Chapter 3

837 10 2
                                    

Pagbaba niya sa bus ay naglakad siya sa sakayan ng tricycle, sinabi niya ang kanilang adress at mukhang di na sila kilala dahil walang reaksyon ang driver.

Paglabas niya sa trycycle ay halos nagulat siya ng makita niya ang kanilang mansyon, lumang luma na eto at lahat ay nangangalawang na. wala ng ang dating kinang, pumasok sya agad sa gate at naglakad papasok sa pintuan ng biglang bumukas eto.

"Lara, ikaw nga? ngayon pala ang labas mo sa kumbento, mas lalo kang gumanda iha" sabi ni aling marta ang mayordoma nila dati, napaiyak eto at yumakap agad sa kanya.

Gumanti sya ng yakap. " ano pong nangyari?, bakit ganito ang mansyon? asan si papa? " tanong nya.

kinuha ni aling marta ang kanyang kamay at hinila papasok sa loob, walang gamit sa loob na kahit ano. wala na ang mga upuan nila at mga mamahaling paintings sa ding ding, pumunta sila sa veranda at nakita nya ang kanyang ama na nakawheelchair.

Agad niyang niyakap eto " papa, nandito na ako. kmusta kau? anong nangyari bakit ganito ang lahat? ", sabi nya. Pero walang sagot ang kanyang ama, lumuluha lang eto. Niyakap niya ang kanyang ama at umiyak. Nagpaalam siya sa kanyang ama at hinarap c aling marta.

" Kayo lang po ang makakapgsabi sakin ng lahat" sabi nya. pinaupo sya sa tabi ng kanyang ama at ngkwento na c aling marta, naipatalo lahat ng kanyang ama ang kayamanan nila sa casino, naging sugarol eto nung umalis sya at pinabayaan lahat, pati ang mansyon ay nakansangla sa banko. Halos di siya makapaniwala sa nangyari, di daw nila binalita sa kanya dahil un ang utos ng kanyang papa.Halos wala na daw panggamot ang kanyang papa at di niya alam kung san sya kukuha ng pera. Ang huling hiling ng kanyang papa ay mamatay daw siya sa mansyon.

Dinala siya ni aling marta sa kanyang dating kuwarto, wala na ring gamit doon, pati kama. "maglatag ka nalng ng banig iha" sabi nito. Tumango nalang sya at ng umalis eto ay umiyak sya ulit. Halos di niya alam kung pano siya mag uumpisa. Halos di siya makatulog buong magdamag kung pano niya aayusin lahat.

Kinaumagahan ay agad siyang nagtungo sa silid ng kanyang ama, mabuti nalang at may kama pa eto,

"mgandang umaga papa" sabi niya sabay halik sa ama at tama namang kadarating ni aling marta na may dalang lugaw, agad niyang pinakain ang kanyang ama.

"pupunta po ako sa bayan, pupunta ako sa banko baka pwde pa akong makahingi ng at konting palugit para sa mansyon" sabi niya.

Agad siyang nagbihis ng lumang t-shirt at pantalon, ngdoll shoes lang siya at agad siyang sumakay sa tricycle.

Pagpasok niya sa bangko ay agad siyang pumunta sa reception area. " miss magandang umaga, nandyan ba manager nyu? gusto ko sanang kausapin tungkol sa nakasanglang mansion namin" ani nya.

" ang acosta mansion ba?" tanong nito at agad naman siyang tumango.

Tumayo eto at pumasok sa isang office, bumalik agad eto " miss big boss daw pwde mo kausapin sa mansion ng acosta, kung gusto mong kumuha ng appointment eh bibigyan kita" sabi nito.Tumango ulit siya, may binigay sa kanyang papel ang receptionist at ng basahin niya eto ay nakasulat ang address.

"kelangan mo ng pumunta sa address na yan ngaun din, bahay yan ng may ari ng bangko, isang sakay lng tricycle mula dito, ewan ko miss kung bakit mo pumunta doon pero mag ingat, goodluck kasi mahirap  kausapin boss namin" sabi nito.

"salamat" sabi niya at naglakad na siya palabas ng banko. Kinabahan siya, hindi niya alam kung bakit pero agad siyang pumara ng tricycle at sumakay, binigay niya ang address sa driver.

Pagbaba niya sa tricycle ay bumungad sa kanya ang modernong gate, napakataas ng gate kaya di mo makita ang nasa loob. Nag doorbell siya sa maliit na gate sa gilid at binuksan ng guard.

"Magandang umaga, may appointment po ba kau sa sir?, sabi nito.

Tumango siya at pinapasok siya sa loob ng bahay, namangha siya sa kagandahan ng bahay, halatang mayaman ang may ari pag pasok nila sa loob ay agad siyang binati ng isang maid. "Nasa library po sir sa taas, tara na po" sabi nito na halatang kinakabahan. Sumama nalang siya.

Pagpasok niya ay may lalaking at ngbabasa ng mga papel sa harapan nito, di niya alam kung lalapit siya pero pagkasara niya sa pinto ay umangat ang ulo ng lalaki. Halos mahimatay siya pagkakita sa lalaki. Si lucas eto at ibang iba na, halatang malayo na ang narating.

" are you just going to stare at me?" sabi nito na napakalamig ng boses.

Di siya makapagsalita " ahh, may ipapakiusap sana ako sayo tungkol sa mansyon" ani niya.

"hihingi ka din ba ng palugit? halos tatlong taon ang palugit na binigay ko sa inyo, I think that's enough, I already have a plan for that mansion and we will start the planning next week. Bibigyan ko kayo ng isang linggo na maglipat" sabi nito na halatang naiinis.

"Sana konting palugit pa. wala pa kaming lilipatan at.."

" my words are final, don't waste my time here." putol nito sa sasabihin niya at tumayo eto para buksan ang pintuan.

Hinabol niya eto at hinawakan ang kanang kmay nito.
"please konting palugit pa, huling hiling ng papa na dun siya mawawalan ng buhay, gagawin ko lahat bigyan mo lang kmi ng palugit." sabi niya na umiiyak.

Lumingon eto sa kanya at winaksi ang kanyang kamay. " really? you will do everything?, pagbibigyan kita, sige be with me, be my bed warmer hanggat gusto ko and give me a child then I will give what you want." sabi nito na nakangisi ng nakakaloko.

Halos nawalan ng kulay ang kanyang mukha, di niya akalain na ganong bagay ang hihilingin nito, " sobra namang pambabastos ang hinihiling mo sa akin." sbi niya. Akmang sasampalin niya eto pero naagap agad nito ang kanyang kamay.

"you think you are still on the top don't you?, mgkaiba na ang mundo natin ngaun, you know what i can do?, be thankful that I'm giving you a chance." sabi nito na galit.

Nagwalk out siya na umiiyak, dirediretso siya sa labas ng gate nglakad hanggang may makita siyang trycycle at agad siyang sumakay pauwi.

Pagpasok niya sa loob ng bahay ay narinig niyang sumisigaw si aling marta sa kwarto ng kanyang ama, pagpasok niya ay hawak hawak nito ang kanyang ama na nghahabol ng hininga, ngtulungan silang buhatin ang kanyang ama at para itakbo sa ospital, buti nlng may dumaan na sasakyan at tinulungan sila, agad silang inasikaso sa hospital.

It's always been youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon