Chapter [16]

20 0 0
                                    

[16]

= Sabrina Choi’s Point of View

Kanina pa natapos ang Dinner namin sa may Sea Side. Masaya naman ang kinalabasan kahit nagging awkward sa huli. Nandidito ako ngayon sa may veranda ng Unit namin ni Ate Vincy. Nagpapahangin, Nag-iisip isip. Ang dami kasing gumugulo sa utak ko. May mga pangyayari nalang kasi na biglang susulpot sa utak ko. Ang daming tanong na hindi ko naman maintindihan kung bakit kinakailangan ko ng kasagutan. Nakaka-stress!

Bigla akong napabaliktwas ng upo sa kinauupuanan ko, ng marinig ko ang boses ni Ate Vicky na papalapit sa kinaroroonan ko dito sa may Veranda.

“ Hey. Sabrina, Pinapatawag ka ng jowa mo ah. Nasa may lobby siya ngayon at hinihintay ka.”

Napatingin ako kay Ate Vincy at binigyan siya ng nag-tatakang mukha. “ Huh? “ Jowa?

“ I said, your boyfriend is waiting for you downstair. Kaya shupi-shupi kana….Dali!! baka mamaya maagawan kapa ng iba duon kapag hindi kappa bumaba, Bahala ka. “ At binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

Hindi ko alam. Pero agad akong napatayo sa kinauupuanan ko na ikinatuwa naman ni Ate Vincy at malamang ay ikinagulat ko naman. What the—.

Lumabas na ako sa Unit namin ni Ate Vincy at agad sumakay sa may elevator ng bumukas na ito. Jowa? Nasa may lobby daw siya ngayon at hinihintay ako? Adik talaga si Ate Vincy kahit kailan. Hayyyyy!

Nang bumukas na ang Elevator na sinakyan ko papunta sa may lobby dito sa may Hotel Resort na tinutuluyan namin. Agad akong lumabas dito at lumakad papalapit duon. papalapit palang ako ng biglang may sumalubong sakin. Isa sa mga stuffs nila dito.

“ Ma’am, ito daw po yung key ng Unit ni Mr.Hwangly. Pinapabigay niya po sa’inyo para kayo nalang daw po ang pumunta doon.”

Huh? Tumango ako. “ Okay. “ Kinuha ko na sakaniya yung susi.

“ Sa eight floor po, Ma’am.”

Tumango ulit ako dito at ngumiti. “ Thanks! “ I said.

“ This way ma’am.” Ni-lead niya naman ako ng way, dahil hindi daw sa mismong main elevator ako sasakay. May sarili daw kasing elevator ang floor nila. Sosyal.

Hinintay kong mag bukas yung elevator. Nang bumukas na ito. Agad akong sumakay. Nang huminto na ito sa may 13th floor. Lumabas na ako ng elevator. Namangha ako sa mga nakikita ko ngayon. As in wow!

Sa floor kasi na ito. Meron silang sariling elevator na only direct sa Floor na ito. As in pinasadya lang talaga ang floor na ito. Ang sossy nila Kutong lupa nuh—syempre sila ang may-ari eh. This floor is elegant. Dahil pagkalabas na pagkalabas mo palang ng floor ay bubungad na agad sayo ang dalawang signboard na may design Guitars sa may Middle walls nila. Nakalagay ang ‘Left way and Righ way. Tapos nakita ko din ang mga ilaw na nakadikit lang sa may Walls. By apart ang pwesto ng mga ito. Lahat sila naka-sindi. Tapos ang walls. May design na formal black and white. Stunning! Habang nag-lalakad ako. May nakita akong Four double doors. Saan ba ang Unit ni Kutong Lupa? Hinayupak yun. Ano bang kailangan niya sakin? Tibay niya ha! Siye may kailangan pero ako pa ang pumunta sakaniya. Kapalmuks!

Tumingin ako sa may First door na nakita ko. Double door siya at color white ang kulay nito at may Golden knob. Napatingin ako sa may Itaas nito. May placard na may design na Electric guitar at may nakalagay na. ‘Try to disturb me. Your gonne face the hell’. Scary! Lumakad ulit ako para tignan yung isa pang pinto na katabi lang nung una kung tinignan. Ganun din ang angulo. At May placard din na may design Drum, pero Iba nga lang ang message na naka-sulat duon. ‘ONLI MAI’ PRENDS KEN ALAWD TU IN HIR.’ Napasinghap ako sa hangin dahil nag-pipigil ako ng tawa. Naydanang TAGALOG yan. Pfft. Sunod kung tinignan yung isa pang pintuan. May placard din at Piano naman ang Design at nakalagay na, ‘Godbless’. Amen! Tapos lastly.Isang pintuan nalang itong natitira. Ganun din ang angulo ng design ng door and takenote, may Placard din tulad nung tatlong pintuan na tinignan ko. May design yung placard na Microphone at nakalagay na ‘ZHPH. Huh? Bakit parang Familiar na ewan. Nah! Ano ba yan? Saan ba dito ang Unit ni kutong lupa.

Because It's You [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon