Chapter 17

783 11 0
                                    

Ilang araw nalang at malapit na ang prenatal chek up niya, malaki na talaga ang kanyan tiyan at maternity dress na rin ang nga sinusout niya, wala pa ring tawag mula kay lucas kung susunduin na ba siya o hindi, si greg lang ang mayat maya eh nangungumusta sa kanya. Pati pagkumusta sa kanya ay assistant na din ang gumagawa.

Paggumagalaw ang baby niya sa tiyan eh lalo siyang napapaisip kung kaya niya bang iwan ito, kaya niya bang hindi na ito makikita kahit kailan?, alam niyang maganda ang kinabukasan ng kanyang anak sa piling ni lucas, sigurado siya doon pero maraming katanungan sa kanyang isip at hindi niya alam ang sagot.

Pinag aagawan ng mga babae si lucas at ngayon ay dinadamay na siya. Ilang babae pa kaya ang susugod sa kanya o kayay makikilala.

Hinimas niya ang kanyang tiyan at kinausap eto.
" anak alam kong naririnig mo ako ngayon, lagi mong isipin mahal na mahal ka ni mama" sabi niya. Ilang buwan nalang at manganganak na siya.

Naglakad lakad siya konti sa hardin ng hasyenda at pabalik na siya sa mansyon, habang palapit siya ay nakita niya si lucas nakasandal sa gilid ng pinto ng mansyon, nakapolo ito ng puti na long sleeve na nakatupi sa may bandang siko at slacks na gray, nakasunglasses eto kaya halos mahimatay siya sa kagwapuhan nito.

" hi, dumating ka na pala?, di ka nagpasabi para hinintay kita." bati niya dito.

" it's ok, kadarating ko lang naman, actually tomorrow we will go back to manila, I just need to meet someone today. "

" investors ba ulit?" tanong niya.

"no, old friend and business parter din, how are you?"

" ok naman, ok naman kami."

" that's good, anyway I have to go, I'm not sure what time I will come back." sabay abot sa kanya at pinisil ang kanyang baba.

" ok, ingat ka" sabi niya, ayaw niyang ipahalata na nagseselos siya.

Tinitigan niya eto habang paalis, talagang sobrang gwapo nito, siguro si sara ang old friend na sinasabi nito, makikipagkita ito kay sara, kung girlfriend niya talaga si sara eh di niya masisi kung bakit ito galit sa kanya.

Akala niya pa mandin eh dumating eto dahil miss siya un pala may iba pang gustong makita dito sa probinsiya, dapat masanay na siya kaso hindi. Asang asa pa rin ang puso niya.

Inabala niya nalang ang kanyang sarili na tumulong konti kay aling marta sa pagluluto, dahil mas madals na siyang nagugutom ngayon.

Hanggang gumabi nga ay di umuwi si Lucas, umuwi na eto pasado alas dose na ng gabi, narinig niyang may lagaslas ng tubig sa banyo, dumiretsong naligo ito at nagtulugtulugan siya ng tumabi sa kanya, hinalikan nitoang kanyang tiyan saka tumalikod at natulog na rin.

Minulat niya ang kanyang mga mata, tinitigan niya ang pagtulog nito, halatang pagod na pagod kaya pinilit niya na ring matulog.

Agad silang lumuwas ng manila kinabukasan, at pumunta sila sa kanyang prenatal chek up, maayos naman lahat sa kanyang pagbubuntis, kaya masaya silang lumabas sa ospital, nagyaya kumain si lucas at umuoo naman siya.

Habang nasa restaurant sila ay natahimik siya ng may makita din siyang mag asawa na may baby ding kasama, nakapakasaya nilang tingnan, tumingin din si lucas sa tinitingnan niya at saka bumaling sa kanya.

" soon we will be like that." sabi nito.

" sino kaya ang kamukha ng baby natin?" tanong naman niya.

" kahit sinong kamukha sating dalawa eh for sure gwapo pa rin." sabay kindat sa kanya.

Namula naman siya, naudlot ang pagsasalita pa niya dahil dumating na ang pagkain, natakam siya kaya kumain na sila agad.

" Hindi ka ba busy today?, nailabas mo pa ko for lunch. "

" hindi naman, kaya naman na ni greg ung mga ibang bagay sa opisina, saka after this we will shop for our baby's staff, we need to get ready" tugon nito.

" ok, pwede ba akong mamili o may mga napili ka na?"

" actually wala akong idea, kaya ikaw nalang pumili."

" salamat" sagot niya dito.

Ngumiti naman eto sa kanya, pagkatapos nilang kumain ay pumunta sila sa mall, halos lahat ng nga gamit na binili nila ay mamahalin, pero parang wala lang ang presyo kay lucas, kuha lang din ng kuha ito sa mga nagugustuhan.

Napagod sila sa paglalakad kaya niyaya siya ni lucas na mag icecream sa isang cafe, magkaiba ang flavor na kinuha nila at minsan ay nakikitikim pa si lucas sa ice cream niya.

Kung titingnan sila ay para silang tunay na mag asawa, pag tinatawag siya ng mga saleslady na mrs, eh wala lang din kay lucas, seventh heaven talaga ang feeling.

Paalis na sila ng cafe ng makasalubong nila si Harry, binati siya nito at yumakap pa sa kanya saka tumingin kay lucas, matalim ang tingin ni lucas kay harry.

" kumusta lucas, naalala mo pa ba ako?" sabi nito at makikipagkamay kay lucas.

Inabot naman ni lucas ang kamay nito, halatang tinitimpi ni lucas ang galit nito samantalang si harry eh nakangiti naman, gusto niyang batukan ang kaibigan, naku akala mo eh lalaking lalaki.

Nagbitiw agad ng kamay ang dalawang lalaki at excuse naman siya kay lucas para kausapin saglit si harry sa gilid.

Pagkahila niya sa gilid ay agad niyang pinagsabihan eto.

"panira ka talaga, alam mo bang ngayon lang niya ako nilabas, kung umasta ka kala mo eh lalaking lalaki ka, galit si lucas sayo" sabi niya dito.

"nagseselos un, hayyy..ang gwapo talaga ng daddy ng baby mo, grabe ang gwapo ni lucas, panalong panalo ka" sagot nitong pa oa.

" bakla ka, maya masabi ko pa kuy lucas na bakla ka" sabi niyang natawa.

" naku huwag, alam mo namang sikretong natin to, kaya nga astang lalaki pa rin ako, alis na ako at baka maya masuntok pa ako ni lucas." sabi nito.

Lumapit sila kay lucas at nagpaalam na si harry dito at nagpahabol pa si ng salita.

" sabihan mo ako pag lalabas na si baby, so excited to meet him." sabi nitong excited ang itsura saka naglakad palayo.

Nawalan na ng gana si lucas na mamimili pa, hinila pa siya nito papunta sa sasakyan, ng naisakay siya nito ay umupo eto sa driver's seat.

" really you flirt with that man infront of me!" galit nitong sinabi sa kanya.

" bestfriend ko si harry, maayos naman siyang nakiharap sayo, ewan ko kung bakit ka galit sa kanya."

" I don't care what are you doing together but not infront of me! ilabas mo lang ang bata eh pwde mo ng gawin ang gusto mong gawin." sigaw pa nito sa kanya.

" Tama ka! dahil di ko narin masikmurang kasama ka, ikaw nga kung sino sinong babae ang kinakasama mo, pero sana lang pumili ka naman ng maayos na ina para sa anak ko" laban niya na din dito.

" who are you to advise and judge me?!, I just bought you to carry my child, you're nothing to me but just a girl who warm my bed and to give a child!" sabi nitong madiin sa kanya.

Naiiyak siya pero pinigilan niya sa sarili, ayaw na niyang umiyak sa harapan nito, iniiwas niya ang mga mata saka tumingin ulit dito. Masyadong masakit ang binitiwang salita nito sa kanya.

" andito na ang anak mo! hintayin nalang nating makalabas para matapos na ang ang kalokohan na ito o pagkakamaling ito." sagot niya din at tumitig din siya dito.

Umiwas ito ng tingin at agad nitong pinasibad ang sasakyang pauwi, pagdating sa bahay ay hindi na niya ito hinintay pa na pagbuksan siya ng pintuan, siya na ang nagbukas at pumasok sa loob ng bahay at agad naman etong umalis ng nasa nakapasok na siya.

It's always been youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon