🦋🦋🦋
Chapter 3: Perfect World
Dreams allow us to discover our true destinies by disclosing nature's secrets through the language of soul.
🦋ARMELLA🦋
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Bigla na lang may sumulpot na lalaking ang pangalan daw ay Luz. Dream Guardian ko daw siya and blah blah blah masyado siyang madaldal, andami niyang sinasabi!
"Miss Javiana?" Kinaway kaway niya pa ang kamay niya sa harap ko.
"Hmm?"
Bumuntong hininga lang ito. "As I was saying,ikaw ang gagawa ng gusto mong maging buhay sa pang-araw araw but mabibigyan ka rin ng tasks everyday. In your 100 day stay here,you will be going to Lucid World's most prestigious high school,Dream High.Here's your uniform and everything you will need,"sabi nito sabay abot saakin ng mga gamit.
"Eh ano naman yang mga task na yan?Ano ang first task ko?"tanong ko.
Napailing siya saay buntong hininga. "Tsk tsk,hindi ka talaga nakikinig sa mga sinasabi ko kanina noh?Hayst." Eh paano naman ako makikinig eh hindi pa tin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari ngayon tsaka nakakatamad kaya makinig sa napakahabang sinasabi niya."Next week magsisimula ang tasks mo.Be prepared."dagdag nito at magtatanong pa sana ako ngunit bigla na lang siyang naglaho.WTH?!
Tinitigan ko lang saglit ang aking uniform. Maganda ito at mukhang pang prestishyosong paaralan talaga. Pero highschool ulit?!I've graduated from that!
Kahit hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari,sinunod ko na lang siya at sinuot ang uniporme. Pagkatapos non,binuksan ko ang pinto ng kwarto at lumabas. Namangha naman ako sa laki nitong bahay-mala palasyo ito sa sobrang ganda at laki!
Bumaba ako ng gintong hagdan. Ang ganda talaga dito sobra. Feeling ko tuloy isa akong prinsesa,kulang na lang ang aking prinsipe hehe.
Bumungad saakin ang dining room kung saan napakadaming pagkain ang nakahain sa malaking mesa. Namamanghang lumapit ako doon at doon ko lang napagalaman na hindi ako nag-iisa dito. Mayroong mga babaeng pare pareho ang suot. Sa tingin ko katulong sila pero infairness ha,maganda suot nila parang sa mga movies na napapanood ko.
"Good morning dear,"bati saakin ng isang babae na mukhang elegante't mayaman. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagnanto kung sino iyon. Mas nagmukha lang itong mayaman ngunit kilalang kilala ko ang mukhang iyon.
"Mommy?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Mommy you're back!" masayang wika ko.
Gusto kong umiyak dahil sa tatlong rason. Una dahil masaya akong nasa harapan ko na si mommy. Pangalawa dahil malungkot ako dahil sa pag kaulila ko sa namatay kong mommy. Pangatlo dahil natatakot akong isang panaginip lang ito at bukas gigising ako sa katotohanang wala na talaga si mommy at kailangan ko iyong tanggapin.
Yinakap ko siya. "Mella dear,nag business meeting lang ako saglit sa states,miss mo na ako agad?" Natatawang wika niya. Bumitaw ako sa pagkakayakap at tinignan ko siyang nakangiti. How I miss those smile.
Tumango ako. "Sobrang na miss kita mommy"
-
Nakarating ako sa school. Wala rin naman akong magagawa kung bumalik ako sa high shool dahil kailangan ko na daw tanggapin na nandito na ako sa isang mundong hindi ko pa lubusang alam kung ano. Masaya na rin ako dahil makakasama ko na si mommy araw araw at wala ng titang sigaw ng sigaw.
Nang makarating ako sa gate,namangha ako dito. Triple pa ang laki nito sa bahay kanina na inakala kong pinakamalaki na.
Pero mas nagulat ako dahil lahat ng estudyanteng nakakasalubong ko ay nakangiti saakin. Nalilito man,pilit ko silang nginitian pabalik. Binilisan ko ang paglalakad dahil hindi ako sanay sa ganitong atensyon. Dati kasi sa school namin,isa lang akong nobody.
Napahinto ako ng may tumawag sa pangalan ko. Liningon ko ito at nakita ang tatlong magandang babae na nakangiti saakin.
"Mella,you seem to be in a hurry," sabi ng babaeng blonde hair.
"Baka kasi ma late ako sa klase. First day pa man din," ngumiti ako kahit 'di ko sila kilala.
"First day? Seriously Mella,2 months na tayo dito,you must've forgotten when you hurt your head," mahina itong tumawa.
"Hehe. Pwede bang sumabay ako sainyo? Hindi ko kasi alam ang papunta sa klase ko sa laki nitong school niyo eh," napakamot ako sa ulo sa hiya. Nagkatinginan naman ang mga ito at tumawa.
"Of course Mel, araw-araw naman tayong nagsasabay kasi we have the same class,right?At isa pa we're bestfriends,"nakangiting aniya ng babaeng may brown hair. "And paano ka maliligaw dito sa school eh school 'to ng family mo?"nagtatakang tanong nito.
"Siguro nga marami akong hindi maalala dahil sa pag kauntog ko.Hehe,"pinilit kong tumawa kahit hindi ko alam ang pinagsasasabi nila.
Nag ring ang bell kaya naman nagsabay na kaming pumasok nung brown hair sa classroom. Hindi ko kasi alam ang pangalan nila kaya binase ko na lang sa hair color nila. Hindi ko rin naman matanong dahil baka lalong magduda iyong mga yun saakin.Mahirap na,baka pagkamalan pa akong baliw hahaha!
🦋🦋🦋
🦋Vote!🦋Thankieee🦋
BINABASA MO ANG
Lucid Life
Roman pour AdolescentsClearly for Filipino readers❣️ Wouldn't it be nice to have a lucid dream-a dream that you can control?But wouldn't it be nicer to have your own lucid life-ang buhay na ikaw mismo ang gagawa? Meet Armella Javiana,ang babaeng parang isang bangungot an...