chapter 21

865 10 1
                                    

Gusto na niyang mag isip ng mabuti kung kelangan na ba niyang umalis at iwan ang anak kay lucas, di sila pwedeng ganito araw araw, pano nalang pag lumaki na si liam.

Gusto niyang magbakasyon sa hasyenda at mag isip kaya tinawagan niya si greg sinabi ang plano niya na mamasyal konti sa hasyenda kasama si liam, syempre isasama nila ang mga yaya ni liam at bodyguards din nila.

Tumawag naman agad si greg at pumayag daw si lucas, agad siyang nag empake ng mga gamit nila, para ready na lahat, bukas pa sila babyahe ng umaga.

Nasa hasyenda na sila naglalaro sa garden ni liam, preskong presko ang hangin kaya tama lang na nasa labas sila. Alala niya ng paalis sila, niyakap ng mahigpit ni lucas si liam nung hinatid sila at tumingin si liam sa kanya pero agad siyang sumakay sa chopper, baka may mapansin na naman sa kanya.

Araw araw ay masaya siyang kasama ang anak, sinusulit niya ang mga araw, kakausapin niya si lucas ng masinsinan pagbalik sa manila, oo yun ang balak niya, mahirap sa kanya na iwan ang anak pero para sa kapakanan nito ay kakayanin niya.

Mag iisang linggo na nasa hasyenda sila ng anak, tumatawag paminsan minsan si lucas para mangumusta, kaya ok naman lahat.

Papasok na sila sa loob ng bahay na karga niya si liam, panay ang kiliti niya dito ng makita niyang parang may gulo sa labas ng gate, lumapit siya at nakita niyang si sara sinusuway ng mga bodyguards

" papasukin mo ako, gusto kong kausapin si lara, hindi ako nanggugulo!" pagpupumiglas nito.

Binigay niya si liam sa isang yaya at pinapasok ang mga eto sa loob, ng makapasok ang mga eto eh hinarap niya si sara.

" Sige na mga kuya, papasukin na siya." utos niya.

Nakatayo siya sa harap ng pintuan ng lumapit si sara,

" andito ako para ipaalam sayo na magpapakasal na kami ni lucas, ako ang magiging nanay ng anak nyu" sabi nitong nakangiti.

" congratulations kung ganon, pumunta ka lang ba para sabihan yan?, dahil hindi ako interesado, pero pagdating sa anak ko eh hindi ka bagay." laban niya dito.

" Alam mo lara kahit may anak na kayo ni lucas eh ako ang mahal niya, huwag kang masyadong ambisyosa! " sabi pa nito.

" Sara, nagsasayang ka lang lakas na pumunta dito." sabi niya at tumalikod na.

" walang hiya kang babae ka! kala mo kung sino ka!" sabi nito sabay hatak sa kanyang buhok, nagpumiglas siya pero hindi niya na napansin na nasa dulo pala siya ng hagdan, tinulak siya ni sara at nawalan siya ng balanse kaya nahulog siya,mga limang palapag ang hagdanan sa harap ng main door ng mansyon at naunang bumagsak ang kanyang ulo, nahihilo siya at pinilit niyang bumangon pero wala siyang lakas saka siya nawalan ng malay.

Napakabilis ng nangyari, hindi naman akalain ng mga guards na ganon ang gagawin ni sara, agad nilang binuhat si lara at dinala sa malapit na ospital.

Tumakbo agad palabas si sara at sumakay sa kanyang sasakyan, si lara ang inasikaso ng lahat kaya nakatakas siya.

Nasa conference room si lucas nung oras na un, katatapos lang ng meeting niya, namimiss na niya ang kanyang mag ina mas lalo ang ina, hindi mawala sa isip niya kung gaano kasexy pa rin nito nung last na nakita niya ito sa pool, iniisip niya ang pagsunod sa mag ina niya this weekend sa hasyenda.

Biglang nagring ang kanyang phone, si aling marta ang tumatawag at sinagot niya eto.

" Hello lucas, si lara tinakbo sa hospital sinugod siya ni sara dito at nakipag away!"

" kumusta siya? at asan si liam?" agad niyang tanong.

"masama ang lagay niya, nahulog siya sa hagdanan, nandito si liam sa bahay kasama ang mga yaya."

" sige punta na kami diyan agad." sabi niya at pinatay na ang tawag.

Agad siyang tumayo at pumunta sa office ni greg.

" cancel mo lahat ng meeting ko ngayon at tawagan mo ang pulis sa san isidro para mahuli si sara, you know sara diba? ung kababata ko, she hurt lara badly and now lara is in the hospital, i will go there now, give me updates as soon as possible." bilin niya dito at agad pumunta sa elevator para pumunta sa rooftop.

Nag aalala siya kay lara, halos lahat pinanamadali niya, di naman nagtagal eh nakarating ang chopper sa probinsiya at agad siyang sumakay sa kotse na naghihintay sa kanila at tumungo sa hospital.

Pagdating niya sa ospital ay nasa operating room si lara, may konting sugat sa ulo kaya tinatahi sa ngayon maliban doon ay mga konting galos sa braso.

Halos galit na galit siya sa dalawang bodyguards na pinasama niya dito. Kung pwde lang siyang pumatay ng tao ngayon ay baka nagawa na niya.

Pinagpapaliwanag niya ang mga eto ng Bigla namang tumawag si greg at sinabing nahuli na si sara, kaya pinagsabihan niya ang mga eto na bantayan ng maigi si lara, buti nalang at nandoon din si mang berto na kasamang magbantay kay lara, si aling tessa naman at mga yaya ni liam ang nasa hasyenda.

Sumakay siya sa kotse niya at pumunta sa presinto, naabutan niyang nagwawala si sara sa loob ng selda, lumapit siya dito.

" Lucas, buti dumating ka, wala akong kasalanan si lara ang nauna, pinagtanggol ko lang ang sarili ko." paliwanag nito.

" I don't believe you!... I trusted you, pero eto pa ang igaganti mo sakin, I only love you as a sister, un lang ang kaya kong ibigay sayo pero sinira mo pa! mabubulok ka dito sa kulungan. " sabi niya dito na galit na galit.

" mahal na mahal kita lucas, hindi ka mahal ni lara, bakit ba hindi mo maibigay ang pagmamahal mo sa akin?, ano bang na kay lara na siya pa ang napili mo?, diba magkakampi tayo laban sa kanya?"

" dati yun dahil mga bata pa tayo, pero ngayon iba na, iba na rin si lara, oras na may masamang mangyari kay lara alam mo ang kaya kung gawin kahit nasa loob ka ng kulungan!" banta niya dito at agad naglakad paalis.

Nagsisigaw si sara at tinatawag siya pero di na siya lumingon, agad siyang bumalik sa hospital.

Nilipat na si lara sa normal na kwarto, may dextrose eto at may bendana sa ulo na puti, may oxygen din nakalagay sa ilong at bibig nito.

Nilapitan niya eto at hinaplos sa pisngi, ayaw niyang mawala si lara sa buhay niya. Not now, dahil sigurado na siya sa nararamdaman niya, handa na siyang magsabi dito na mahal niya eto.

It's always been youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon