SIRENA 3

460 21 1
                                    

SARAH'S POV

"Ate Sarah! Gising na po! Kakain na daw tayo sabi ni Mama."

Napabangon naman ako nang marinig ko ang boses ni Yanyan sa tabi ko.

"Hmmm. Sige."

Nauna na siyang tumayo at sumunod naman ako sa kanya.

Pagkababa namin ay nakahanda na ang mga pagkain sa kanilang mesa.

"Good morning Mama!" masiglang sabi ni Yanyan sabay halik sa pisngi ng kanyang ina.

Good morning? Ibang lenggwahe na naman ba iyan?

"Good morning din baby! Tawagin mo na ang Kuya mo."

"Ok po." at tumakbo na siya papunta sa itaas.

"Oh Sarah hija! Good morning din sayo." nakangiti niyang sabi.

"A-ahh. G-good M-mooorning??" nag aalangan kong sabi.

"Halika dito, Sarah hija. Kumain na tayo." pag anyaya niya sa akin kaya umupo nalang ako sa upuan na nasa katapat niya.

"Ahmm. Paano mo nga po pala nalaman ang pangalan ko?" tanong ko matapos umupo.

"Sinabi sa akin ni Yanyan. Kwentuhan mo naman kami ng tungkol sa buhay mo hija."

Ito na naman po tayoooo! Ano bang ikukwento ko. Hindi nila pwedeng malaman ang totoo.

"A-ahhm." anong sasabihin ko?

"Good morning Mom."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses na iyon. WALA KAYONG NABABASA. HEHE.

"Yehey! Complete na tayo! Hehe." pagpupugay ni Baby Yanyan.

Umupo naman yung lalaking tagalupa sa tabi ni Mama----ayy ang ibig kong sabihin ay sa matandang tagalupa.

Tumabi naman sa akin si Baby Yanyan na abot tainga ang ngiti.

"Good morning Kiel. Oh, hindi mo ba babatiin ang ating magandang bisita?"

Pagbati pala yung 'Good Morning'. Ahhh.

Tinignan naman ako ni Mama---ayys matandang tagalupa. At nakangisi siya ng nakakaloko ngayon.

"Oh! A-ahmm. Good morning Sarah."

*dugdug!*

Bati niya at ngumiti.

*dugdug!*

ALAM NIYA ANG PANGALAN KOOO! KINILIG YATA AKO----HALA!? WALA KAYONG NABABASA DIBA? WALA!

"G-good M-m-morning."

Hala!? Bakit ako nauutal!? Nakakahiyaaaa!

"Kyaaaaaaaah! Oh my G! Ang sweet niyo Ate Sarah! Kuya Kiel! Ayieeee! RahKiel! Waaaaaah! Bagay!"

Nagtataka ko namang tinignan si Yanyan sa tabi ko dahil para siyang nasiraan ng bait at hinahampas pa ako.

Ano bang pinagsasabi niya? Sweet? RahKiel? Hindi ko maintindihan. Huhu

"Baliw." narinig kong komento ni Kiel sa kanyang nakababatang kapatid.

Oh diba!? ALAM KO NA DIN ANG PANGALAN NIYAAA---*ehem* *ehem* Mali po yung nabasa niyo. Hehe.

"Ayieeee Kuya! Ate! Hihihihi!"

"Shut up Yana."

"Oh tama na yan. Magdasal muna tayo." saway ng matandang tagalupa sa kanila.

Sarah SirenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon