4🦋

10 2 0
                                    

🦋🦋🦋


Chapter 4: Weird Guy


Dreams have an exclusive quality and are spirited away into the ether as mysteriously as they come. (Ctto. sa mga intro HAHA baka sabihin kasing plagiarism)


🦋ARMELLE🦋



*Kring kring kring*



Nag ring ang bell at nag tayuan na ang mga estudyante para mag lunch. Hindi naman ako nahirapan sa mga lessons namin dahil napag aralan ko na ang mga iyon noong nasa real world pa ako. Medyo marami na rin akong nalaman sa paaralang ito dahil mag iisang linggo na rin ako dito. Isa na sa mga nalaman ko ang pangalan ng tatlong babae noong unang araw ko dito. Ang pangalan pala ng blonde hair ay Stephanie,ang brown hair naman ay Blanché at ang black hair naman ay si Victoria. Sinabi din pala saakin ni Guardian Luz na sila ang bestfriend ko  dito sa Lucid World. Ang weird noh? Bestfriends ko eh hindi ko pa nga masyadong kilala,pero 'di bale,mukha naman silang mababait.



"Let's go?" Pag aya saakin ni Blanché at sabay na kaming pumuntang cafeteria.



On the way to the cafeteria,nakangiting nakatingin saakin ang mga estudyante roon kaya naman hindi ko maiwasang mailang. Hindi kasi talaga ako sanay sa binibigay nilang atensyon.



Nang makarating kami sa cafeteria,agad naming natagpuan sina Victoria at Stephanie sa isang table na malayo sa iba. Nagtaka naman ako doon kahit na ilang araw ko na rin iyong napapansin.



Habang kumakain,hindi ko maiwasang tanungin kung bakit kakaiba ang table namin at malayo ito sa iba. Natawa naman ang dalawa dito.



"Let's just say we're V.I.Ps," kinindatan naman ako ni Victoria.



🦋



Habang naglalakad papunta sa room,nakabangga ko ang isang lalaki at nahulog ang dream diary ko. Iyon ang asul na librong binato saakin noong isang araw,kabilin bilinan din saakin ni Guardian Luz na huwag ko daw iyon iwawala.Sinunod ko naman kahit hindi ko alam kung bakit.



"Sorry. Let me help–"natigilan ito ng akmang pupulutin na ang libro. Nagtataka itong napatingin saakin at inabot din lang ang dream diary.



"Ikaw ang bago,huh?"nakangising tanong nito. Napakunot noo naman ako. 



"Huh?"



"Iligtas mo kami ha?" nakangiting aniya at bago pa man ako makapagsalita,mabilis na tumakbo ito palayo.



Weird.



🦋


Masaya akong umuwi ng bahay dahil alam kong makikita ko si mommy ngunit pagdating ko doon,wala akong nadatnan kundi ang mga katulong namin.



"Nasaan po si mommy,Tita Yena?" Tanong ko sa isa naming kasambahay.



"May pinuntahan siya at hindi na siya babalik," nakangiting aniya niya,ang creepy!At agad nawala ang ngiti ko. Si mommy na nga lang ang dahilan kung bat ko ginagawa ang mga task dito pero wala pa siya. Teka–speaking of task,may kinalaman kaya ito sa first task ko noong first day ko dito?



🦋🦋🦋



Follow🦋Vote🦋Comment🦋Share🦋Thankueee🦋





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lucid LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon