Julia's POV
6 PM.
Andito na kami sa Souvenir shops marami pa lang stalls dito na pwedeng bilhan ng pasalubong. Una naming nakita yung mga pagkain.
Namili na kami ni Owy para kina Ate Cathy, Manang at tsaka sa mga kasama ni Owy sa bahay.
Nag ikot-ikot pa kami ni Owy may mga keychains din dun na may Taal Volcano print. Marami ring t-shirts. May mga sculptures din na inukit sa kahoy.
Bumili lang kami ng iilan sa mga yun.
May nahagip ang aking mata sa bandang kanan ng aming kinatatayuan. Isang souvenir shop na may mga artworks na vintage theme aakalain mo talaga na sinaunang panahon pa ito ginawa.
With no second thoughts pumunta ako agad doon sumunod naman si Owy. Pagpasok mo palang sa pinto amoy na amoy mo na talaga ang mga tinabas na kahoy. And sa mga dingding makikita mo yung mga artworks na ginawa several years ago. Owy was also mesmerized about it, he grab his camera and take photos. Owy's love for arts is unfathomable. Obsessed. Ngumiti na siya ngayon unlike kanina sa park.
Tinitignan ko lang si Owy na parang bata. Natawa talaga ako sa pinagagawa niya. It makes me love him even more.
While Owy is still in the mode of amusement. Tumitingin lang ako.
"Psst, ija." Lumingon naman ako baka ako tinawag, pero wala naman.
"Psst, ija." Nakita ko yung manong na tumatawag sa akin.
"Ako po?" Habang tinuturo ko ang aking sarili.
"Halika rito." Tinignan ko naman si Owy at busy parin siya kaya pumunta ako sa manong.
"Bakit po, manong?" Tanong ko naman sa kanya. Napaka creepy ni manong parang albularyo.
"Ija, mahal mo siya?" Tinuro niya si Owy.
"Opo, sa tingin ko nga po siya na yung the one po manong." Habang kinikilig pa ako.
"Hahaha." Siraulo pala to si Manong eh.
"May nakakatawa po ba?" Tanong ko sa kanya.
"May mga bagay ija na akala natin yun na pero lagi mong tatandaan na sa simula palang, akala, mo lang lahat." Hugot po tayo manong ahh.
"Ganun ho ba? Buong buhay ko po nalalaman ko yung mga mangyayari sa lahat ng desisyon ko, at ni minsan hindi ako nagkamali, isa lang po ang nagdidikta ng lahat." Tinuro ko ang puso ko.
"Mawawala din siya." Batokan kita jan manong eh. Papatayin niya ba si Owy?
Nginitian ko lang siya.
"Hindi po mangyayari yun."
"Ija, sayo nato." May ibinigay siyang wall clock na wood. Sobrang ganda. Gawa siya sa kahoy, oval yung shape yung mga numbers ay kulay ginto tapos yung minute hand and hour hand, arrow na may heart sa dulo, tapos may nakasulat sa likuran ng clock sa likod. Pero sa hotel ko na siya babasahin nakakatakot na itong manong nato.
"Sige po salamat po dito." Nginitian ko lang siya at tumalikod na.
"Ija, sana maging tama ang iyong akala, wag mong itapon yan kung gusto mo malaman na hindi lahat ng "akala" natin magiging "totoo nga". Ewan ko sayo manong.
"Owy, tapos ka na ba?" Tanong ko sa kanya pero tingin ng tingin sa mga nakaukit parang gusto bilhin lahat. Mamumulubi na ba ako?
"Sandali na lang Love." Hindi parin naalis ang kangyang mga mata sa mga iyon. Nagseselos na ako Owy ha.
"Okay, 7 PM pa naman." Sabi ko sa kanya.
"Huh?, Tara na Love dinner time na pala." Gulat niyang sabi.
Tumango naman ako.
Lumabas na kami at bago ako makalabas kinalabit ako ng manong at nginitian. Sabi ko sa sarili ko, may sayad ata si manong.
Nagtungo na kami sa Hotel.
Nagdinner nalng kami sa loob dahil pagod na kami para lumabas pa. After nag dinner nag stay muna ako sa room ni Owy, did a little chitchat.
"Owy, matutulog ka na ba?" Tanong ko kay Owy habang naka upo sa sofa.
"Hindi pa naman Love, hindi pa ako dinadalaw ng antok. Bakit anong gusto mong gawin?" Nakangisi niyang tanong. Wag ganyan Owy, Marupok ako.
"Baliw, wag mo akong tinatanong ng ganyan baka di kita tanggihan jan." Natatawa kong sabi.
"Halika nga dito Love." At dahil siraulo ako lumapit ang lola niyo.
He hugged me tight. Nadismaya naman ako. Yun lang? Charowt.
"Owy, may problema ba?" Na fe feel ko kasi yung mabibigat niya buntong hininga.
"Wala naman Love, mamimiss ko lang tong mga ganito." Bat niya mamimiss? Aalis ba siya?
"Aalis ka dong?" Takang tanong ko sa kanya.
"Baka ikaw umalis?" Nagtataka naman ako. Iniisip ko kung aalis ba ako.
"Ayy, yun bah di ka naman nagsabi sandali lang naman ako sa Baguio." Pupunta kami ni Yana sa Baguio next 2 weeks. Akala mo naman kung asan pupunta.
"Sana doon ka lang pupunta, pero baka iwan mo na ako." Sabi niya hindi ko na maiintindihan si Owy.
"Owy, deretsohin mo nga ako ano ba gusto mo palabasin!" inis kung sabi sa kanya.
"Wag na magalit my Love, ito naman. Wag mo kong iwan ha?" Nakangisi na siya.
"Bakit naman kita iiwan? Hindi kita iiwan kung wala kang gagawing pwedeng dahilan kung bakit kita iiwan. Tsaka bat mo ba iniisip na iiwan kita! Ganun na ba tingin mo sa akin? Nagdududa ka pa rin ba sa pagmamahal ko sayo!" Galit na talaga ako.
Hindi siya nagsalita ngunit hinalikan niya lang ako sa labi and I can feel so much sadness in his kisses. Ano ba Owy.
" Love, I love you so much, I can't lose you, not now, or even forever, I love you. " He kissed me again but hindi ako nag respond baka saan to umabot.
"Owy, tulog na ako." Sabi ko sa kanya ng naka poker face. Di ko na siya maintindihan.
Yinakap niya lang ako.
"Love, pwede dito ka na matulog please, di ako magtatangka love promise, I just want you to stay with me." Umiiyak na naman siya minsan talaga nagdududa ako dito kay Owy kung lalaki ba talaga to napapadalas pag-iyak nito.
Syempre dahil marupok lola niyo doon ako natulog. Nagdasal na lng ako na walang gawin si Owy kasi di ko talaga tatanggihan.
"Matulog na tayo." I planted a kiss on his forehead.
At humiga na ako para akin yung kanan. Hahaha.
"Good night Love" sabi niya.
"Good night, I love you." At ginawa ko na siyang unan noh. Nakahug ako sa kanya para tipid sa space.
Before ako natulog naisip ko naman yung orasan na binigay ni Manong baka itapon ko nalng yun. Sigurado na ako kay Owy, di ko na kailangan nun.