~FLASHBACK~
M-mark ? A-anong nangyari sayo? Bakit lasing na lasing ka nanaman?
Agad akong tumakbo palapit sa kanya. Nung nakita ko siya nakaupo sa harap ng bahay namin,lasing na lasing siya.Kagagaling ko lang kasi sa mall naglibot libot kasama ko ang mga kaibigan ko.Kaya nagulat ako ng makita ko siyang ganun.
Paglapit ko sakanya,Amoy alak at yosi nanaman siya. Nagsasalita siya at sumasagot siya sa mga tanong ko pero wala akong maintindihan dahil nga lasing na lasing siya at hindi na siya makapag salita ng maayos.
Inalalayan ko siya papasok ng bahay namin at hiniga ko siya sa may sofa buti na lang kinaya ko siya.Pinagmamasdan ko lang siya,Hindi ko alam kung anong gagawin ko sakanya,Lagi na lang siya ganito.
Oo lagi na lang,Alam ko naman na kung bakit naglasing nanaman itong mukong na'to ngaun eh.Tulad ng laging pag aaway nila Jess, Ang Girlfriend niya. Mabait naman si Jess, sadyang.....Ewan ko ba kung anong tamang word na gamitin..Hmm pero hindi na ako magpapaka-plastik.Malandi naman talaga ung Girlfriend niya, at ilang beses ko ng pinagsabihan c Mark kaso nga lang hindi siya nakikinig.
Naaawa na ako sakanya,sabi niya kasi sa'kin lahat ng tao sa buhay niya sinukuan na daw siya at ako na lang daw ang nagtya-tyaga sakanya.Hindi ko naman siya pinagtyatyagaan,Kaibigan ko naman kasi siya at hindi ko siya maiwanan.Maski kasi mama niya,sinukuan na siya.Pa'no ba naman kasi,hindi daw siya nakikinig kahit anung payo ng mama niya.
"Kristine...Kristine..." ungol niyang sabi habang natutulog siya, at ako nakaupo rito sa sahig sa tabi ng hinihigaan niyang sofa para mabantayan siya.
"Hay Mark,kailan ka ba magsasawa ? Kailangan ka ba magigising sa katotohanang hindi ka para sa babaeng yun?" malungkot kung sabi sakanya kahit hindi niya naririnig.
"Kristine..." nagulat ako nang bigla niyang binigkas ang pangalan ko,sigurado akong tulog siya at lasing, "S-sana ikaw nalang...Sana ikaw nalang Girlfriend ko."
Nung sinabi niya yun,sandali akong naptigil at tumingin sakanya.Dahil dun sa sinabi niya,nagsimula akong umasa.Kahit na alam kong hindi dapat.
Kinabukasan,nagising ako nung maramdaman kong bumagon siya sa sofa tapos ay naupo siya habang nakapatong ang noo niya sa kamay niya.May hangover pa siguro siya sa sobrang kalasingan niya.Hindi ko na rin napansin na dito na rin pala ako nakatulog sa tabi ng sofa sa kakabantay sa kanya.
"Anong ginagawa ko dito?" tanong niya sa'kin habang medyo umaaray pa siya sa sakit ng ulo niya. "Lasing nanaman ba ako kagabi?".
Tiningnan ko lang siya at unting unti ako tumango,Hmm pati siya nasanay na rin.Kabisado na rin niya ang sarili niya.Pag may problema siya,sa akin siya laging tumatakbo.. ahay :( .
Tumayo ako at pumunta sa kusina para ipagtimpla siya ng kape at nang mahimasmasan naman siya.Wala kasi kaming gamot para sa sakit ng ulo naubos na at hindi pa kmi nakakabili siguro mamaya na lang ako bibili.Bumalik ako sakanya at binigay ung kape at ininom naman na niya.
"Salamat.. Pasensya na Kristine,Ikaw na lang ang napupuntahan ko pag lasing ako,minsan hindi ko napapansin.Naaabala pa tuloy kita." malumanay niyang sabi.
"Hindi Mark,okay lang yun.Ano ka ba.Hindi ka naman iba sa akin eh.Kaibigan kita kaya ayos lang." ngiti kong sabi sakanya. "Ano bang nangyari? Nag away nanaman ba kayo ni Jess?".
"Alam mo na yun." simpleng niyang sagot sa akin na para bang ayaw niyang magkwento kaya hindi ko na lang siya tinanung ulit tungkol dun.
Alam ko naman kasi talaga,sanay na rin ako sa laging away nila.Kung hindi dahil sa walang oras si Jess para sakanya,dahil naman sa kalandian ng Girlfriend niya.Ewan ko sakanya,Basta matagal ko na siyang pinagsasabihan pero wala pa rin.Lagi nga siyang nagrereklamong nasasaktan na daw siya pero hindi naman niya maiwanan ang Girlfriend niya.. Bakit ba siya nagpapakatanga sa maling babae?..
Tumayo na siya sa sofa.Pagtayo niya medyo tumba tumba pa siya kaya inalalayan ko na lang siya.Umaayos naman siya ng tayo at nagpaalam na sa'kin.
"Sigurado ka ba Mark? Kasi baka mapano ka sa daan eh.Pwede ka nmang magpahinga muna dito sa bahay namin eh,tapos mamaya ka nalang umuwi kung gusto mo." sabi ko sakanya.
"Ikaw talaga." ginulo niya ung buhok ko," Hindi na.Aalis na talaga ako.Mumurahin nanaman ako ni mama eh dahil hindi nanaman ako nakauwe kagabi." sabi niya at tuluyan ng umalis.
A/N: To be continued :))... Comment & Vote.. sana nagustuhan niyo :)) ... Follow me :*
