SIRENA 5

372 21 0
                                    

SARAH'S POV

"Whaaaaaaaat!? Nooooo! Hindi maaari! Hindi pa kami nagbreak ni Kiel tapos may asawa na pala siya!? Hell no!"

Napabangon ako nang marinig ang napakaingay at nakakarindi na boses na iyon.

Halaaaa!? Sino kaya yon?

"Nasaan ang babaeng yan!?"

Sino kayang hinahanap niya?

Tumayo ako at pumunta sa baba.

"Argh! Sino bayang babaeng yan? Mas maganda ba yan kesa saki--- oh! Is that her!?"

"Hi Ate Sarah! Good Morning po!" sabay yakap sa akin ni Yanyan.

"Sino ang taong iyan, Yanyan?" bulong ko sa kanya.

"Ahm. Si Ate Clarisse, girlfriend po yan ni Kuya Kiel Ate Sarah."

Girlfriend? Ano yun?

"Ano'ng girlfriend?" pabulong kong tanong.

"K-kasintahan po."

"Hey! You bitch!" lumapit ng kaunti yung babae at tinuro ako.

"H-ha?"

Ano'ng sinasabi niya? Galit yata siya sa akin.

"Ikaw ba ang sinasabi ni Tita Martha na asawa ni Kiel ko!?" pasigaw at galit niyang tanong sa mukha ko.

Sa mukha ko talaga eh? Ano'ng akala ng taong to? Hindi ako nakakarinig? Tsaka ano bang pinagsasabi niya na asawa? Ako? Asawa ni Kiel?

"A-anong pinagsasabi mo?"

"Ate Sarah. Sabihin mo nalang na asawa ka ni Kuya para tantanan na siya ng babaeng yan. Ayaw talaga namin sa kanya. Napakabad niya eh." bulong ni Yanyan sa akin na nasa likod ko pala.

"Totoo ba na asawa ka ni Kiel ko?" tanong niya at tinignan ang buong hitsura ko.

"Hmmm. Hindi naman siguro ikaw yung tipo ng babae ni Kiel eh. Maganda ka nga pero look at your fashion, your like a trash. Ewws" dagdag niya at parang nandidiri sa akin.

Pinagsasabi niya? Ba't siya mandidiri sa akin.

"Sige na Ate. Sabihin mo na." bulong ni Yanyan.

"Ang ano?"

"Na asawa ka ni Kuya. Sige na please *pout*."

Haaaaay.

"Sige na nga."

Sabi ko at bumaling sa babaeng nakatayo sa harap ko.

Maganda nga siya at maganda din ang kanyang pananamit ngunit parang masama nga ang ugali niya.

"Oo. A-ako ang asawa niya." deretso kong sabi.

"Tss. Hahahaha wag mokong lokohin gurl. Ginagrab mo lang siguro ang chance para magpanggap na asawa ni Kiel ko at look at your finger? Wala ka namang singsing. So, nice tr---

"Kahit wala siyang singsing na suot, asawa ko pa din siya."

Naputol ang pinagsasabi ni Clarisse daw dahil biglang sumulpot sa gilid ko si Kiel.

*dugdug!*

Waaaah! Ang puso k---*ehem!*

"W-whaaaaat!? Oh? Kiel honey! Oh my gash! Sabi ko na nga ba you're here!"

Akmang yayakapin na sana niya si Kiel ngunit bigla akong niyakap ni Kiel.

*dugdug!*

Sarah SirenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon