Chapter [7]

32 1 0
                                    

 [7]

 = Sabrina Choi’s Point of View

Mabilis akong, tumakbo palabas ng Mansion namin. Wala na akong pakelam kung tinatawag pa ako ng lahat ng mga kasambahay namin sa loob ng mansion, Mala-driver man at mga katulong sa gawaing bahay at taga kawkaw ng pwet ng bulldogs namin. Basta ang mahalaga, makaiwas ako sa presensya nila mommy bago pa sila magising. Si mommy lang dapat at hindi dawit doon si Daddy. Dahil alam kung wala siyang alam sa mga nagiging desisyun ni mommy this pass few weeks. Kita naman iyon sa nagging reaksyon niya nitong isang gabi nung mag-didinner dapat kami na wala talaga siyang kamuwang-muwang doon sa nagging desisyun na mommy na ipa-engaged ako sa anak ng kaibigan niya. Pero dahil kilala ko si daddy at alam kung matigas din ang bungo niya ng katulad sakin. Idadawit ko nadin siya sa pagiging Ma-pride ko ‘kuno.Tsk! Mabuti nga at nagagawa ko pang umuwi sa mansion, kahit ganun na yung ngyari. Pero siguro kung ibang tao lang ang nasa katayuan ko ngayon, Malamang hindi na iyon uuwi sa mismong pinag-titirahan ng taong may pakana ng ganung sitwasyon at siguradong magiging rebelde na ito ng wala sa oras.

Pero kahit na nasaktan ako, dahil parang feeling ko ay ipinapamigay na ako ng sariling nanay ko sa ibang tao. Alam ko namang may purpose si mommy. Pero—teka lang ha! Seventeen palang ako, I’m not ready to get married kahit ba engagement lang ang mangyayari. Pero patungo din naman iyon doon eh. Shunga lang? Bakit pa nila ipapa-engage ang dalawang tao kung hindi din naman ito hahantong sa kasalan at dahil nga doon—hindi ako makakapayag at isa pa, alam ko naman na hindi rin hahayaan ni daddy na matuloy ang balak ni mommy. But I’m deeply sure that mas aayunan padin ni daddy si mommy kung alam niyang ito ang tama. Minsan kasi na-fefeel kung na-uunder nadin si daddy ni mommy. Pero wala naman siyang magagawa, at mas lalo namang wala akong magagawa dahil alam ko na ramdam ni mommy kung gaano siya kamahal ni daddy. Hayy! Ang drama naman ng buhay na parang life.

Nang makasakay na ako sa Itim na Ferrari, na siyang service ko tuwing schooldays. Doon lang bumukal sa kalooban ko ang salitang ‘kapayapaan. Grabe! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Talo pa yata nito ang High speed ng Ferrari na sinasakyan ko ngayon.

Nang makarating na kami sa may Empire School at nai-parking na ni Manong Dan yung Ferrari. Agad akong bumaba, pero habang nakatayo ako at tinitignan ko ang repleksyon ko sa may salamin ng sasakyan. Ramdam kung may nag-mamasid sakin. Kaya pasimple akong humarap dito.

At ng makaharap na ako dito—Halos matameme ako ng wala sa oras. Syemass! Kung ganito sana araw araw, edi walang badvibes na magaganap—Argh! Ano ba tung mga pinag-iisip isip ko. Para na talaga akong na-prapraning. Pero promise! Ang gwapo. I mean—May gwapo.

Pasimple akong nag-lalakad pero medyo na-sisight ko padin siya. He’s wearing a simple plain Maroon V-neck shirt at Jeans, Tapos naka Vans din ito na kulay maroon. Woooah! Hindi naman siya mahilig sa maroon, anoh? But wait—someones reminding that maroon-maroon color of that. Si Jerald ba yun?—AH hindi, Herald. Oo! Herald is his name.

Habang nag-lalakad ako, Feeling ko masusubsob na ako ng wala sa oras. Grabe! Sanay naman akong may taong tumititig sakin, kahit anong ginagawa ko. But—This is so ‘Iba. I mean ‘Iba ang impact. Yung mga ganung effect na parang nakaka ‘Impakta. Basta! Iba talaga yung impact nung mga titig na binibitawan niya eh. Parang may super glue na pweding makapag-dikit sa mga paa ko at sa mga titig niya.

Napayuko nalang ako ng wala sa oras at halos umakyat na ang lahat ng Red Blood cells ko at mag-mistulang Tomatos dahil sa sobrang pula. Shet! Nakakahiya. Nakakaloka! Ngayon ko lang napag-tanto na, iba pala yung naisuot kung sapin sa mga paa. Imbis kasi na yung pang school kung shoes ang maisuot ko, ay yung sneckers ko ang naisuot. Lentek ne left des.

Mas binilisan ko na yung lakad ko, hanggang makarating ako sa may Elevator. Shet again! Hindi ko ma-imagine ang look ko, na naka-business management uniform na yung skirts ay above the knee lang, tapos naka-sneckers. What the fvdge diba?

Because It's You [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon