Chapter 12
Enzo POV
Kahit nasa harap ko na ang lapida ni Rhea ay hindi ko pa rin ito mapaniwalaan. Parang napakabilis ng mga pangyayari at di ko maiproseso ito ng maayos sa utak ko.
"Bakit hindi ninyo sinabi sa akin?" may pang-aakusang saad ko.
"Si Rhea ang ang nagsabi na wag sabihin sayo." sagot niya kaya nilingon ko siya.
"Pero dapat sinabi ninyo sa akin!" may himig ng galit sa paraan ng pagkakasabi ko.
Binaling niya ang tingin sa akin at sinamaan ng tingin. Ako na ang umiwas dahil sa paraan ng pagtingin niya ay sinasabi niya sa akin kung may karapatan akong magalit sa desisyon ni Rhea.
"Masisisi mo ba si Rhea kung nakakaramdam siya ng takot." Saad niya na muling kinabalik ng tingin ko sa kanya.
"Takot?" may pagtatakang saad ko.
"Oo takot, takot siyang sabihin sayo dahil baka di mo siya balikan at takot din siyang bumalik ka dahil napipilitan ka dahil sa sakit niya. Ngayon tatanungin kita kung sa mga oras na iyon sinabi ni Rhea na may sakit siya babalikan mo ba siya dahil mahal mo siya?" Tanong niya.
Bigla akong napa-isip dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil sa mga panahon na iyon ay di ko pa alam na hindi ko anak ang dinadala ni Ericka. Kung sasabihin ni Rhea ng may sakit siya ay di ko alam kung sino ang pipiliin ko.
"Patawad" baling ko sa lapida ni Rhea at muling dumaloy ang luha ko.
Napakawalang kwenta ko dahil sa ginawa ko sa asawa ko.
Lumipas ang mga minuto na katahimikan ang namagitan sa amin ni Danica. Wala na rin kasi akong masabi dahil hanggang ngayon ay pinoproseso ko pa rin ang nang yari kay Rhea.
"Aalis na ako." Paalam ni Danica pero di ako kumibo.
"Dito muna ako." saad ko ng di lumilingon sa kanya.
"Sige" narining ko ang paghakbang niya papalayo sa akin pero bigla siyang tumigil.
"Bukas" nilingon ko siya dahil nagsalita siya.
"Bukas pumunta ka sa bahay ninyo, may ibibigay ako sayo." saad niya bago niya ako muling talikuran.
Nang maiwan ako mag-isa ay tinitigan ko lang ang lapida ni Rhea, bumalik sa isip ko ang lahat simula umpisa hanggang sa huli. Iniisip ko na baka panaginip lamang ang lahat ng ito pero ilang beses ko na rin kinurot ang sarili ko. Mga ilang oras lang ay nakarinig ako ng ugong ng sasakyan pero di ko binigyan pansin. Pero ng may naglapag ng bulaklak sa lapida ni Rhea ay doon ako napaangat ng tingin.
"Gerald" tawag ko sa pangalan niya. Oo kilala ko siya, isa siyang manliligaw ni Rhea noon. Pero bigla na lang siya nawala ng sinagot ako ni Rhea.
"Sarmiento." Tawag niya at sa paraan ng pagtawag niya ay alam kong may galit ito sa akin. Umiwas ako ng tingin at muling binalik ang tingin sa lapida.
"Alam mo napakaswerte mo pero sinayang mo lang." pagpuputol niya ng katahimikan at kinatingin ko sa kanya.
"Ikaw nangako na sasamahan siya sa lahat ng aspeto ng buhay. Ikaw na nangako na mamahalin mo siya habang buhay. Ikaw nangako na aalagan siiya. Ikaw... Ikaw na pinili niya kaysa sa akin. Ikaw na minahal niya ng lubos. Ikaw na sayo na siya pero iniwan mo. Sana ako na lang ang pinili niya kahit may kulang siya ay tatanggapin ko. Dahil siya mismo ay sapat na sa akin. Pero hindi ako ang pinili niya, hindi ako ang mahal niya, hindi ang mga pangako ko ang pinanghawakan niya. Dahil kahit sa huling hininga ng buhay niya ang pangako ninyo sa isa't isa ang pinanghawakan niya." Sa mga sinabi niya ay randam ko ang sakit at inggit. Ramdam ko ang panlilit sa mga sinabi niya. Iniisip ko kung paano ako minahal ni Rhea sa kabila ng ginawa ko. Maiintindihan ko kung makakakita siya ng taong pwede niyang mahalin pero dahil sa sinabi ni Gerald ay hindi ko maisip kung karapat dapat ba ako sa pagmamahal na iyon ni Rhea. Hindi na muling nagsalita si Gerald at makalipas ang ilang minuto ay umalis na ito ng di nagpapaalam. Alam kong galit siya sa akin kaya na iintindihan ko.
BINABASA MO ANG
The Promise (Complete)
Short Story"For richer, for poorer, in sickness and health, till death do us part. Please wear this ring and promise me that you will not remove this because this is sign of my undieying love." Yan ang pangako mo sa akin ng kinasal tayo, pangako na araw-araw k...