Sa 1 week namin ni Mars (Hilaw) never kung nasabi kay Mae ang tungkol sa totoong namamagitan saamin.Hanggang sa siya na 'tong nakapansin ng araw-araw akong dinadaanan ni Mars (Hilaw) sa classroom twing recess,lunch,dismissal o dikaya kapag may free time siya.Hindi na siguro nakapag-tiis ang gaga,nagtanong na.Thursday ng gabi ng tumawag siya para lang magtanong.
"Totoo ba talaga?Official na kayo?Sorry,unbelievable lang kasi!"paulit-ulit na tanong niya.
Umirap ako sa hangin."Ewan ko sayo.Hindi kaba marunong ma-satisfy sa sagot?"
"Ikaw naman kasi,eh!Isang linggo mong nilihim saakin!Kung hindi pa ako nagtanong ngayon baka hindi ka talaga magsasalita!"singhal niya.
"Hindi ko rin nga alam sakanya kung bakit niya ito naisip,eh!Basta ang sinabi niya saakin:I need you.You need me.Let's make it work."
Napahalakhak siya."Iba din!Grabing galawan 'yan,ha!Galawang hilaw."pang-aasar niya.
"Tsss.Ewan ko sayo!Magkwento ka naman ng tungkol sainyo ni Damon.Anong ganap sainyo ngayong araw?"tanong ko.
Sandaling natahimik siya at biglang ngumakngak.
"Hoy,anong drama 'yan?!"tanong ko.
"Ewan ko sayo!Nakalimutan muna agad?2nd monthsary namin kanina,diba?"pagmamaktol niya.
Nagulat ako sa sinabi niya."Ay!Sorry...Hindi naman kasi tayo magkasama buong klase kanina."
"Kasama mo kasi bebe mo!"singhal niya saakin."Pero by the way anong plano mo bukas?Wait anong date ba bukas?13 ngayon kaya....Ghaaaad!My dear friend,Advance happy birthday!"tumili siya.
"God,Mae!Naka-loudspeaker ka wag kang sumigaw!"
"Oppss,my bad!"at humalakhak siya.
Umirap lang ako kahit alam kong hindi niya naman makikita.
"So mangbo-blow out kaba?"tanong niya.
"Depende.Hindi pa tino-topak si Mama,eh."pagbibiro ko.
Tumawa siya."By the way alam ba'to ni Airon?"
"Hindi ko alam.Hindi naman namin napaguusapan 'yang mga ganyang bagay,eh."sagot ko.
Nagulat ako ng tumili siya ulit.
"Ano ba?!Ang ingay mo!"
"Hindi parin kasi ako makapaniwala.Dati grabi kayo magbangayan at mag-away tapos pumunta lang sa palawan biglang...Boom!Pagbalik kayo na!"nagpipigil na kilig niyang sinabi."Tell me,sweet ba siya?Ideal ba siya as a boyfriend?Nag-I love you naba kayo sa isat-isa?"sunod-sunod niyang tanong.
Napaisip naman ako."Well,sweet siya pero nako-corny-han ako,eh!Para siguro sa mga nangagarap sakanya Ideal siya pero par saakin naman,okay lang.And lastly,never kaming nagbatuhan ng I love you sa isat-isa."
"Ito naman!Pa-choosy ka,ha!Wala kabang ibang maramdaman sakanya?I mean katulad ng naramdaman mo nung last time na nainlove ka?"
Natahimik ako pero ilang segundo ay sumagot din.
"I dunno.Iba ang nararamdaman ko sakanya.Siguro dala narin sa bonding namin sa Palawan.Dalawang araw din kaming lagi magkasama kaya naman baka kumportable lang ako sakanya.Yun lang.Nagkasundo naman kami sa Palawan.Not until what happened.Then charaan!Ito na kinabagsakan namin."paliwanag ko.
"Pero ingat-ingat din dyan sa kumportableng sinasabi mo,ha?Baka hanap-hanapin muna 'yan at mauwi sa point na hindi mo alam na love na pala 'yan."tukso niya."Pero baka naman may nararamdaman kana.Indenial ka lang."dagdag niya.
I tsked."Umayos kanga!Paano naman naging Indenial,ha?Hindi ba pwedeng kumportable lang?"
"Ses!Natatakot kalang kasi na baka sa bilis ng pangyayari ganoon din kabilis matatapos lahat!Natatakot ka na kapag inamin mong mahal mo tapos binigay mo na naman lahat in the end maiiwan ka na naman.Katulad ng nangyari sainyo ni Zayn."
YOU ARE READING
My First And Second Night
Teen FictionDulot ng nakaraan niya natakot na siyang sumubok magmahal ulit. Hindi niya alam pero sa lahat ng lalaki na pinipilit ipa date sakanya ng kanyang kaibigan ay wala siyang maramdamang saya. Hindi niya maramdaman yung feeling na nararamdaman niya kay Za...