" When the mother cry because of her child—that was the saddest part"
~Φ~
EDVARD NIKOLAI POV
Nagising ako dahil kay Paige.Medyo puyat at matamlay pako gusto ko pang matulog.I grab my clock at nakitang its 7:52 am na.Bigla kong naalala ang reaping ngayong araw pala yun bumalik naman kaba sa dibdib ko.Ang araw ito ang kinatatakutan ng lahat ng tao sa Panem maliban sa Capitol.Kitatakutan ng mga magulang baka mapili ang kanilang anak.Kinatatakutan ng mg bata.Para sa kanila ang pagiging tribute ay katapusan na ng yun buhay.
Maaring totoo dahil dalawa lang naman ang mapupuntahan mo kapag naging tribute ka.Una,mamatay sa Arena.Pangalawa,manalo at manirahan sa Victor Village.Dalawang tribute sa 12 distrito, isang babae,isang lalaki.Lahat ng tribute ay papasok sa arena para magpatayan labanan sa isat isa at makasurvive sa mga disaster na gagawin ng gamemaker.At ngayun ding araw na ito ang reaping day kung saan pipili sa bawat distrito ng tribute para ibaging kinatawan sa hunger games.
10:30 am ang oras ng reaping dito sa district .Lahat ng batang nagkakaedad ng 12-18 ay papasok sa reaping square para magsamasama.Dalawa ang mapipili isang babae isang lalaki, sa paamagitang ng pagbunot ng pangalan sa ball.
Ito ang pinakalast na reaping ko slash 18th birthday.May tatlong oras pa pero dahil sa reaping naging gawi na walang pasok sa lahat ng school at opesina.Lahat ng tao sa bawat bahay ay may kabang nararanasan.
Fast forward.......
10:00 am
Heto na dumating na ang oras.Nakaligo nako as usual summer tshirt ang pinapasoot para samin.Kumakain si papa at kinkausap ang pusa namin.Paalis nako at nagpaalam kay papa.
"Pa alis nako"
Palabas palang ako ng pinto hinihintay ko ang tugon nya.Wala padin patuloy nya kinakausap si Paige.
Huminga na muna ako ng malalim.
"Hindi po ako nakakasigurado na mamakabalik pako"Lumabas nako ng pinto.
Naglakad ng ilang step palayo na may kirot sa puso.Mga ilang saglit pa ay narinig ko na bumukas ang pinto lumingon ako at nakita si papa.
"Gabayan ka nawa" mahina nyang bilin.
"Meow" lumabas si Paige.At tumingin sakin.I smiled at tumalikod na.Nagsilabasan na ang ang tao sa kanikanilang bahay.Inihatid ng mg magulang ang mga bata sa reaping square.
"Ma ayaw ko please dont let me go there"
iyak ng batang babae."Shhh kalma lang anak reaping palang yun,maiwala ka hindi kanila aanuhin"
pakalma ng mama niya na napapaluha nadin.Ramdam ko ang nararamdaman ng ina.Para niyang inihuhulog ang kanyang anak sa bangin.Masakit para sa isang magulang na gawin ang bagay na ito.
"Anong ingay yan" suway ng isang peacekeeper.
"Halika na dito" hinila niya ang batang babae at alam kong nasasaktan ito.
"Mama...mama" iyak niyang sigaw.
Gusto kong tadyakan ang peacekeeper pero wala akong magagawa.Umiiyak ang bata ang bata na bumitaw sa kamay ng kangyan mama.Walang magagawa ang mama niya kundi hayaan ang bata.
Pumasok na kami sa reaping square.Maraming bata ang nagsisiiyakan.Siguro first time nila.Nasa labas naman ng square ang mga magulang na naawang habang kinakabahan baka isa sa kanilang anak ang mabunot.
BINABASA MO ANG
Tears And Blood (The 42nd Annual Hunger Games)
FanfictionBago paman naging tampok ang pangalan ng girl on fire na si Katniss Everdeen noong 74th Hunger game,maraming pangyayari at dugo ang bumuhos sa arena.Ang pangyayaring ito ay nangyari 33 years bago ang 2nd rebellion.Kilalanin ang kwento ng dalawang tr...