Julia's POV
Napagod si Diego kakalaro kaya nakatulog sa byahe. Tahimik lang kami. Tinitignan ko lang si Diego
Naalala ko siya. Diego reminds me of Owy. I found in Diego's visage the same features with Owy's na minahal ko. Mahal ko parin si Owy at walang nagbago dun. Kung bakit ako na punta sa panahong ito siguro para pagkabalik maayos na namin lahat.
I was staring at Diego who's tightly sleeping while remembering the moments, Owy and I had. Natawa nlng ako sa sarili ko I hated men before pero Owy proved it wrong. I never believed in relationships because alam ko masasaktan ako, but Owy never made me feel that. One day I find my way back home—Owy.
Nakaabot na kami sa restaurant and fortunately andito pa sila Yana and Chad. Binuhat naman ni Oliver si Diego.
"Nakatulog na naman si Taba, napagod yan for sure." Sabi ni Yana habang tinitignan anak niya.
"Kuya, akyat mo nalng siya sa taas." Sinunod naman ni Oliver.
"Ang hyper ng anak mo di ko kinaya." Sabi ko ng umiiling.
"Sinabi mo pa, kaya gustong gusto niya kasama ang Tito niya kasi hindi yan napapagod, By the way kamusta ang date?" Kinurot niya naman ako.
"Anong date?! Panira yan ng araw ko napaka antipatiko! Best, pwede wag na natin pag-usapan, pagod ako." Inis kong sabi. What happened earlier pissed me so much.
"Alam mo Yana, Napagod yan kakatitig sa akin, Pakisabi sa kanya na kung may gusto siya sa akin sabihin niya na, may chance naman." Dumating ang dakilang panira ng taon.
"Excuse Me? Ang taas din tingin mo sa sarili mo noh. Mark my words, never akong magkakagusto sa isang katulad mo."Ang yabang niya and he was a contrary of Owy. He brought back the Julia who's before a man-hater.
" I can prove that wrong. Yana I'll go ahead. " Tapos hinalikan niya naman si Yana sa cheeks. tapos tinitigan niya ako at ngumisi.
" Ang kapal ng mukha! " bulong ko sa sarili ko.
"Bye Kuya, ingat ka!" Sabi ni Yana.
"Ughhhhh, Ayoko na makita siya!" Sabi ko kay Yana. I swear, I don't want to see him anymore.
"Sorry best, pero I think malabo mangyari yun, aside sa pupunta yan dito because of Diego kasi dito na siya titira sa Philippines for couple of years and..." Nag aalangan niya sinabi.
"And?" Nanlulumo na ako kasi makikita ko siya ng madalas.
"I'm sorry best, patawarin mo ako, kasi diba dalawa tayong may-ari ng restaurant, best I'm sorry, penermahan ko yung papers para sa investment ni Kuya." And that gumuho yung mundo ko.
"Best! Anong ginawa mo?! Bakit?! Diba nag usap tayo tungkol dito. Ilang years ba yun?" Hindi ko alam kung may magagawa pa ba akong paraan.
"Best 5 years yun, sorry talaga. Kasi diba, pag in-accept natin yung offer makakapag-open tayo ng isang branch, pangarap mo yun diba?"
"What?! Five years! Best, diba sinabi ko sayo okay lang, makakahanap tayo ng iba." Ugh, Di ko na alam gagawin ko, pakibalik naman ako sa panahon ko please.
"Sorry best, I'm sorry talaga." Napapikit na lng ako. May karapatan din naman si Yana na permahan yun. Pero napasapo na lng ako sa aking ulo.
"Yana, uwi na ako." Sabi ko na disappointed ba din sa ginawa yan.
"Best, I'm sorry." Umiyak na siya.
"Hoy, Ang OA mo ha tumigil ka nga jan." Sabi ko sa kanya.
"Di ako titigil hanggat di mo pa ako pinapatawad." Umiyak na siya ng umiyak.
"Dinadaan mo naman ako jan, Sige na, basta sa susunod best sabihan mo muna ako sa mga plano mo kasi partners tayo dito eh." Tapos tumigil na naman siya.
"Yes best promise ko sayo, Yieeee love you best." Yumakap naman siya. Napangiti nlng ako.
"Sige na, una na ako ha, napagod ako sa anak mo at sa Tito niya." Sabi ko at tumawa.
"Sige bessy, ingat ka." At bineso niya naman ako.
Nag taxi ako pauwi ng bahay, hindi naman ako marunong mag drive diba.
Yana's POV
Success.
Pinermahan ko yung contract, Ginawa ko talaga yun para kina Kuya Oliver at Julia. Bagay sila diba! Kinikilig ako. Sana sila na lng magkatuluyan kasi diba friendship goals. Tsaka para magkaroon na din ako ng inaanak. Para din sa inyo to.
Pero magka-away sila eh pero gagawan natin yan ng paraan. Si Diego at ang restaurant ang alas ko. Kung matalino ka Julia mas matalino ako.
At dun sa mga meetings nila syempre handa na ang mga dahilan ko para ma push ang kanilang soon to have "relationship"
Alam ko naman na gusto nila ang isa't isa. May oras din kayo. Hahaha.
Julia's POV
Ang daming problema, bakit ba ako pumasok sa sitwasyon nato. Kinuha ko ang orasan at hindi parin siya gumagana and the buttons, wala pa rin. Miss ko na si Owy. Ano kayang ginagawa niya ngayon?
What if, pumunta ako sa tagaytay, sa souvenir shop. I'll go there tomorrow.
Kinabukasan.
Dumaan muna ako sa shop para mag paalam kay Yana.
"Best, ikaw muna bahala dito, pupunta muna ako sa tagaytay, may importanteng lalakarin ako dun." paalam ko sa kanya.
"Cge best, gusto mo magkape muna?" Tanong niya.
"Hindi na best, nag breakfast na ako sa bahay, Cge na best bye." At bineso ko siya.
"Cge, ingat sa byahe." Habang nag we-wave.
Nag commute lang ako as usual. Habang nasa byahe I was recalling saang shop yun. Mabuti nlng naalala ko nasa loob siya ng tagaytay bests, sa mga stall yun pero di ko tanda ang pangalan ng mismong shop.
Sumakay na akong na taxi papunta sa address.
"Kuya, sa tagaytay bests po, yung may mga stalls ng souvenirs." Sabi ko sa manong driver.
"Ay maam, wala na po yun ngayon na demolished po kasi yun 5 years ago, pero may mga stalls na natira pero yung iba maam wala na." Nadismaya naman ako baka wala na yun dun. Di na ba ako aalis dito. No way!
"Alam niyo po ba yung stall dun na may inuukit na kahoy, tapos mga vintage na posters?" Sana naman meron please.
"Bihira nlng po pumupunta doon, kaya di ko alam kung andun pa yun." Sana meron talaga.
"Sige kuya, doon tayo."
Ng nakarating kami doon, ibang iba na kaysa noon, sira sira na yung mga stalls. Ganito pala mangyayari sa future.
Hinanap ko talaga yung stall, and andito pa siya pero parang wala ng pumupunta di na din siya katulad nung dati na masarap sa mga mata.
Pumasok na ako at hinanap yung Manong, sana di pa siya patay. Pagkapasok ko may lalaki na medyo matangkad na nasa mid 40s pero sure ako hindi ito yung manong. May hawak siyang wall clock pareho nung akin.
Hinanap ko yung akin at hinalughog ang bag ko, tapos pag-aangat ko ng tingin nakita ko yung mukha ng lalaki.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Oliver?!"