chapter 20

856 9 4
                                    

Nakauwi na sila kinabukasan, sila ni lucas ang nagsasalitan sa pag alaga kay baby liam at nakikipuyat din ito sa kanya.

Madalas rin ang dalaw ng magulang nito sa bahay nila para makasama si liam, may bahay din silang sarili dito sa mayanila, di na sila nagtanong pa tungkol sa kanila ni lucas. Bumalik na ang magulang ni lucas sa america pagkatapos ng isang buwan. Mabait ang mga eto, tinururing siyang anak din kaya sobrang natutuwa naman siya.

Habang Nasa nursery siya at hinahaplos niya ang pisngi kanyang anak, tulog na tulog ang kanyang anak ng lumapit naman si lucas.

" Salamat sa pagtulong sa pag alaga kay liam" bulong niya dito.

" We're the parents, besides I want to be with him all the time." malumanay ang boses nito.

" Lucas, pwede ko bang malaman ang plano mo ngayong meron na si liam?." lakas loob na tanong niya.

" let's talk this thing pag medyo lumaki na si liam, for now stay our baby needs you." sabi nito habang tinititigan pa rin ang kanyang anak.

Halos mahimatay siya sa sinabi nito, papaasa ba ulit?, halos hulog na hulog na ulit ang puso niya dito.

" I'm going back to work today, I will try to spend time with him as much as I can, bye." paalam nito at umalis na.

" ingat ka." Un lang ang nasabi niya, at tiningnan itong umalis na.

Madaling lumipas ang mga araw, mag tatatlong buwan na si liam, napakabibo ng baby nila, marami ng ingay ang nasasabi nito, nakakadapa na din ng maayos, parang nagmamadaling lumaki.

May dalawang yaya si baby liam, meron na agad pag uwi nila nun galing sa hospital pero halos siya pa rin ang nag aalaga kay liam, tinatawag niya lang ang mga yaya pag may kelangan niyang maligo o kumain, masayang masaya siyang alagaan ang kanilang anak.

Halos late naman pumapasok si lucas sa trabaho, minsan alas diyes o kaya'y minsan ay halos alas dose na. Nilalaro pa nito si liam sa umaga bago pumunta sa trabaho, maaga itong magising minsan at siya ang nagpapalit sa diaper at pajama ni liam, tatay na tatay din talaga.

Patuloy pa rin pormal ang turing nila sa isa't isa, nasanay na din siya, mas malumanay ding kausap si lucas kausap ngayon.

Minsang umaga ay naisipan niyang maglaro sa jacuzzi kasama si baby liam, dahil bumalik naman agad ang kanyang katawan kaya  kasya naman siguro ung bathing suit na meron siya, di pa nga niya nagagamit un noon eh dahil di siya marunong lumangoy, buti nalang may jacuzzi sa tabi ng swimming pool, dun nalang sila ni liam maglaro,  para may iba naman silang gawin ngayon.

Agad niyang sinout ang bathing suit niya na kulay black, hindi naman malalim ang pagka vneck nito kaya medyo kita lang ang taas ng kanyang dibdib saka siya naglagay ng topper na parang malaking t- shirt na manipis saka naman binihisan ng pangligo si liam, medyo siksik ang kanyang anak, malakas kasi magdede kaya cute na cute ito sa pangligo na pinasout niya.

Lumbas na sila at agad nagtampisaw sa jacuzzi. Tuwang tuwa naman si liam na nasa tubig, nilagyan niya ng salbabida na pang baby, ung nilalagay sa leeg at eto naman ay hampas ng hampas sa tubig gamit ang kamay at paa.

Nagising si lucas bandang alas nuwebe na dahil sa tawag ni greg, papunta na ito sa bahay nila dahil kelangan ang kanyang pirma bago pumunta sa isang meeting, si greg na ang papupuntahin niya doon.

Naligo siya at nagbihis ng polo at slacks, maya niya na ilalagay ang kanyang americana, pagpunta niya sa baba ay nagsabi siya sa katulong na sa veranda siya mgbrebrekfast kasama si greg, Pagpunta niya sa veranda ay nakita niya sa baba si lara at liam, nasa jacuzzi ang mga eto at lakas ng tawa ng dalawa, umahon konti si lara para kumuha ng ibang laruan para kay liam, napalunok siya sa nakita, sexy pa rin lara, walang bakas na nanganak, ang hot nito sa bathing suit nitong sout.

" ang ganda ng view noh?" Biglang nagsalita si greg na nasa tabi niya din at nakatingin kay lara.

" hangang kelan ba yang pagkatorpe mo?, andiyan na o! nasa harapan mo na just say the right words." dugtong pa nito.

" I'm not interestedin her, saka she already has a son saka siya magsusuot ng ganon." inis niyang sabi at tumalikod at agad bumaba para kausapin si lara.

Iniisip nalang ni greg, Hay naku another jelous issue from lucas, ayaw pang umamin, naawa na siya kay lara.

" ngayon ka ba talaga magbibilad ng katawan ngayong may anak ka na?" saad niya dito.

Lumingon si lara at si lucas ay nakatayo sa gilid ng jacuzzi  na tinititigan siya.

" anong mali sa sout ko eh nagswiswimming kami ni liam, saka wala na mang ibang tao dito, tayo tayo lang naman."

" wear a shorts or something not like that, masyadong revealing o talagang nagpapapansin ka lang?"

Uminot ang ulo niya sa narinig.

" pwede ba lucas, kanino naman ako magpapapansin eh halos tayo tayo lang naman dito" galit na din siya.

" If you want my attention eh huwag kang mag alala napapansin na kita ngayon?" sabi nitong nakangiti ng nakakaloko.

" bastos! hindi ako nagpapapansin sayo! "

" then go and put something more decent."

Tumayo siya at kinuha si liam binalot niya eto ng tuwalya saka niya binigay sa isang yaya at nilagay niya na ang topper niya.

" masaya ka na boss?, hayaan mo sa susunod eh magpapajama ako! " sabi niya sabay alis.

Bumabalik na naman ang ugali nitong nakakataas ng blood pressure!

Samantalang si lucas naman ay ngising ngisi sa inasal, balak niyang asarin si lara at naasar naman eto saka  ayaw niyang makita ng iba sa ganong sout si lara, pagkapasok nila lara ay sumunod siya at hinarap na si greg sa veranda, seryoso ang mukha niya kaya di na nagsalita pa si greg sa nasaksihan, pero sigurado siyang mahal ni lucas si lara.

Hay pag ibig nga naman, magkaiba ang nagagawa sa damdamin!

It's always been youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon