Chapter 1

1.8K 25 0
                                    

Kalalabas ko lang sa gate ng kumbento, apat na taon akong nanirahan sa kumbento. Naging asisstant ng mga madre. Ngaun ang araw na uuwi ako dahil wala na akong balita sa aking papa.

Ako si Lara Aleena Acosta ang iisang anak nina Don Alejandro Acosta at Donya Maria Acosta, Business man ang aking ama ngunit napakasakim nya wala siyang patawad sa mga trabahador namin sa hasyenda. Ang aking ina naman ay kabaliktaran ng ugali ng aking ama, mapagbigay ang aking ina at napakabait, lahat ay kanyang nirerespeto at tinutulungan kaya madalas siyang nagbibisita sa kumbento at isinasama nya ako.

Unti unti ulit bumabalik sa kanya ang nakaraan habang siyay naglalakad kung bakit siya Nilagay ng kanyang ama sa kumbento para maging kasamahan ng mga madre..

4 years ago..

Masayang masaya siyang pauwi sa bahay nila noon dahil kaarawan ng kanyang mama. Bumili siya ng regalo sa bayan at dumaan muna sa parlor bago siya umuwi. Agad niyang tinawag ang kanilang driver at sumakay agad sa sasakayan. Laki siya sa layaw, lahat ay binibigay ng kanyang ama kahit di na tama ay pinagbibigyan pa rin sya sa lahat ng gusto niya.

agad bumisina ang kanilang driver ng nasa tapat na sila ng kanilang malaking gate. Pagkapasok ng sasakyan ay lumabas sya agad sa sasakyan. Sinalubong siya ng kanyang yaya Sally at kinuha agad ang kanyang mga dala "yaya ilagay mo muna sa kuwarto ko ang regalo ko kay mama at pupunta muna ako sa veranda" sabi nya. agad namang lumkad ang kanyang yaya pataas sa hagdanan papunta sa kanyang kuwarto.

Malapit na sya sa pintuan ng marinig niyang nagtagalo ang kanyang mga magulang, dinig na dinig niya any iyak ng kanyang ina, kakatok na sana sya ng biglang mgsalita ang kanyang ama

" maniwala ka, wala akong masamang ginawa sa trabahador natin dinisiplina ko lang sila dahil ang tatamad nila" sabi ng kanyang ama.

sumagot ang kanyang ina "kasama ba sa pagdisiplina ang paglalatigo sa kanila, tao din cla alejandro maawa ka sa kanila" sabi ng knyang ina.

"pwede naman clang umalis kung ayaw nilang mag trabaho dito satin" sabi ng knyang ama.

Di na nya tinuloy ang pagkatok sa pinto, hinayaan nya nalang ang kanyang magulang na magusap. pumunta sya agad sa veranda dahil gusto nyang mgpahangin. umupo sya sa upuan at nilabas ang kanyang cellphone. nag message sya agad sa kanyang mga kaibigan, mamayang gabi pa ang party ng kanyang ina kaya gusto nya muna magrelax ngaun.

habang nilalaro nya ang kanyang cellphone ay biglang dumaan c Lucas, may hawak etong sako. napatingin sya kay Lucas na nglalakad papunta sa kanilang kusina. Crush na crush nya c lucas dahil nakapaguwapo nito. halatang half foreigner ang itsura, matangkad at maganda ang pangangatawan.

Pero hindi sya pinapansin ni Lucas mas gusto nito ang mga ka age nito. mas matanda c lucas sa kanya ng anim na tao. Seventeen siya ngaun at c lucas nman ay patapos na yata ng college sa bayan. kumukuha eto ng kursong Business Management.

Dahil sa di pagpansin ni lucas sa kanya kaya madlas niyang inuutusan eto ng kung ano ano andyan na gusto nya mangabayo na kasama c lucas o kaya nman ay magdrive pag may pupuntahan sya kaso kahit minsan ay di sya pinansin ni Lucas.

Ang ina naman ay Lucas ay katulong nila sa bahay kaya halos sa kanila na nkatira ang mag ina.

Pumasok na sya sa loob ng kanilang bahay ng napansin niyang dumidilim na, tiningnan nya ang oras at almost 6 na pala ng hapon kaya pumunta siya agad sa kanyang kuwarto at mgbibihis na. Pinili nya ang dress na medyo daring dahil gusto niyang mapansin siya ni lucas. backless ang kanyang suot na kulay baby pink. Pwde niyang isuot ang gusto nyang damit dahil pinagbibigyan sya parati ng kanyang ama khit ayaw ng kanyang ina.

Matapos nyang mailagay ang kanyang damit ay humarap siya sa salamin at napangiti. lalo siyang pumuti sa kanyang damit, balingkinitan din ang knyang katawan at medyo mhaba ang kanyang buhok.

Bumaba siya agad sa kanilang sala. ready ang lahat, pagkain upuan at mga decorations. at nakita niya ang kanyang magulang na nakabihis na rin, napakaganda ng kanyang ina sa sout din nito na gown. Agad siyang humalik sa kanila agad at ngsalita naman kanyang ina.

"baby, wala ka na bang ibang gown masyadong daring ang suot mo"

" mama please pumayag na c daddy ng pinakita ko ang damit ko sa kanya" sabi nya at umayon naman ang kanyang ama.

"hayaan mo na maria, hayaan na natin ang ating prinsesa na magsuot ng gusto niya." sabi nito.

Agad siyang ngumiti at umalis, binati nya ang mga ibang bisita at mga kanyang kaklase, lahat ay puro mayayaman at kilala sa kanilang bayan kaya napaka enggrande ang party ng kanyang mama.

Habang nglalakad sya papunta sa kanilang garden ay nakita nya sa gilid c lucas kasama ang kaedad nitong kasambahay nila ngtatawanan hbang nglalagay ng mga gamit sa table na gagamitin ng mga bisita. Umiinit ang kanyang ulo sa nakita, di siya makangiti ng paparating ang kanyang bestfriend.

Agad siyang inasar ni harry. " nakasimangot ka agad ng isstart palang ang party?" sabi nito.

"pwede ba tumahimik ka dyan at naiinis ako" sabi nya. "

umupo cla sa isang table ng mapatingin c harry sa banda nila lucas. tumawa eto.

" kaya pala nawala ka agad sa mood dahil hindi ka makita ng hinhintay mo" sabi nito.

Di nalng sya ngsalita dahil sumasabog na talaga ang puso niya sa nakikita. Nag iisip sya ng pwede ng gawin kay lucas. Naiinis sya na iba ang pinapansin nito. at ang saya saya pa nilang tingnan.

It's always been youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon