SARAH'S POV
-OCEANIA-
MUNDO NG MGA SIRENA
*Sa kaharian ng Shraildehia Sirenians*
"Anoooo!? Hindi niyo parin nahahanap ang aking kapatid sa mundo ng mga tao!? Mga wala kayong kwenta! Tsk! Lumayas kayo sa aking harapan!" sigaw ng aking kapatid sa dalawang inutusan niya.
Pinapahanap niya pala ako ha?
Nandito ako ngayon sa aming palasyo at nagtatago sa isang sulok. Pinapunta ko muna si Potchi sa Colugania para ipaalam kina ama at ina na nagbabalik na kami. Minabuti kong itago ang aking presensya at nagpanggap na isang dama upang hindi ako madaling mahuhuli.
"Kamahalan. Huwag niyo nang ipahanap ang iyong kapatid sa mundo ng mga tagalupa. Sapagkat, may nagsabi sa akin na may nakakita sa kanya na papunta rito." pag-uulat ng bagong dating na si Harliwa.
"Magandang balita! Hahahaha! Nagbalik na pala siya dito? Hahahaha! Siya na mismo ang lumapit sa kanyang kamatayan. HAHAHAHA!"
Kaya pala pinahanap mo ako ha? Para patayin!? Pwes, hindi ako natatakot sayo aking kapatid.
Makikinig pa sana ako sa pinag-uusapan nilang dalawa kaya lang may nakita akong papalapit sa aking pwesto.
"Hindi ko na talaga gusto ang pamamalakad ng Mahal na Reyna Sarahadifia na yan."
"Oo nga. Ako din. Sa una lang siya mabait sa atin nung nagpakorona siya bilang reyna."
"At nagsisinungaling lang pala siya sa atin. Kinulong niya pala ang nakatataas na hari at reyna para siya ang magiging reyna."
"Ang sama-sama niya talaga."
"Naku. Sinabi mo pa."
"Ssssh. Hinaan niyo boses niyo. Baka marinig tayo. Nasa bulwagan pa naman tayo."
Rinig kong bulung-bulungan ng tatlong damang dumaan. Patungo sila sa kaliwang bahagi at bumaba. Sa pagkakaalam ko ay yun ang silid ng mga dama ng kaharian.
Reyna ka na pala ngayon dito kapatid. Naabot mo na rin ang iyong pangarap. Ngunit, hindi kita papayagan na magtagal sa iyong pwesto sapagkat hindi iyan para sa iyo. At hindi rin iyan ang nararapat para sa isang masama at sakim na katulad mo.
Lumabas ako sa aking pinagtataguan at maingat na sinundan ang tatlong dama na dumaan kanina.
Nakita ko naman silang papasok sa kanilang silid. At magkakasama pala sila sa isang silid.
Agad din akong pumasok at nagulat naman silang tatlo sa biglaan kong pagpasok sa kanilang silid.
"Sino ka!?" sabay-sabay nilang tanong.
"Anong pakay mo sa amin?" natatakot na tanong ng isa sa kanan.
"Bakit ka nandito sa aming silid?" tanong naman nung nasa gitna
"Ah! Teka! Huwag kayong matakot sa akin." sabi ko at tinanggal ang pag aanyo ko bilang dama.
Nagulat naman sila at agad na yumuko.
"Mahal na Prinsesa Sarahdlia." sabay nilang sabi.
"Ssssh. Wag niyong lakasan ang inyong mga boses." bilin ko at sinirado ng maayos ang pintuan.
Kinausap ko sila at nanghingi ng kaunting impormasyon tungkol sa mga ginawa ng aking kapatid. Napag alaman kong kinulong din niya ang membro ng konseho pati na ang lahat ng katiwala ni ama at ina. Pinatapon din niya sa malayong lugar ang aking dama na si Fhina.
BINABASA MO ANG
Sarah Sirena
FantasyA story about the adventure of a mermaid in the world of humans.😉💖