Chapter 17:Reminiscing

10 0 0
                                    

    
  

Habang naglalakad kami pabalik sa Hotel ay kulit naman ng kulit ang dalawang mag-jowa saakin tungkol sa nangyari saamin ni Hilaw.Naikwento ko naman sakanila pero hindi as in lahat.Malamang ni-limitihan ko ang mga kwento ko.Baka kung ano pa ang i-conclude ng dalawa na'yun no!

"Nich,iba talaga!Ang haba ng hair mo!Habulin kana pala ngayon ng mga magkambal!"panunuya ni Mae.

Si hilaw at ako?Big NO.

SAY YES pa ako kay Eion.

"Kaya pala kwento ng kwento si Eion saamin noon tungkol sa isang babae at ikaw pala 'yun!Ang haba talaga ng hair mo,Brad!"si Damon at nakipag-high five.

Gulat ako na napatingin sakanya.

"Ako?Kini-kwento niya?Sainyo?"hindi makapaniwalang tanong ko.

Nakangiting aso na tumango siya."Yup.Twing practice namin."

Bigla naman akong tinampal ni Mae habang tumitili.

"Nich,i-kmjs mo na 'yan!Tapos ang title Kambal na pagmamahal,o diba?Panalo 'yun!"

"Baliw kana!Damon,anong ginawa mo dito at parang nasobrahan na ata?"pangaasar ko.

Inirapan niya lang ako."Bahala ka!Basta kong ako papipiliin mas mabuti pang pag-isipan mo yan ng mabuti."

"Ewan ko sayo."

"Tsss.Tawagan muna lola mo."

Tumango lang ako at nang makapasok kami sa loob ng suite nina Mae ay nagtanggal ako ng jacket at inayos ang tali sa buhok ko bago ko idi-nial ang number ng lola ko at hinintay na sagutin niya ito.

"Hello,la?"

"Oh,nichole!Buti naman naisipan mong tumawag pagkatapos mong iwan ang kotse ng Mama mo sa Airport!"bungad niya agad saakin.

Shit!Nakalimutan ko nga pala!

"Sorry po,nakalimutan ko po kasi.Pero,don't worry wala naman pong gagalaw--"

"Walang gagalaw kasi naipakuha nasa Tito Francis mo!Jusko ko naman!Pati ba naman kotse burara ka parin?!"

Tsss!

"Sorry po talaga..."

"Atsaka ano itong nalaman ko sa Mama mo na one week kayo dyan sa Palawan?Jusko,nichole umayos ka dyan,huh?!Baka naman paguwe mo dito,buntis kana?!--"

"La naman!Nasa Resort naman kami nila Mae,eh!Wala naman akong gagawin!"sagot ko,hindi na nakapag-pigil.

"Bahala ka!Siguraduhin mo lang na makakapag-tapos ka!"sabi niya bago niya ako pinatayan.

Malalalim at malalakas ang mga bawat pagbuntong-hininga ko.

"Oh,ano na?"biglang sulpot ni Mae sa tabi ko.

"Ayun!As always akala niya may lalaki na naman ako!"sagot ko sabay buntong-hininga.

Bumusangot naman si Mae."Tsss..."

Napangisi lang ako sa reaksyon niya.Napahiga ako sa kama niya at sinubukan na matulog pero inuga-uga niya ako.

"Hoy!Wag kang matulog!Pupunta tayo sa Seafood Avenue,diba?"

Tinalikuran ko siya."Hindi ako matutulog.Magpapahinga lang."

"'Yan kasi!Nakipag-HHWW kapa!Tapos napagod kana agad?Tell me,ano pang ginawa niyo maliban--"

"Oh My God!Heto na naman tayo!"

Humalakhak naman siya."Ikaw,huh?!"

Inirapan ko siya."Ewan ko sayo."

 My First And Second NightWhere stories live. Discover now