After that hindi na lumabas sa kwarto si Zach at nang matapos kaming kumain ay umuwi narin si Mars sakanila para maka-prepare na.Naglilinis na ako ng kusina nang biglang bumulaga saakin si Zach sa pinto ng kusina.
"What is he doing here a while ago?"seryosong tanong niya.
"I invited him here."sagot ko."Atsaka dito ko na siya pina-breakfast."
Tumango siya."Okay.By the way happy birthday."
Ngumuso ako."Akala ko manenermon kalang buong araw.Buti naman naalala mo."
Napangisi siya."Ako paba makakalimot?Naunahan lang ako ng boyfriend mo sa greetings,eh."
"Ang sweet!"pang-aasar ko.
"Sasabihin ko'to kay Mama."banta niya.
Napasimangot ako."Reporter ka talaga ng bayan!Bahala kana nga!"
Pagkatapos nang pag-uusap namin na 'yun ay pumasok ako sa kwarto para makapagligo na at maka-prepare papauntang school.Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ako sa kwarto.Kinuha ko ang cellphone ko para matext na si Mars.
Ako:
Saan kana?
Wala pang isang minuto ay nagreply na siya.
Hilaw:
Malapit na ako sainyo.I'll be there in 5...4...3...2...
Nagulat ako ng biglang may bumusina sa gate namin.Mabilis ako na lumabas at pinuntahan siya.Nakita ko siyang lumabas sa kotse niya at nakangiting sinalubong ako.Inilahad niya saakin ang isang piraso ng bulaklak na hindi familliar saakin.Hindi siya Rose hindi rin tullips.
"Happy Birthday again,V."bati niya.
Napangiti ako."Thank you."
Nagkatitigan kaming dalawa.Naputol lang ng may narinig kaming biglang tumikhim sa gilid namin.At laking gulat ko na makita si Eion sa may bintana sa backseat na nakatingin lang saaming dalawa.Napabaling ako kay Mars at nakita kong nakangisi siya at kumindat saakin.Sinamaan ko siya ng tingin.
Dinala niya ako sa passenger seat at as expected may nakalagay na namang isang bote ng vitamilk doon.Awkward ako na umupo at hindi siya binalingan ng tingin hanggang sa maka-upo na siya sa driver seat at umusad na.Nagpapasalamat naman ako dahil wala ng nagsasalita pero ang hinayupak kong boyfriend hindi nakatiis.
"So may plano kana ba mamaya?"tanong niya.
Bumaling muna ako sa rear view mirror bago sumagot.
"Siguro ililibre ko nalang sina Mae,Apple,o Ella mamayang lunch o recess."sagot ko.
Tumango lang siya.
"What's up?Celebration?"biglang tanong ni Eion.
Bumaling ako sakanya sa likod at nakita kong saan siya nakatingin.
"Birthday ko."ako
"None of your bussiness."si Mars.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.Kahit kailan talaga!
"Ah!Is that so?Happy Birthday."nakangiting bati ni Eion.
Nakaka-awkward ang ngiti niya.
"Salamat.Gusto mo?Sama ka mamaya?Libre ko."aya ko sakanya.
Gulat naman na napabaling saakin si Mars.Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Of course!"
"No!"
Sabay nilang sagot.Tuluyan na akong naiinis kay Mars.Ang sama nito sa kapatid niya.Baliw talaga.
"Mars!"saway ko.
YOU ARE READING
My First And Second Night
Teen FictionDulot ng nakaraan niya natakot na siyang sumubok magmahal ulit. Hindi niya alam pero sa lahat ng lalaki na pinipilit ipa date sakanya ng kanyang kaibigan ay wala siyang maramdamang saya. Hindi niya maramdaman yung feeling na nararamdaman niya kay Za...