Julia's POV
Maaga akong gumising today kasi maaga daw kami susunduin ng binook namin na Van para sa City tours.
Naligo na ako. Nag sout lang ako ng floral sleeveless top, white shorts and black sneakers. I also brought with me my cardigan baka kasi sobrang init mamaya. Ready nadin ang mga dadalhin ko.
Pumunta na ako sa room ni Owy para bumaba na para sa breakfast.
"Owy, tara na." Pag-aya sa kanya habang siya nagbabasa ng magazine. Kanina pa pala siya ready. Infairness gwapo ng lolo niyo. Naka white fitted polo siya na may animal print tapos naka short siya and then naka sneakers.
"Kunin, ko muna gamit ko para deretso na tayo." Kinuha niya na gamit niya at lumabas na siya sa room
"Love, Akin na bag mo." sabi niya sa akin. Akmang kukunin niya na ang bag ko.
"Okay lang, di naman to mabigat eh." Pagtanggi ko naman sa kanya.
Dumeretso na kami sa baba para sa breakfast.
After ng breakfast namin dumating na yung Van na magiging sasakyan namin. Mas mabuti na rin na ganito para less hassle para di na rin mapagod si Owy.
5 places pala ang pupuntahan namin ngayon. Medyo konti lang siya kaysa inexpect namin. Di kasi magkalapit ang mga tourist spots dito kaya the time will be consumed in travelling.
First Stop 8:00 A. M.
Andito kami sa isang sky garden resort. Maraming halaman sa paligid and nasa tuktok siya kaya kitang kita ang taal volcano. It's so nice here, very solemn, tranquil, pwedeng mag coffee while reading books. Dito mo talaga malalanghap ang fresh air.
"Owy, sana pumunta tayo dito ng mas maaga, maganda mag abang dito ng sunrise." Sabi ko sa kanya while I'm still mesmerized with the view.
"Pwede naman tayo bumalik dito love, if we can, spend the whole day here noh." Sagot naman niya. Nagustuhan niya rin pala dito.
"Super ganda ng view noh, the flowers, the overview of the volcano, the sky pero alam mo kung anong mas maganda pa sa view na to?" Lumang tugtugin na yan Mr. Carmelo.
"Heh! I love view." pambara ko sa kanya.
"I love you too." May pa smile smile pa pero nakaka inlove smile niya.
After a while nag order na kami ng coffee, and we both enjoyed the serenity of the spot. Take some pics.
After an hour we head back to the car, di rin kasi pwede mag tagal kasi tumatakbo ang oras.
10 AM. Next Stop
Andito na kami sa isang Art gallery. Mga vintage paintings. Mahilig kasi si Owy sa mga ganito. Ako, pics lang talaga habol ko dito.
Tingin tingin lang kami sa mga paintings. Matagal tagal na pala itong andito mag mga 1900's pa naipinta.
30 minutes lang kami nag tagal and we're on our way to our next stop.
12 PM.
Kumain muna kami for lunch malapit sa next namin pupuntahan. Andito kami sa isang ihaw-ihaw na resto. Nagiging favorite na namin to ni Owy this passed few days.
"Love, order ka na mag hahanap lang ako ng table." Sabi ni Owy at pumunta na ako sa counter.
Pagkatapos kung mag-order ay pumunta na ako kay Owy. At Medyo nice ang spot na nakuha niya.
Ang ihawan kasi dito open siya and then bamboo lahat from the ceiling down to the tables and chairs. Nagkakamay sila dito which is nakakagana ng kain.
Dumating na ang order namin. I ordered chicken inasal, and inihaw na bangus. This resto really embraces the culture of the Philippines. Instead of plastic wares they used banana leaves. I really want to go back here again and again.
"Love, alam kung gutom ka na pero hinay-hinay lang wala kang kalaban okay." I don't mind Owy teasing me kinuha ko na yung ulam at sinimulan na ang pag habhab, I mean pag kain.
Naka 3 rounds po ako ng kanin.
"Owy, hindi na ako makatayo, huhuhu ang sakit ng tiyan ko dong." Masarap kasi kaya napadami kain ko sobrang dami compared sa regular na kinakain ko.
"Hahaha, yan na sinasabi ko sa yo Love." tinatawanan niya pa talaga ako.
My stomach is aching talaga.
"Love, ano na. We're running out of time, pupunta na tayo sa next stop." Nang-iinis na siya. Hindi nakakatuwa.
"Che! EDI PUMUNTA KA DUN MAG-ISA IWAN MO KO DITO, AT SISIGURADUHIN KO SAYO NA DI MO NA AKO MAKIKITA!" Galitin niya na ang lasing wag lang ang busog.
"Ito naman di mabiro." Nakangisi siyang lumapit sa akin at binuhat niya ako ng pa bridal style.
"Medyo, napadami nga nakain mo Love." Konti nlng talaga Owy.
"Nakakatawa yun ha?! Ibaba mo na ako!" Nakakainis talaga alam mo yung masakit na tiyan mo tapos may isa pang, Aghhh.
Mas hinigpitan niya pa at binuhat niya ako papunta sa sasakyan.
At dahil sa ihawan na yun na canceled yung 3rd spot na pupuntahan namin. Ahhhh. Nagpahinga lang ako sa sasakyan until okay na ako.
4 PM. 4th Spot
Andito kami ngayon sa isang park, hindi siya yung amusement park, Meron lang ditong mga benches, tapos mga statues na pwede kang mag picture and a lot more. Dami rin pala pumupunta dito.
HHWW ganap namin ngayon. Holding hands while walking bah.
And Owy is still doing it, nagpapapicture sa kung sino para may pic kaming dalawa.
Naglakad lakad lang kami.
"Love, mag-abang tayo hanggang sunset dito." Sabi niya.
"Diba pupunta pa tayo sa souvenir shops sa next nating pupuntahan?" Magagabihan kami maka uwi sa hotel if mag aabang pa kami hanggang 5:30 PM.
"I just wanna stay with you here, bakit parang ayokong pumunta dun." Sabi niya. Nagtataka ako bakit naman kaya.
"Bakit naman? Eh bibili lang naman tayo ng pasalubong dun tsaka magpapic sa mga lumang artworks." Ako ang pumili dun sa 5th spot na pupuntahan namin.
"Love, wag nalng kaya natin puntahan yun." Sabi niya.
"Malapit, lang naman yun dito tsaka sayang naman kung di natin pupuntahan, sige ganito nlng pupunta lang tayo doon sandali lang tsaka mag abang tayo ng sunset dito bago pumunta dun, okay ba?" At nginitian ko siya.
5:30 na and the sun is setting. We take pictures with the sun setting behind us. I was reviewing our pics and I can see in Owy's eyes that he is not happy.
"Owy, okay ka lang ba? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Instead niyakap niya ako ng mahigpit.
"I can't lose you, I love you so much." He's voice was breaking.
"Anong pinagsasabi mo? Hindi ako mawawala sayo." He hugged me tighter.
"Love, tara na." And we head back to our next stop.
Ano ba talaga iniisip ni Owy? I can't predict it anymore. But I'll just talk to him whenever we get in our hotel. Pero pupuntahan muna namin yung souvenir shop para makabili ng pasalubong.