Chapter 9
Ilang linggo na rin lumipas ng mag-umpisa akong mapanaginipan si Rhea. Halos gabi-gabi siya ang laman ng panaginip ko. Nung una ay pinang sasawalang bahala ko lang ito pero habang tumatagal ay parang di ako mapalagay.
Kaya gabi-gabi ay umiinom ako para mapalagay lang ang loob ko. Pag hindi kasi ako umiinom ay napapaisip ako hanggang ang konsesya ko na ang gumugulo sa isip ko.
Napadilat ako ng mata dahil sa sinag ng araw. Ramdam ko ang sakit ng ulo ko dahil sa pag-inom ko kagabi.
"Oh buti gising ka na." Saad ng isang boses kaya napaangat ako ng tingin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang minamasahi ang ulo ko.
"Tinawagan kita kagabi at ng sinagot mo ay puro ka ungol tapos sorry ka ng sorry sa akin. Dahil mabuti akong kaibigan ay pinuntahan kita tapos madadatnan kitang lasing dito. Pare ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Tingnan mo nagkalat ang mga bote at makalat ang unit mo." Nilahad niya ang kabuoan ng kwarto ko. May kumpol ng damit na di pa nalalabhan sa isang sulok, mga plastic na nakakalat, mga cup noodles na nakatambak sa gilid ng lababo.
"Pwede ba wag kang manermon." Reklamo ko habang hinihilot ang ulo ko.
"Enzo, halos magdadalawang buwan na ng malaman mo na di mo anak si Iñigo. Ano bang giangawa mo? Base sa itsura ng bahay mo ay gabi-gabi ka umiinom." Alam kong concern siya sa akin, kung di ko siya kaibigan baka nagalit pa ako dahil pinagsasabihan niya ako.
"Hindi mo na iintindiha." Napahilamos ako sa mukha ko.
"Ipaintindi mo sa akin." Seryosong saad niya.
"Kaylangan ko uminom para makatulog ako ng payapa." Sagot ko sa kanya na kinanuotan niya ng noo.
"Kung di ako iinom ay di ako makakatulog. Pag hindi ako umiinom guguluhin na naman ako ng konsensya ko. Llyod halos gabi-gabi napapaniginipan ko si Rhea. Yun itsura niya nung tinalikuran ko siya, yung itsura niya na binigo ko siya. Yun lagi ang napapanaginipan ko. Kala ko kung iinom ako ay mawawala ang panaginip na iyon pero halos gabi-gabi ko napapanaginipan siya." Hindi ko na napigilang ilabas ang na sa loobin ko. Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa amin pero si Llyod na ang bumasag.
"Aaminin ko sayo Enzo, dissappointed ako sayo. May galit ako sa ginawa mo kay Rhea, alam ko kung gaano mo kagustong magkaanak pero Enzo naging padalos-dalos ka. Halos wala akong mukhang harapin si Rhea dahil nahihiya ako sa kanya para sayo." Saad ni Enzo na lalo kong kinonsenya.
"Masisisi mo ba ako kung ayokong mawala ang mga pinaghirapan ko. Isa ka sa mga saksi kung paano ako magsimula sa wala." Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Tama ka saksi ako, pero Enzo si Rhea kasama mo na siya simula nung umpisa pa lang. Simula kung saan wala pang mga bagay na sinasabi mo nakamit mo." Biglang nawalan na akong kakayahan na ipagtanggol ko ang sarili ko. Tama siya dahil simula pa lang nasa tabi ko na si Rhea.
"Ayusin mo kung anong meron ka Enzo. Ayusin mo ang relasyon mo sa asawa mo." Suwestyon niya.
"Pero nahihiya ako, wala akong mukhang ihaharap sa kanya."
"Mahal mo pa ba ang asawa mo?" Napatingin ako sa kanya at sa oras na iyon alam ko ang sagot pero parang wala akong karapatan sabihin iyon dahil sa mga ginawa ko kay Rhea. Parang kwestyonable ang magiging sagot ko na walang tao ang maniniwala sa sagot ko.
"Kung mahal mo talaga ang asawa mo ay harapin mo siya. Patunayan mo ang sarili mo, wag kang maging duwag dahil sa hiya, dahil mas mabigat ang sakit na naramdaman ni Rhea kumpara sa nararamdaman mo ngayon."
Tama si Llyod dapat kong ayusin kung anong meron ako ngayon, si Rhea ang kasama ko na nag-umpisa ako.
"Salamat Llyod." Sa mga sinabi niya ay natauhan ako.
BINABASA MO ANG
The Promise (Complete)
Historia Corta"For richer, for poorer, in sickness and health, till death do us part. Please wear this ring and promise me that you will not remove this because this is sign of my undieying love." Yan ang pangako mo sa akin ng kinasal tayo, pangako na araw-araw k...