!" Owy is here hindi ako sanay na may naghihintay, So I rush to the bathroom and fixed myself.
"Baka gusto mo ikuwento sa akin ang lahat, my dear sister" sigaw ng ate ko. I didn't mind, hindi ko pa nasasabi sa kanila. I need time.
At pagkatapos bumaba na ako at hinila ko na palabas si Owy, Hindi na ako nakapag-almusal.
"Love, bakit ka nanghihila?" Tanong niya. Gusto ko ipaalam sa kanya kung anong gulo ginawa niya! Galit na ako!
"Mr. Carmelo Owy Agoncillo, let me just tell you that what you did earlier is not funny. Bakit ka pumasok sa bahay? Pwede ka naman maghintay sa labas tapos tinawagan mo ko o tinext man lang! Sinabi mo pa na asawa kita! Ngayon di ko alam anong gagawin ko, mapapatay ako ng ate ko!" Sunod-sunod kung sabi I can't take it anymore though I've expected it, hindi ako nakahanda sa kung anong sasabihin niya.
"Relax, Love naghintay ako sa gate nakita ako ng kasama niyo sa bahay, pinapasok niya ako. Tapos tinanong ako ng Ate mo, kung sino ako? " hindi ko na siya pinatapos.
"SO, ANONG SINABI MO NA ASAWA KITA?!" galit na talaga ako, ang feeling nito bago palang kami. Oo may kami.
"Hindi ah, sinabi ko magiging asawa mo palang." Kainis din to eh, baka mahulog ako rito. I cringe. Erase. Erase.
"Halika na nga" hinila ko na siya papunta sa kotse niya. Naks! naka kotse ah, syempre mayaman tong asawa ko. Hmmppftt.
Bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinarap sa kanya, biglang nag lapit ang aming mga mukha, and the next thing I knew his lips was on mine. What was that for?
"Sabi mo halikan na, madali naman akong kausap." Sabi niya ng nakangiti pa.
"Ang sabi ko halika na, hindi halikan na!" naiinis na talaga ako ha. Baka itong dahilan kung bakit ako aatakihin sa puso.
"Sorry na asawa ko, na misinterpret ko yata." Ayan na naman yung smile eh nakakasilaw akala mo talaga endorser ng colgate yung close up ba ganun.
Pumunta na ako sa kotse niya and I didn't speak, baka ano na naman masabi ko ma misinterpret naman ng taong 'to. I can't get over it. Nakuryente ako saglit. But baka may kumagat lang na langgam.
Nakarating na kami sa school. Naglalakad kami ng hallway naka-akbay siya sa braso ko. I know it's awkward. Maraming tao pero wala akong magawa. Fake smile dito, fake smile doon. Julia ano bang pinasok mo?
"Asawa ko, maghihintay ako sa labas ng classroom susunduin kita after class." sabi niya nung nasa tapat na kami ng room ko.
"Wag muna ako sunduin, may projects ako na tatapusin sabay na lang kami ni Yana. " Sabi ko sa kanya. Wala naman talaga kaming projects ayoko ko lang na buntot-buntot siya sa akin.
"Sige, Love mag-ingat ka, papakasalan pa kita." Tapos hinalikan niya ako sa forehead tapos umalis na siya.
Why those words hit me? I don't think it's still sensitivity. I feel guilty na sinagot ko siya for him not to be embarassed in front of the mob. It's selfish. I can see that he really loves me, but I can't reciprocate his love towards me and give him what he truly deserve... as of now.