🦋🦋🦋
Chapter 2: Lucid App
A lucid dream is one that you can control because you are aware that you are dreaming.
🦋ARMELLA🦋
Kinabukasan,pagkagising ko,ginawa ko ang aking morning routine at lumabas ng kwarto. Hindi ko nadatnan si Lia doon kaya kumain na lang ako kung anong nasa fridge.
Ang aga namang wala iyong babaeng yun eh wala namang pasok.Gala talaga.
Napatingin ako sa aking cellphone ng umilaw iyon. Isang notification an natanggap ko.
You are very lucky to be chosen as one of our Lucid Life guests. Download the Lucid App here to start your perfect life!
Ako lucky?That's the best joke I've ever heard.
Wala naman akong magawa kaya pinindot ko na lang iyon.Dinownload ko na iyon at pagkatapos ng ilang minuto ay binuksan ko ang app. May lumabas na mga terms and conditions pero dahil tamad ako,syempre hindi ko na babasahin ang ganun kahaba. Pagkatapos kong mag-agree,lumabas sa screen ang mga kailangan kong gawin. Nakasaad dito na kailangan ko daw buksan ang page three ng Lucid Diary at isulat ang gusto kong maging buhay.
Hmm...Sounds interesting. Mahilig kasi akong magsulat sa mga journal kaya kahit alam kong hindi totoo iyon,sinunod ko na lang.
I want to have a perfect life in a perfect world with perfect friends and a perfect lover.❤️
Oo,alam kong corny pero bakit ba?Minsan na nga lang gumawa ng kabaliwan edi gawin ko ng puro perfect hehe!Perfectly crazy!
Mukha akong nababaliw kaya isinara ko na ang libro na naglalaman ng kabaliwan. Natulog na lamang uli ako dahil maaga pa naman.
🦋
Naalimpungatan ako dahil nakaramdam ako ng lamig. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at kinusot pa iyon. Nang malinaw na,nanlaki ang mga mata ko ng makitang nasa isa akong maganda at malaking kwarto.
Haluh!Baka may kumidnap na sa akin!Pero bakit niya ako idadala sa isang magandang kwarto?!Waaa baka mayaman ang kidnapper at may balak syang masama!!
Dali dali akong bumangon at bumungad saakin ang isang malaking salamin. Napahawak ako sa mukha ko. Bumata ang hitsura ko at naging mas maputi at makinis ako. Napansin ko ring iba ang damit ko.
Haluh!Nanaginip ata ako!First time kong magkaroon ng magandang panaginip ah!
Pinisil ko ng malakas ang pisngi ko at nagulat ako ng makaramdam ng sakit. Aray! Hindi ata talaga ako nananaginip!
"Welcome to Lucid World,Miss."
🦋🦋🦋
🦋Follow me!🦋Thank youuu!🦋
![](https://img.wattpad.com/cover/181919459-288-k989272.jpg)
BINABASA MO ANG
Lucid Life
Novela JuvenilClearly for Filipino readers❣️ Wouldn't it be nice to have a lucid dream-a dream that you can control?But wouldn't it be nicer to have your own lucid life-ang buhay na ikaw mismo ang gagawa? Meet Armella Javiana,ang babaeng parang isang bangungot an...