Nandito ako sa bakery,nakaupo habang iniinom ko ang kape ko.Inantay ko kasi yung inorder kung 2 box of cupcakes.Ayaw kase ng gadgets nung pagbibigyan ko,mas gusto daw niya ang cupcakes well bata naman eh I understand. Birthday kasi nung kapatid ng---
"Kristine". rinig kong bigkas sa pangalan ko ng isang pamilyar na boses lalaki mula sa likod ko.
"Kristine ikaw nga ba yan?". pamilyar na boses,malinaw na malinaw pa sa akin kung sino tong taong ito.Pumikit muna ako ng mariin bago ako lumingon sa likuran ko,dahan dahan kung ibinaba ang iniinom kung kape, dahil parang mabibitawan ko ng wala sa oras ang tasa ng kapeng iniinom ko at mabitawan ng tuloyan ang aking kape dahil sa nararamdaman kung kaba at nginig na nararamdaman ko.
Pagtingin ko sa likuran ko,agad akong napatayo dhil sa pagkabigla. Hindi ko alam kung ano bang dapat kung ireact o gawin, Nung nakita ko kung sino ung taong iyon,magrereact nga ba ako o magwawalk out na lang sa bakery na ito,pero wala pa ung inorder kung cupcakes.Hmm bahala na nga....
"Uy Kristine,ikaw nga". sabi niya na para bang ang saya saya niya dahil nakita niya ako ulit pagkatapos ng ilang taon.Nagulat ako nung lumapit siya sa akin at bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit.
"Ang tagal na nating hindi nagkita,Kamusta kana?". tanong niya
Nung niyakap niya ako,hindi ko malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko saya at sakit.Para bang nabato ako at hindi makagalaw o makakibo man lang.Ano ba? , yayakapin ko rin ba siya pabalik? , pero buti na lang at bumitaw na agad siya sa pagkakayakap sa akin.
Nadsasalita siya,Kinakausap niya ako. Ngunit wala akong naiintindhan sa mga sinasabi niya para bang wala akong marinig na galing sakanya.Hindi ako makapag-focus sa mga sinasabi niya,naaalala ko kasi ung mga nangyari noon...Para bang nabingi ako sa mga tumatambak na alaala natin sa isip ko.
Bakit ba kasi nakita pa kita? Bakit ngayon pa? kung kailan malapit ko ng makalimutan ang nakaraan natin nuon,kung kailan malapit na sana akong maging masaya....Naaalala ko nanaman tuloy lahat ng nangyari nuon,Pati na rin nung, Kung paano mo ako niloko at ipinagpalit sa iba.
Ewan ko Mark. Akala ko kaya kuna, Akala ko sasaya na ulit ako pero bakit pag naaalala ko ang lahat, bumabalik lahat ng sakit na dinulot sa akin nung ginawa mo iyon. Ewan, kung Kamusta na ako?.
A/N: ano guys ?? nagustuhan niyo ba ?? comment lang kayo at Vote. .
abangan ang Flashback :)). . thank you . . follow me thank you :* or add me :)). .
@twitter: @itsmeaixa
@fb: alyssa callanta callanta
