Chapter 2
"Mag-iingat ka dun hon." Pagpapaalala ko sa kanya. Ngayon kasi siya aalis papuntang La Union. Ngayon nakasakay na siya sa sasakyan niya.
"Sige aalis na ako, mag-ingat ka dito." Saad niya sabay start ng sasakyan.
"Sige" huling saad niya bago siya umalis.
Tinanaw ko ang sasakyan niyang papalayo. 'I love you.' Saad ko sa sarili ko, ito ang gusto kong sabihin pero di ko na nasabi.
Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan niya ay napagdesisyonan ko na pumasok. Tiningnan ko ang kabuoan ng bahay at malinis pa ito. Pumunta ako sa kusina at napagdesisyonan ko na maglista na lang ng igrogrocery ko.
Pagkadating ko sa grocery store ay kumuha ako ng cart, marami kasi rin ako bibilhin. Habang tinitingnan ko ang can goods ay hindi ko napansin na may nabunggo akong isang push cart.
"Ay sorry." Agad kong hingi ng tawad sabay tayo ng mga natumbang produkto ng kabilang cart.
"No it's okay." Saad ng lalake pero di ko pa din binabaling ang tingin sa kanya.
"Sorry talaga." Muli kong hingi ng tawad. Nakahinga naman ako ng maayos ng walang nabasag sa mga boteng natumba.
"Rhea?" Agad akong napatingin sa lalakeng nakabungguan ko at ganun na lang ang gulat ko.
"Gerald" tawag ko sa pangalan niya at biglang nagliwanag ang mukha niya.
"Wow long time no see." Ngiting saad niya sabay yakap sa akin. Agad din naman siyang bumitaw kaya di ko na kaylangan itulak pa siya.
Siya si Gerald Palmero, classmate ko siya sa ilang subject nung college at manliligaw din. Mas nauna siyang manligaw kaysa kay Enzo, simula 1st year college. Pero alam niya na di pa ako handa makipagrelasyon noon, pero nung inamin ko sa kanya na si Enzo ang mahal ko ay di ako makatingin sa kanya. Kita ko ang sakit sa mata niya noon pero nagawa pa rin niyang ngumiti at sinabing maging masaya ako. Matapos ng graduation ay di ko na siya nakita pa muli.
Tiningnan niya ang cart ko at ngumiting binalik ang tingin niya sa akin.
"After natin mamili I want to invite you for coffee." Imbita niya. Nag-aalangan ako pero ng makita ang nakangiting mukha niya ay pumayag na ako.
Tinapos lang namin ang mga bibilhin namin at pumunta kami sa malapit na coffee shop. Iniwan muna namin ung mga pinamili namin sa baggage counter.
"Oorder muna me this is my treat dahil ako naman ang nag-aya. Is still mocha is your favorite coffee?" Tanong niya.
"Oo" sagot ko. Umalis siya sa table namin at ilang sandali ay may dala na siyang tray ng coffee at food.
"Ito oh sinamahan ko ng tinapay para may pangbara." Pagbibiro niya na kinahagikgik ko. Umupo siya sa upuan kaharap ko.
"So kamusta?" Tanong ko sa kanya.
"Ito abala sa business, mahirap magpatakbo ng company lalo na kung solong anak ka lang at ikaw lang ang inaasahan." Ngiting saad niya.
"Ikaw kamusta ka?" Tanong niya bago humigop ng kape.
"Okay lang." Kinuha ko ang stirer para haluin ang kape ko.
"So kasal ka na pala." Muli akong napatingin sa kanya at pagtingin ko ay nakatingin siya sa kamay ko o sabihin nating nakatingin siya sa wedding ring ko.
"Oo" maikling sagot ko sabay titig sa kape ko.
"Si Sarmiento ba ang napangasawa mo?" Tanong ni Gerald, ang tinitutukoy niya Sarmiento ay walang iba kundi si Enzo. Sanay kasi si Gerald tawagin ang ibang tao gamit ang apilyido at kapag tinawag ka niya sa first name mo ay kaibigan o kapamilya ka niya.
BINABASA MO ANG
The Promise (Complete)
Short Story"For richer, for poorer, in sickness and health, till death do us part. Please wear this ring and promise me that you will not remove this because this is sign of my undieying love." Yan ang pangako mo sa akin ng kinasal tayo, pangako na araw-araw k...