Chapter 6
Dalawang linggo... dalawang linggo na ako ako nagkukulong sa loob ng bahay namin. Sa araw-araw na lumilipas ay unti-unting nawawalan ng kulay ang paligid ko. Pakiramdam ko sa bawat linga ko ay itim at puti lang ang nakikita ko. Ang dating naririnig kong tugtog na pinatutugtog ko sa buong kabahayan ay ngayon ay nakakabingin katahimikan na lang. Ang dating masarap na pagkain na hinahanda ko, ngayon ay isang matabang na pagkain na lamang.
Sa mga nagdaan na araw ay para akong araw-araw na pinapatay, lalo kong nararamdaman ang sakit dahil kapag tinatawagan ko ang numero ni Enzo ay out of coverage ito. Ang pakiramdam at sakit ng baliwalain at iwan ang di ko inaasahan na mararamdaman ko.
Muli kong idinilat ang aking mata, itinuon ko ang tingin ko sa labas ng bintana kung saan papalubog na ang araw. Sa buong maghapon nakahiga lang ako, umiiyak at natutulog. Kung dati sa pagtulog lang ako nakakalaya mula sa mga sakit na nararmdaman ko. Ngayon kahit sa pagtulog ay sinusundan ako ng scenaryo ng pagtalikod at pag-iwan sa akin ng asawa ko. Kung dati di ko nararamdaman ang sakit ngayon kahit sa pagtulog ay umiiyak na ako. Para bang ang reyalidad at panaginip ko ay naging isa.
Pinilit kong bumangon dahil kumakalam na ang sikmura ko. Dahan-dahan akong bumaba habang nakahawak sa railing ng hagdan. Pakiramda ko kung di ako hahawak dito ay bibigay ang tuhod ko. Pagdating ko sa kusina ay inabot ko ang isang balot ng tinapay, ito na lang ang kaya kong kainin dahil wala na akong ganang magluto at kumain. Lalo akong nanlumo ng makita kong may amag na ang tinapay na hawak ko. Ibinaba ko ang tinapay at ininom ang tubig na nasa baso.
Nasa ganung posisyon ng makarinig ako ng katok sa may pinto. Bigla kong na isip na si Enzo ito kaya kahit nang hihina ako ay dali-dali akong tumakbo papunta sa may pinto. Pero ganun na lang ang panghihina ko ng hindi si Enzo ang taong nasa likod ng pinto.
"Rhea!" Gulat na saad ni Danica ng pagbuksan ko siya ng pinto. Napasandal ako sa hamba ng pintuan dahil ramdam ko na ang panghihina ko.
"Anong nang yari sayo?!" May pag-aalalang inakay niya ako papunta sa sala at inupo sa mahabang sofa.
Muling dumaloy ang luha ko dahil sa pag-aakalang bumalik muli si Enzo. Lalong nataranta si Danica dahil sa pag-iyak ko.
"Rhea ano bang problema?" Hinagod niya ang likod ko.
"I...Iniwan na niya ako.." hikbi kong saad, nakita kong napakunot noo ito.
"Teka anong ibig mong sabihin?" Halatang naguguluhan siya.
"Nakikipaghiwalay na sa akin si Enzo... Iniwan na niya ako." Pilit kong pinipigilan ang iyak ko pero hindi ko kaya. Hindi na nakaya ng dibdib ko ang bigat at sakit. Gusto kong mawala ang sakit pero parang di ito nababawasan .
Kita kong nanlaki ang mata niya at di makapaniwala sa sinabi ko.
"Iniwan niya ako dahil di ko siya kayang bigyan ng anak, iniwan niya ako dahil nakabuntis siya ng iba!" Ang sakit-sakit dahil sa mga oras na nagtitiwala ako sa kanya ay nagawa niya akong pagtaksilan. Ngayon ramdam ko na di ako naging sapat.
"Rhea" tawag niya sa akin at niyakap niya ako, mukhang wala siyang masabi sa nangyayari sa akin.
Hindi ko alam kung gaano katagal ako umiyak, di ko namalayan na nakatulog ako sa kakaiyak. Pagmulat ko bumungad sa akin ang center table, inikot ko ang mata ko, nasa sala pa rin ako. Bumangon ako pero ramdam ko ang sakit ng ulo ko, tiningnan ko ang paligid ko pero wala si Danica pero ang gamit niya ay nasa isahang upuan. Kahit nahihirapan ako tumayo ay pinilit ko ang sarili ko. Pumunta ako sa kusina, garden at banyo dito sa baba pero di ko nakita si Danica. Dahan-dahan akong umakyat, may tatlong kwarto dito sa 2nd floor, yung dalawang kwarto ay walang laman. Nakalaan kasi iyon para sa magiging anak sana namin ni Enzo, ang dulong kwarto ay ang kwarto namin ni Enzo. Dun ako dumertsyo dahil ang dalawang kwarto ay nakalock, sinabi ni Enzo na di na daw namin magagamit yun kaya masmabuting ilock muna. Nakaramdam muli ako ng lungkot at sa pagkakataon na ito di ko na ito pinagsawalang bahala.
BINABASA MO ANG
The Promise (Complete)
Cerita Pendek"For richer, for poorer, in sickness and health, till death do us part. Please wear this ring and promise me that you will not remove this because this is sign of my undieying love." Yan ang pangako mo sa akin ng kinasal tayo, pangako na araw-araw k...