~TC~

82 15 0
                                        

*KINABUKASAN*

Nagising ako ng wala na sa tabi ko si Mark. Siguro maagang umalis.Bumangon na ako at dumeritso na sa Banyo.

Buhos Dun

Buhos dito

Shampoo

Shampoo

Sabon

Sabon

Banlaw

Banlaw

Banlaw

Tapos na hahaha. :)). .

Punas dun

Punas dito

Hagis dun

Hagis dito

Hahaha ang kalat ko talaga. . Dii joke lang aayosin ko yan mamaya pag sinipag ako. At un na Nagbihis na ako at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ng Hagdanan diretso agad sa kusina. Ayun c mama naghahanda ng almusal.

"Good Morning ma :) , San c Mark ma?". tanong ko kay mama sabay beso sa kanya.

"Maagang siyang umalis anak eh.Bakit miss mo na siya?". may halong pang aasar ung tanong ni mama ahh.

"Pshh !! Ako?  Hindi ah". pagdedeny ko kay mama. hihihi :) kahit totou naman.

Tatlong araw na ang lumipas pero hindi ko pa rin nakikita si Mark. Hindi na rin siya pumupunta sa bahay,Hindi rin siya tumatawag o nagtetext .Nakakapagtaka at kinakabahan ako kasi madalas magtetext yun para kamustahin ako at tanungin kung kumain na ako at magpapaalam na tatambay siya dito sa bahay pagtatak ng alasyete ng gabi o kaya naman minsan bigla na lang magtetext na lumabas ako kasi nasa labas siya. Pero ngayon wala siya. Nakakalungkot, masyado na akong nasanay sa presensya niya,Hindi na ako sanay na wala siya sa tabi ko ko.

      Ang hirap man aminin mismo sakanya pero namimiss ko na talaga siya, Parang ang sarap sa ipagdasal sa Diyos na sana lagi na lang silang nag-aaway ng Girlfriend niya, sana lagi na lang siyang lasing para dito ang diretso niya para makasama ko siya araw-araw. Pero ayoko naman ng ng ganon.Kung saan masaya si Mark, Doon na rin ako maligaya. Kahit c Jess ang kaligayahan niya :(( . 

  Namimiss ko na talaga siya sobra miss na miss na kita Mark. Kelan ulit kaya kita makikita at makakasama. Ang hirap ng ganito Kaibigan mo lang pala ako.

*Kriiinnnngggggg

Nung biglang nag ring ang cellphone ko Nabuhayan ako ng loob nung nakita ko kung sino ung tumatawag. Kailangan ko pa bang sabihin kung sino siya ung tumatawag? hehe masyado akong natuwa kaya sinagot ko na agad.

*Convo*

"H-hello? " . ako

"Kristine, labas ka. Nandito ako." c Mark.

"Sige, teka lang." sabi ko at pinatay na ung tawag . bat parang ang lungkot ng boses niya may problema nanaman ba siya.

Mamaya ko na lang siguro siya tatanungin. Magpapalit mo na ako ng damit saglit, at pagkatapos tumingen ako sa salamin tas ngumiti. Lumabas na ako, pero bakit parabg kinakabahan ako na nalulungkot sa hindi malamang dahilan, hindi kasi maganda yung tono ng boses ni Mark kanina. Para bang may dinadala siyang problema na hindi na niya kaya , pero pinipilit pa rin niyang kayanin.

The Second Chance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon