SIRENA 8 (Special Chapter)

369 16 0
                                    

SARAHA'S POV

-OCEANIA-

MUNDO NG MGA SIRENA

*Sa kaharian ng Shraildehia Sirenians*
(A/N: Pronounced as 'SHRAYLDYA SIRENYANS')

"A-anak!? Bakit? Nagkulang ba kami sa iyo? Bakit mo ito nagawa?" naiiyak na tanong ni Sarmhena.

(A/N :Sarmhena is pronounced as 'SARMENA' silent h po siya hehe)

Kung sino si Sarmhena? Siya lang naman ang ina ko. Tsk.

"Tumahimik ka! Ang ingay mo!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi ikaw ang anak namin! Hindi ganito ang mahal naming anak na si Saraha!" sumbat ni Dhraldio.

(A/N: Silent h na naman po, 'DRALDYO' hehe patuloy na kayo.)

Siya naman ang aking ama.

"Mahal!? Tss! Hindi nga naman ninyo ako mahal! Si Sarahdlia lang naman ang itinuring niyong anak at siya lang din ang inyong mahal!" galit kong sigaw sa kanila.

Patukoy ko kay Sarah. Sarahdlia ang tunay niyang pangalan at Sarahadifia ang akin.

Ohh. Bakit ba ako nagpapaliwanag!? Tsk!

"Siya nalang palagi! Siya ang magaling! Siya ang karapatdapat! Siya ang mahusay sa lahat! Siya lang! Siya lang ang anak niyo! Siya laaaaaang!" galit kong sigaw at ikinumpas sa direksyon nila ang mahiwagang trident dahil sa sobrang inis.

May lumabas na itim na kuryente galing sa trident at nakuryente naman silang dalawa.

HAHAHAHA! Magdusa kayo!

"A-anak! Huwag! Maawa ka sa amin ng ama mo! At sa magiging sunod mong kapatid!"

"Itigil mo na ang kahibangan mong to anak!"

"Tss! Higpitan niyo ang pagbabantay sa kanila!" utos ko sa mga kawal at ibinaba ang mahiwagang trident.

"A-anaaaaak! Wag mo sanang saktan ang iyong kapatid na si Sarahdlia!" narinig kong sigaw ni Sarmhena bago ako makaalis.

Tsk! Hindi ko siya sasaktan! Dahil papatayin ko siya!

"Harliwa! Magpatawag ka ng malaking pagpupulong sa konseho! Ngayon din!" pasigaw na utos ko sa aking dama na nakasunod lang sa akin.

"Masusunod po kamahalan." narinig kong tugon niya bago ako pumasok sa aking silid.

Lumangoy ako patungo sa sekretong taguan na nasa aking silid.

Tsk! Ang dilim naman dito!

Ikinumpas ko ang mahiwagang trident at lumiwanag naman ang buong paligid.

"Haha! Mabuti naman at nagtagumpay kang kunin iyan sa kamay ng iyong ama. Haha!" bungad niya sa akin.

"Haaay. Ang dali lang naman pala eh. At dahil iyon sa tulong mo." sabi ko at lumapit sa kinaroroonan niya.

"Haha! At ngayong nakuha mo na iyan. Maaari bang gamitin mo na iyan upang mapakawalan mo na ako rito?" tanong niya.

Tsk! Asa ka naman matanda! HAHAHAHA!

"Oh. Ano na?" tanong niya.

Pasensya ngunit hindi matutupad ang nasa usapan natin matanda! HAHAHA!

"A-ahhm. H-hindi muna maaari sa ngayon, Ursaileta. Baka makahalata pa ang lahat ng taga palasyo kapag pinakawalan kita at masisira ang ating mga plano. Ngunit huwag kang mag alala. Nagpatawag na ako ng pagpupulong ng buong konseho at masagawa ko na ang susunod na hakbang mamaya." mahaba kong paliwanag habang hinimas-himas ang bolang cristal kung saan siya nakakulong ngayon.

Ngunit ang totoo'y wala akong planong pakawalan ka sa bolang iyan! Tss magiging hadlang ka rin sa akin.

"Haha! Ahh. Ganoon ba Sarahadifia? Haha!" paninigurado niya.

"Oo naman." kunwari sigurado kong sagot at ngumiti ng peke.

"Kamahalan, kompleto na ang konseho at hinihintay ka na nila." narinig kong detalye ni Harliwa sa silid ko.

"Kamahalan? Nasaan po ba kayo?" rinig kong tanong niya.

"Kailangan ko nang umalis Ursaileta." paalam ko at mabilis na lumangoy palabas.

"Haha! Galingan mo mamaya Sarahadifia! Haha!" bulalas niya.

"Nandito lamang ako Harliwa. Tara na at nasasabik na ako sa aking gagawin." sambit ko sa kanya at lumangoy patungo sa silid-pulongan.

Pagkarating ko sa silid-pulongan ay naroroon na nga ang mga pinatawag ko.

Ang konseho. Binubuo ito ng limang membro. Sila ang mga tagapangalaga sa iba't ibang parte ng Oceania. At ang pinakasentro at nakakataas ay ang kahariang ito na pamumunuan ko na. Ang Shraildehia Sirenians.

Hahahaha! Kakailanganin ko lang silang kumbinsihin. Kung hindi sila papayag! Alam na! Hahahaha!

"Maligayang pagdating Prinsesa Sarahadifia." bati nilang lahat at may bahid na pagtataka ang kanilang mga mukha.

"Maraming salamat." sabi ko at umupo sa harapan nila.

"Prinsesa Sarahadifia, nasaan nga pala ang hari at reynang nakatataas? At bakit hawak mo ngayon ang mahiwagang trident ng iyong ama?" lakas loob na tanong ni Nersadhilio, ang hari sa hilaga.

"Iyon nga ang dahilan kung bakit ako nagpatawag ng pagpupulong ngayon." kunwari malungkot kong saad.

"M-may masama bang nangyayari sa mahal na hari at reynang nakatataas?" tanong ng hari ng kanluran na si Kanladio.

"S-sila a-ay nagtungo sa mundo ng mga tao upang sunduin na ang aking mahal na kapatid." pagsisinungaling ko.

"At dahil wala sila ay ako ang inutusan na mamahala muna dito hanggang sa sila ay makabalik kasama ang aking mahal na kapatid." dagdag ko.

Tsk! Mahal na kapatid!? Parang masusuka yata ako.

"N-ngunit, ipagpaumanhin niyo po mahal na prinsesang nakatataas. Hindi po kayo maaaring mamuno dahil sa iyong sumpa." sumbat ng hari ng timog na si Las.

"Ang aking amang hari ang nagsabi na ako muna ang mamuno samantalang wala sila! At wala kayong magagawa sa kaniyang desisyon!" galit kong saad.

"N-n-ngu---"

"Humayo na kayo sa kanya-kanya niyong kaharian at isaliwalat niyo ang balitang ito! Ang tututol ay magkakaroon ng kaparusahang kamatayan!" utos ko at itinaas ang mahiwagang trident at lumikha ito ng nakabibinging ingay.

Wala na silang nagawa at bumalik na sa kani-kanilang kaharian.

Agad akong nagtungo sa bulwagan at umupo sa trono ni ama.

Agad namang nagsiyuko ang mga dama at mga kawal.

"HAHAHAHAHA! Ako na ang pinakamalakas sa lahat! HAHAHAHA!"

Itinaas ko na naman ang mahiwagang trident at may lumabas na itim na kuryente mula dito. Gamit ito ay unti-unting nabalot ng maitim ang buong Oceania.

"HAHAHAHAHA!"

Sarah SirenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon