🦋🦋🦋
Chapter 1: Nightmare Life
A nightmare relates to an old,unsolved problem that is so frightening to face that we are unable to continue our dreamland the emotional terror wakes us in distress without offering a solution.
🦋ARMELLA🦋
"Puro na lang pasakit at paghihirap and idinudulot mo saakin!Katulad ka din ng nanay mong walang kwenta!Sana mamatay ka na lang din dahil pabigat ka lang!" galit na sigaw ng aking tiya. Luhaan akong tumakbo palabas ng bahay.
Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit wala namang pinatutunguhan,basta ang alam ko lang kailangan ko munang makalayo roon.
Huminto ako upang habulin ang aking hininga,napagtanto kong nasa isang playground na pala ako.
Napaupo ako sa malaming na semento. Bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng tuluyang pagtulo ng aking mga luha.
Bakit ba kasi ako na lang palagi ang mali?Hindi naman ako ang may kasalan ng lahat.
Maraming tao roon na may kaniya-kaniyang payong at ako lang ata ang nakababad sa ulan kaya pinagtitinginan nila ako ngunit wala na akong pakialam doon.Kahit ngayon man lang magkaroon ako ng kalayaang gawin ang gusto ko ng hindi linalait ng iba.
Ilang minuto ang lumipas ng biglang huminto ang ulan.Naglakad ako nang biglang may tumama saaking kung ano. Hinimas himas ko pa ang ulo kong natamaan bago tinignan iyon.Nakita ko ang isang asul na libro.Pinulot ko yon at pinagpag dahil ito'y maalikabok. Inilibot ko ang aking mga mata upang makita kung kanino iyon o kung sino ang bumato saakin ngunit nakita kong wala namang tao roon dahil nag-alisan na sila kanina.Weird.
-
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Lia pagkapasok ko sa apartment niya.
"Dito muna ako magpapalipas ng gabi,"walang ganang sagot ko. Bumuntong hininga na lang siya dahil sanay naman na siyang pumunta ako dito tuwing may problema sa bahay.
"Nag-away na naman ba kayo ng tita mo?" Tumango na lang ako at nahiga sa sofa. Bumuntong hininga uli siya.
Si Lia ang matalik at nag-iisa kong kaibigan na nakilala ko sa aking part time job. Pareho kasi kaming working student upang may pambayad sa araw araw na gastusin sa pag-aaral,mabuti nga at isa akong scholar kaya kahit papaano nababawasan ang babayaran ko.
Pumasok ako sa kwartong tinutuluyan ko tuwing nandito ako at nahiga. Nakatitig lang ako sa kisame upang makatulog ngunt bigla kong naalala ang librong ibinato saakin. Dali dali akong bumangon at kinuha iyon sa sling bag ko.
Binuksan ko ang libro at binasa ang nasa loob.
Page 1
'Lucid Diary'
Dreams are teachers,designed to make our desires come true. They allow us to discover our destiny. A lucid dream is one that you can control because you are aware that you are dreaming. But what if you experience a lucid life–A life that you can control?It would be great right?What are you waiting for?Turn to the next page and start your very own fairytale.
Psh!Control your life?Ano yun magic?Magic is for kids.Tss.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa dahil gusto kong antukin.
Page 2
Want to have a lucid life? Then follow the steps below:
1. Download the 'Lucid App' at xxx.xxx.xxx
2. Agree on the terms and conditions of the app. Make sure to read carefully!
3. Finally,go to page three and write your dream life.
Pshh!Ang childish talaga!
Isinarado ko na ang libro at humiga ulit,hindi naman ako nahirapang makatulog dahil sa pagod.
🦋🦋🦋End of Chapter 1🦋🦋🦋
🦋Follow🦋,Vote,🦋Comment🦋 and Share!🦋Thankieee!!!🦋
BINABASA MO ANG
Lucid Life
Teen FictionClearly for Filipino readers❣️ Wouldn't it be nice to have a lucid dream-a dream that you can control?But wouldn't it be nicer to have your own lucid life-ang buhay na ikaw mismo ang gagawa? Meet Armella Javiana,ang babaeng parang isang bangungot an...