Chapter [13]

24 1 0
                                    

[13]

= Manager Carlo’s Point of View

“ Zild, Dalian mo kuhanan mo na sila ng pictures. Kahit 1000 shots lang. “

“ Tarantado ka ba, Zero? Ang dami nun masyado. Maawa ka naman daw sa DSLR ko. “

“ Eeeeh…Basta ako ang bahala sa DSLR Camera mo. Tritriplehin ko pa yang camerang iyan kapag-nafull dahil sa mga shots nila. Basta picturan mo nalang. “

“ Talaga? Pero paano kung mahiuli tayo ni Zins. Paniguradong magagalit yun. “

“ Ano kaba naman Zild. Lalaki kaba talaga? Bakit natatakot ka diyan kay Zins? “

“ Eh kilala mo din naman siya diba? Iba siya magalit. “

“ Oo nga. Pero ano? Ipagpapalit mo ba ang TATLONG kapalit ng DSLR mo, o Pipicturan silang dalawa ngayon? “

“ Hmm. Sige na nga. Wait! “

And I just fell some flash na nag-rereflect sa buong sasakyan at yung tunog ng camera. Napatingin ako sa may likuran. Nakita ko ang dalawang loko-loko na nag-pipicture. Pero mukhang may kalokohan nanaman silang ginagawa kaya sumingit ako.

“ Hoy. Ano yan? “ Tanong ko.

Bigla silang napaharap sakin. “ Ssssh. Wag kang maingay manager. “ Sabi nitong si Zero. Habang si Zild naman ay ibinalik niya ulit ang attention niya sa pag-pipicture.

“ Ano nga yan? “ Pag-uulit ko sa tanong ko.

Humarap ulit silang dalawa sakin. Nakatalikod kasi sila sa part ko. Diba nga nasa may tabi ako ng Personal Driver namin. Tapos sila naman ay nasa may likuran ko lang. Tapos ngayon ay nakatalikod sila sakin dahil mukhang may ginagawa nanaman silang kalokohan. At iyon ang gusto kung malaman.

Humarap silang dalawa sakin na may nakakalokong ngiti. “ Look manager…” at bigla silang gumilid sa pagkaka-sampa sa kinauupuanan nila dito sa may sasakyan at nglaki ang mga mata ko ng Makita ko kung ano yung pinag-kakaabalahan nila.

“ Naka-moveon na talaga si Zins. “ Sabay sabay kaming napatingin sa nag-salita. It’s Zander.

“ Paano mo naman nasabi yan Zander? “ Takang tanong ko.

Bigla naman sumingit itong si Zero. “ Hindi mo ba nakikita manager? May GIRLFRIEND na oh. Ibig sabihin, Naka-moveon na. As in MOVE-ON “

Napailing nalang ako. “ Kung sabagay..” at bumuntong hininga nalang ako.

Pero may isang bagay pa akong ikinakabahala eh. Zins is my Cousin. We are relatives. At hindi naman sa hindi ko sinasangayunan ang relasyon nila ngayon ni Sabrina. Pero ang ikinakabahala ko ay ano nalang niyan ang mgyayari kung malaman ito ng ibang tao? Ng mga media? Lalo na ng Kapatid ko. Si Kevin. Alam kung may mgyayaring hindi maganda. Kaya hanggang maaga palang ay dapat magapan na ito. Ayaw kung Makita nalang na, ang kapatid ko at ang pinsan ko ay magkakaroon ng aberya dahil lang sa iisang babae.

Yes. Kaya kilala ko si Sabby ay dahil siya ang dating Girlfriend ni Kevin. Nang kapatid ko. Kilala ko na siya dahil minsan na siyang ipinakilala samin ni Kevin si Sabrina. Ang alam ko, Halos umabot ang relasyon nila ng Dalawang taon. Pero na’wala nalang iyon ng parang bula. Hindi ko alam ang buong istorya nila ng kapatid ko. Pero ang nasabi lang sakin ni Kevin, ay malaking ang pagsisisi niya ng hinyaan niyang masira ang relasyon nila dahil sa pagsama nito sa Amerika.

Alam ko ang pinag-daanan ng kapatid ko simula ng mag-hiwalay sila ni Sabby. Alam ko kung gaano niya kamahal ito dahil halos, masira ang buhay niya ng mangyari ang hiwalayan nilang dalawa, dalawang taon na ang nakalilipas. Simula kasi ng sumama siya sa’amin sa Amerika ay nagging iba na siya. Parang ibang John Kevin Park ang naisama namin sa Amerika nila mommy. Maski ang parents namin ay alam nila na malaki ang pinagbago ni Kevin. Ibang Kevin kasi ang nakasama namin sa amerika sa loob ng Dalawang taon na iyon. Ibang iba ang Kevin na mahilig ngumiti at tumawa kahit alam mo ng may problema siyang dinadala. Pero yung Kevin na nakasama namin sa Amerika sa loob ng dalawang taon ay hindi ngumingiti at kailanman ay hindi magawang patawanin tulad ng dati. Ang Kevin ngayon ay malayong malayo na sa dati. Si kevin kasi yung tipo ng taong maingay, dahil hindi siya komportable kung tahimik lang ang paligid niya at lalo ng kung ramdam niyang may tensyong namamagitan. Pero ngayon, Hindi na siya palaimik. Laging nag-iisa habang tulala at nakatingin lang sa malayo. Sa medaling salita. Parang nawalan ng Buhay ang Kevin ngayon.

Because It's You [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon