chapter 19

828 14 1
                                    

Pormal na ang pakikitungo nila ni lucas sa isat isa, kukumustahin lamang siya pag paminsan minsan at ginagamit na nito ang guest room, pinalipat na rin nito ang gamit doon.

Malapit nga si lucas sa kanya pero di naman niya mahawakan, babad ito sa library pag weekend, kung minsan lalabas kasama ang mga kaibigan nito.

Sunday ngayon at gusto niyang magsimba kasama sila aling tessa, pagkatapos niyang naligo ay dumaan muna siya sa nursery.

Nagulat siya at nandoon si lucas, nagulat din ito, pero blangko ang mukha, halatang kagigising dahil naka t shirt ng plane white at pajama, gwapo pa rin ito sa ganitong itsura.

" sorry, akala ko walang tao." saad niya at aalis na ng biglang magsalita ito.

" are you going out?"

" oo, magchuchurch kami nila aling tessa." sabi niya.

" ok, be careful." sagot naman nito.

Pababa na siya ng hagdan ng biglang sumakit ang tiyan niya, tumigil siya konti pero tuloy tuloy pa rin ang sakit, manganganak na siguro siya.

" ahhhh...aling tessa tulong!" sigaw niya.

Dumating si aling tessa at pati si lucas.

" what's wrong?"

"lalabas na yata ang baby, ang sakit ng tiyan ko."

Binuhat siya ni lucas at sinakay sa sasakyan, agad namang kinuha ni aling tessa ang gamit na niready niya para gagamitin sa hospital ng baby at siya.

Pagdating sa hospital ay agad siyang pinahiga sa hospital bed at tinakbo sa delivery room, nasa tabi naman niya si lucas at hawak hawak ang kanyang kamay.

Habang Nasa delivery room na siya at pinipilit na ilabas ang baby, halos pagod na siya.

" mrs. Clarkson, mga dalawang push pa lalabas na si baby, nakikita ko na na ang kanyang ulo" sabi ng doktor sa kanya.

Halos pawis na pawis na siya at pagod, pero umere siya ng malakas na dalawang beses at narinig niya na ang iyak ng anak niya.

" A very healthy boy, congratulations mr. and mrs. clarkson" bati ng doktor.

agad pinatong sa may bandang dibdib niya ang anak nila, naiyak siya sa pagkakita sa anak, panay naman ang halik ni lucas sa kanyang buhok at hinaplos ang pisngi ng sanggol. Alam niyang masaya si lucas na makita din ang anak.

" excuse me po, lilinisan ko lang po si baby at pwde nyo na siyang makita sa nursery" sabi ng nurse at kinuha ang anak nila, sa sobrang pagod naman ay pumikit na siya at natulog.

Nagising siya sa iyak ng sanggol na naririnig niya, dumilat siya at nakita niya si lucas na sinasayaw ang baby nila, halos maiyak siya sa tuwa. Tiningnan niya ang paligid at nasa ibang kwarto na siya. Nilipat na pala siya sa kanyang private room.

" Lucas, baka gutom na si baby" sabi niya.

Binigay nito ang baby sa kanya at agad naman niyang pinadede. Halos gutom na gutom ang baby nila, ang bilis magdede.

Kumatok ang nurse at tinanong kong anong pangalan  ng bata.

Di naman siya nakasagot pero sumagot si Lucas.

" Liam James Clarkson, yan ang pangalan niya. " saad ni lucas.

Nagustuhan niya din ang pangalan na binigay ni lucas sa baby nila, napangiti siya habang kalong ito at panay ang dede.

Ng Umalis ang nurse eh nakatingin din si lucas sa baby nila.

" nasan sila aling tessa?"  basag niya sa katahimikan nila.

"pinauwi ko to get some stuff for me, soon my parents will come also my friends." sagot nito.

" ok, pwede bang magpabili ng food kung ok lang, sobrang nagugutom ako" request niya.

"may pagkain sa ref pinabili ko since morning, sobrang pagod ka kaya niref ko muna, I will just reheat it in the pantry." sabi nito at kinuha ang pagkain saka umalis.

Panay naman ang haplos niya sa baby liam nila, kamukhang kamukha ng ama, lucas na lucas.

Pagbalik ni lucas ay tamang tama namang tumigil sa pagdede ng anak nila kaya agad naman siyang kumain at pagkatapos ay nag banyo para magayos ng sarili konti.

Binaba ni lucas si baby liam sa crib malapit sa bed niya at tinulungan siyang humiga sa kama, nagkatitigan sila, para bang may gustong sabihin si lucas sa kanya.

At Biglang bumukas ang pintuan.

" wow, another baby contract ba ulit ang eksena na yan?" tudyo ni greg sa kanila.

Agad lumayo si lucas sa kanya at hinarap si greg.

" shut up" sabi nito dito.

Lumapit si greg sa baby at tinitigan ang baby.

" how amazing! lucas na lucas, mukhang kuko lang yata ang nakuha sayo lara." asar nito.

Tumawa naman siya sa sinabi nito pero seryoso lang si lucas.

Mayat maya ay nagdatingan ang mga kaibigan nito.
Nakilala niya na sila marco, prince at dumating din si seth.

Halos asaran ang mga ito, nakaformal attire lahat sila pero kung mag asaran ay akala mo mga teenager lang at mukhang lahat na yata ng kagwapuhan sa mundo ay sinalo na nilang lima, including greg pero si lucas pa rin ang pinakagwapo sa kanya. Panay ang mga halaklak ng mga ito, siya naman ay nakahiga sa kama at nakikinig lang sa kanila.

Nakita niya din ang other side of emotions ni lucas, normal makipag usap sa mga kaibigan. Bipolar talaga.
Di naman nagtagal ay nagpaalam na ang mga eto, kaya naiwan ulit silang tatlo. Pinadede niya ulit ang baby bago siya umidlip.

Nagising siyang si aling tessa na ang may karga kay liam.

" naku anak, ako muna kumarga kay baby at umidlip si lucas konti sa sasakyan, kahapon pa un walang tulog. "

Napangiti siya sa narinig, inalagaan siya nito at ang baby liam nila.

Kalong kalong niya ang baby, ng pumasok si lucas at may kasamang matandang lalaki na kamukha ni lucas at matandang babae na maganda pa rin kahit matanda na.

" my parents, mom, dad si lara and this is our baby liam." pakilala nito sa kanila.

Hinalikan naman siya ng mama ni lucas sa pisngi.

" nice meeting you lara, masikreto si lucas pero tama nga sila nakapaganda mo." puri nito sa kanya.

" salamat po. " at ngumiti siya.

Ngumiti naman ang ama ni lucas sa kanya, at kinarga agad ang bata.

" sa wakas nakapagbigay ka na din ng apo samin, so when is the wedding?" tanong nito sa kanila, halatang maawtoridad sa pananalita palang, nagmana siguro si lucas dito.

" We're still planning on that papa." sagot naman ni lucas.

Napatingin siya kay lucas, anong kasal ang sinasabi nito?, naguguluhan siya pero pinabayaan niya nalang saka niya kakausapin si lucas.

Magiliw na magiliw ang matatanda sa apo nila, tuwang tuwa sa sobrang cute ni liam.

Nagstay ang mga ito sa hospital ng halos gumabi na saka nagpaalam, hinatid naman si lucas sila.

Nagpahinga na rin siya, buti nalang mabait ang kanyang anak, basta busog ito eh natatahimik at meron naman si aling tessa na umaalalay sa kanya sa pagkarga.

It's always been youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon